Kabanata 12

125 7 3
                                    


Pagkatapos kong mag pag-pag ng pantalon, tinignan ko yung lalaki. Ngayon ko pa lamang siya nakita, and I'm not sure kung new student ba siya or old. Kaya habang pwede pa, tinanong ko na siya.

"Uhm... sorry nga pala ah." sabi ko sabay kamot ng leeg na kala mo ay may kuto yung leeg. "Mata-tanong ko lang, are you new here? Parang ngayon pa lang kita nakita dito sa school." 

Nakita ko ang katawan niyang nang nginginig, dahil ata sa lamig sa library o nerbyoso lang talaga siya.

"U-uh... A-ano..."  "JACKIE!!!!" Napatingin ako sa likod ko, at nakita ko si Chad na tumatakbo ng mabilis. Yung parang na papanood ko sa mga anime, parang siya lang yun. 

Titingin dapat ako doon sa naka bangga ko, pero pagtingin ko, wala na siya. As in. Ewan ko ba kung dahil kay Chad dahil sinagaw niya yung pangalan ko o ano eh.


"Jackie..." Bigla namang may humawak sa balikat ko. 

Pag tingin ko sa may ari nung kamay na iyon.... "ECKKKK!" 

Nagulat ako sa itsura ni Chad. Mukha siyang hinihingal na aso na pinagpapawisan na ewan. Nakahawak siya ngayon sa sarili niyang tuhod na para bang inuubusan namin siya ng hininga. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Oi, okay ka lang ba? Mukha kang hinabol ng malaking aso." sabi ko habang tinitignan kung okay lang ba talaga siya. 

"Ha... Ha... Ha... So-sorry... Wait lang... Hinihingal pa ko." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya.

Umupo na lang ako, malamang sa upuan. Ayoko naman umupo sa sahig ng library, masyadong madumi.

"Bakit ka ba kasi tumakbo papunta dito? Eh 'di ba may practice ka para sa game niyo next week?" tanong ko sa kanya. 

Ang weird nga nitong lalaking ito eh. Noong una pa lang may saltik na toh sa utak eh. Parang sinaniban na siya ng espiritu 

"Ano... dapat kasi nandoon ka..." sabi niya ng pabulong habang nakatingin sa akin, ang hina na boses niya pero dinig ko pa naman kung ano yung sinabi niya.

"At bakit naman ako pupunta doon aber?" tanong ko sa kanya nang naka-taas ang isang kilay ko at yung dalawa kong kamay ay nasa bewang ko. At nung ginawa ko yon, nakita ko siyang namula, hindi yung mukha pero yung tenga niya yung namumula.

"Hoy, ba't namumula ka dyan ha? Dahil ba yan sa tinakbo mo, o dahil may binabalak kang masama?" Tanong ko na naman ulit sa kanya.

"Ah, a-ano kasi..." Pahina ng pahina ang boses niya, di ko na narinig yung sinabi niya. At na bulol pa ang loko. Ang galing.

"Kung wala ka naman pa lang sasabihin, sige alis na ko. Mukhang nagwawala ka na naman sa kulungan mo eh." Sabi ko sabay kuha ng bag.

Nung palapit na ko sa pintuan ng library, na bigla naman ako ng may pumigil sa akin. Tinignan ko kung sino, sino pa nga ba? Eh di si Chad. Siya lang naman yung tipong lalaki na hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto eh.


"Ano ba-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, pinutulan niya ako.

"Please, manuod ka ng practice ko." Sabi niya sabay takbo na parang nag-confess sa crush niya.

"Hay naku, kailan kaya matuto ang isang yun?" Sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko na nahulog kanina. 


Inisip ko na lang na 'wag ako pumunta dahil masasayang lang ang oras ko sa kanya. And wala akong oras para sa mga kalokohan niya - I mean yan lang naman ang laman sa utak niya, kalokohan. Pati na rin yung mga lalaki dyan na sinasabi nila na 'Good boy' daw sila, pero sa totoo lang may ginagawa sila sa mga likuran natin, habang hindi natin sila nakikita ibig kong sabihin.

That Perverted Jerk //luyoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon