Chapter 11

61.1K 2.5K 349
                                    

Chapter 11


Misha, 'wag kang iiyak. 'Wag na 'wag kang iiyak. Ang mga kontrabida, hindi nagpapa-apekto sa ganitong bagay. Oh eh ano naman kung sila na?! Kung ang mga mag-asawa nga eh naghihiwalay, ang mag-jowa pa kaya?

Sus madali namang agawin si Kiel! Kayang-kaya 'yan ng powers ko. Kaya dapat 'wag akong umiyak. Isa akong kontrabida with poise na hindi nagpapadala sa ganitong sitwasyon. Ang mga antagonist, malalakas ang fighiting spirit. Hindi nila tatantanan ang isang bagay hangga't hindi nila ito nakukuha. Hindi sila lagi nagpapadala sa emosyon.

Pero tao lang din sila. Marunong magmahal. Marunong masaktan.

Huminga ako ng malalim at naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Inilabas ko 'yung binili kong hotdog sandwich at isinubo ito para mapigilan ko ang aking sarili sa pag-iyak kaya lang nabulunan naman ako sa ginawa ko kaya napainom ako ng juice.

Biglang may lumapit sa akin na batang gusgusin. Doon ko lang na-realize na nakalabas na pala ako sa university at talaga nga namang doon pa ako sa likod dumaan kung saan maraming pulubing nagkalat.

"Ate, akin na lang 'yan," sabi nung bata sa akin habang nakatingin sa hotdog sandwich ko.

"Ano ba 'yan! Nakakaisang kagat pa lang ako eh!"

"Sige na ate, akin na lang 'yan!"

Tiningnan ko 'yung bata at nakita kong ang payat-payat niya.

"Ito na nga!" inabot ko 'yung kinakain ko sa kanya pati na rin 'yung iniinom ko.

Tinalikuran ko na lang siya agad. At hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Nag-uunahan pa talagang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Hindi dahil wala na 'kong hotdog at juice kundi dahil naagaw na ang minamahal ko.

'Antokwa naman, Misha! Sabi nang 'wag kang iiyak sa ganyang bagay eh! Bwisit naman eh! Bwisit! Pahintuin mo nga 'yang luha sa mata mo! Katawan mo 'yan kaya dapat mautusan mo 'yang sumunod sa'yo!

Kaso nakakatawa nga namang isipin. Nasa katawan ng isang tao ang puso. Isang maliit na bagay lang siya na nakakonekta sa katawan natin, pero 'yung maliit na bagay na 'yun, kayang-kaya nitong kontrolin ang ating emosyon.

Parang ngayon. Kahit ayokong umiyak, napapaluha ako dahil sa dikta ng puso ko.

Naupo ako doon sa bench na nasa ilalim ng balete tree sa park. Walang masyadong tao rito kasi natatakot sila sa balete tree. Bali-balita kasi na may naninirahan daw dito na kung ano.

Pero wala akong panahon na isipin pa iyon. Kailangan ko lang talaga ng tagong lugar na pwedeng iyakan at ito ang pinakaperfect na spot. Gustuhin ko man kasi na balikan ang kotse ko sa parking lot, e di ko kaya. Baka nandoon pa ang dalawa at nagsasabihan ng undying love nila sa isa't isa.

Mga pakshet sila!

Pagkaupong-pagkaupo ko sa bench, bigla akong yumuko habang tinatakpan ng kamay ko ang aking mukha at doon na 'ko nagsimulang humagulgol ng iyak.

Ano ba naman, Misha! Nakakahiya ka na talaga! Wala man nakakakita sa'yo pero nasisira ang image mo bilang kontrabida with poise! Wala kang karapatang umiyak dahil hindi pa tapos ang laban. Ano ba?!

The Other Side (Book version)Kde žijí příběhy. Začni objevovat