Prologue

10 2 0
                                    


Maganda naman ako... oo, inuna ko na talaga ang pagiging maganda ko at baka makalimutan ko pa.


Mabait naman ako.. umaapaw ang kabaitan pagdating kay Clover.


Sexy naman ako.. kaya wag naman sanang hipon  ang tipo sa babae ni Clover.


Masipag naman ako.. sa sobrang sipag ko, araw-araw kong minamahal si Clover.


Loyal naman ako.. may loyalty award na nga ako dahil sa pagiging loyal ng mata at puso ko kay Clover.


Sweet naman ako.. halata naman sa pangalan di'ba?


At napapagod na akong mag-isip ng lahat ng papuri dahil sinalo ko na lahat ng magagandang puri.


Alam kong selfish ako dahil sinosolo ko lahat ng magandang papuri, pero nagsasabi lang ako ng totoo. Ngunit, subalit at datapwat, kahit ang ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda at ang ganda ganda ganda ganda ganda ng ugali ko.. at ang ganda ko talaga, hindi pa rin ako magawang mahalin ng taong mahal ko. 


Hayop na Clover! Nung nagsabog at ng kasungitan si Lord, sinalo na nyang lahat.


Ang hirap nyang abutin, sungkitin, makausap, at higit sa lahat.... ang hirap nyang pa-ibigin.


Pero sabi nga, kapag may tyaga, may nilaga.


Tyaga lang, mapapasakin rin sya..


-Candy Klaire C. Sandejas

Clover's Candy

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Apr 12, 2016 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Operation ni Candy:PA-IBIGIN SI CLOVERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora