ADVICE PLEASE

1.4K 22 19
                                    

Hello po! This is an author's note for everyone. I deleted two stories I made. Yung "You Came, My Life Changed", kasi nawalan na po ako ng gana. Super sorry po. And yung isa na bago lang yung "His Brave Girl" na about sa love life ko. Dinelete ko naman po yun kase alam kong mas lalo lang ako mahihirapang mag move on kapag tinuloy ko pa yon.And yes you're right, hindi happy ending...

I really need your advices right now. Sobrang nahihirapan na po talaga ako mag move on. Classmate ko po kasi yung boyfriend ko for two years. He's a bad boy type. Ako nga po yung ninth girlfriend niya eh. Pero alam niyo ba, ako lang yung sineryoso niya. Ako yung pinakamatagal na relationship niya. Sakin lang siya nag effort ng sobra sobra. Sabi niya pa sakin, ako na daw yung last girlfriend nya. Kaso ngayon, hindi na po kami magkaklase. Nagkagusto po siya dun sa classmate niya. Parang ako daw po kasi eh, maliit tas cute and approachable. Masaya nga daw po kausap. Ine-entertain nga siya nung girl eh. Nagbigay pa sa kaniya yung girl ng letter. After 4 days, sabi niya po sakin na mag break na kami kasi naf-fall na daw siya sa girl. Nafall na yung boyfriend ko.... Mas pinili niya yung girl na nakilala niya lang nung June kesa sa akin na kahit kelan hindi siya iniwan. I was there when he's sad, I was there when he's happy. I was there for him when everyone turned their backs on him. Yet he chose to leave me...

More than 1 month na po ang nakalipas simula nung nag break kami. May nagsabi nga po sakin na mahal na mahal niya na daw yung girl eh. At kung paano niya daw ako titigan dati, ganun nya daw ngayon titigan yung girl. Hindi ko na po alam yung gagawin ko. Sobrang nasasaktan na po ako. Hirap na hirap akong mag move on. Miss na miss ko na siya. You have no idea how hard it is for me stop thinking about him. Even when I make myself busy, I can't help but remeber him. Lahat ng memories namin naiisip ko parin. Legal pa kami. Palagi nga sakin sinasabi ng mama ko na parang anak na din daw turing nya sa boyfriend ko eh. Palagi kasi pinapapunta ni mama yung boyfriend ko sa bahay eh para kumain and makipag kwentuhan. Kami pa nga yung "ideal" couple sa high school. Sobrang nagulat lahat nung nalaman nila na break na kami. Pati yung mga teachers, pinapatamaan siya sa class nila sabi nung mga friends ko na classmate siya, naaawa nga ako sa kanya eh. :'(

Pati yung mga higher batch, sinasabi sakin na gusto nila kausapin yung bf ko. Sabi ko wag na. Naaawa sila sakin. Naaawa din ako sa boyfriend ko kasi madaming galit sa kanya eh. Kung ano ano na tawag nila sa kanya. Syempre kahit ginago naman niya ako, mahal na mahal ko parin siya. And duh, yung nagawa nya sakin na masama, wala pa yun sa kalingkingan ng mga nagawa nya sakin na mabuti. Sobrang swerte ko na naging boyfriend ko siya. Sobra. Pag nag seryoso yan, seryoso talaga siya. 

Paano po ba mag move on, guys? Hirap na hirap na ako. I thought we're going to last forever. Yun yung sabi niya sakin eh. Nag promise siya sakin. Nakagawa na nga kami ng name para sa magiging mga anak namin eh. :'( Sa totoo lang, umaasa parin ako na babalikan niya ako. Kasi hanggang ngayon, naniniwala parin ako sa promise niya sakin. :'(

Please guys. Advice naman diyan oh. Hindi ko na alam gagawin ko. 1 month na nakalipas pero iyak parin ako ng iyak. Please help me. :'(

Mr. Brightsideजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें