4: He's cheating?

8.6K 138 10
                                    

NATALIE

Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo. Parang tumigil lahat. Ang nakikita ko lang ay si Lawrence at yung babaeng kahalikan nya.

Napaatras ako sa nakita ko at di ko namalayang may malaking vase pala sa likod ko. Natamaan ko ito na nagsanhi para gumawa ng malakas na ingay. Napalingon sakin si Lawrence at nakita kong nanlaki mata nya.

"Nat! Wait it's not what you thi---" di ko na sya pinatapos magsalita at tumakbo na ako palabas. Napatigil lahat sa pagsasayaw at napatingin lang sila sakin habang tumatakbo palabas at naiyak. Wala na akong pake kung pinagtitinginan nila ako kasi pucha, masakit!

Agad ako sumakay sa sasakyan ko at pinaandar kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko muna umuwi, paniguradong doon sa dederetso.

Namalayan ko na lang ang sarili kong tumigil sa isang park. Bumaba agad ako at saka umupo sa swings at saka umiyak.

Paano yun nagawa ni Lawrence sa akin? Akala ko ako lang. Alam ko na dapat pakinggan ko muna explanation nya pero di ko pa kaya. Abnormal na kung abnormal pero nasasaktan lang ako. Kaya ko naman sya pakinggan, kaso wag lang sana ngayon.

Inilabas ko agad ang phone ko at tinawagan ang kaisa-isang taong mapagkakatiwalaan ko.

"Hello?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"........" Hindi agad ako nakasagot, pero sa tingin ko narinig nya ang paghikbi ko nang.

"Nat? Umiiyak ka ba? What happened?" Tanong ni Chord at mas lalo akong napaiyak.

"....C-Chord, punta k-ka dito s-sa park, kailangan k-kita n-ngayon." Sabi ko habang naiyak.

"Sige, wait for me Nat." Sabi nya at ibinaba na ang linya.

------

CHORD

"HOY KUYA! BAKIT NA NAMAN 'TO NAPUNTA SA KWARTO KO?!" Sigaw ng kapatid ko bago ibato sakin ang boxer ko.

"ABA MALAY KO! SHOO!" Sigaw ko bago sya batuhin ng unan. Napasimangot muna sya bago padabog na lumabas ng kwarto ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at nag-isip isip. Hayyyy, miss ko na si Nat. Asan kaya sya? Matawagan nga.

Kinuha ko ang phone ko at nagulat ako nang makitang tumatawag si Nat. Nakangiting bumangon ako bago sagutin ang phone.

"Hello?" Sabi ko. Naghintay ako ng sagot pero nagtaka ako ng napaka tahimik hanggang sa narinig ko syang humikbi.

"Nat? Umiiyak ka ba? What happened?" Tanong ko agad nang marinig ko ang hikbi nya. Sht, pinaiyak yata ni Lawrence.

"....C-chord, punta k-ka dito s-sa park, kailangan k-kita ngayon." Sabi nya bago ko marinig ang malakas nyang pag-iyak.

"Sige, wait for me Nat." Sabi ko bago ibaba ang linya.

Dali dali kong kinuha ang susi ng aking sasakyan bago patakbong bumaba.

"BUNSO! PASABI MAY PUPUNTAHAN MUNA AKO!" Sigaw ko at di na hinintay pa syang sumagot at umalis na.

---------

Pagkarating na pagkarating ko sa park ay agad kong hinanap si Nat at nakita ko syang nakaupo sa isa sa mga swing habang nakayuko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya bago lumuhod sa harapan nya.

"Nat..." Sabi ko at agad naman syang napatingin sa akin. Nakita kong agad na namuo ang mga luha sa kanyang mukha bago ako yakapin ng mahigpit at humagulhol.

"C-Chord... b-bakit n-nya ako niloko?" Sabi nya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya niyakap ko nalang sya ng mahigpit.

Sabi na nga ba. Sinaktan sya ni Lawrence. Ito ang kauna-unahang beses na nangyari 'to kaya nang tumawag sya sakin habang naiyak ay naghinala na ako pero di ako sigurado. Tangina! Inalagaan ko 'to ng ilang taon nang di sinasaktan, tapos sasaktan lang ng gagong yun?

My Teacher, My Secret Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon