Mundong Maganda..Bakit Tuluyang Nasisira???

spinner.gif

Ang Diyos ay binigyan tayo ng magandang mundo,Subalit ano ang ating ginawa?Ayan ang katanungan ngayon sa atin...Inaabuso natin ang ating mundo, sinisira natin ito kaya tayo nagkakaroon ng GLOBAL WARMING...Ano nga ba ang GLOBAL WARMING?Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada.Nagdudulot din ito ng GREENHOUSE GASES na nakaaapekto sa ating mundo.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang GLOBAL WARMING ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na SUN'S RAYS na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Kaya rin tayo nagkakakaroon ng CLIMATE CHANGE..Ang CLIMATE CHANGE ay dulot ng pabago-bagong panahon o klima ito ay nakakasama sa ating mundo kaya tayo nagkakaroon ng pagbaha,pagkakaroon ng ng kalbong kalikasan,lindol at iba pa...Iinit tapos biglang uulan,uulan tapos biglang aaraw.

Kaya kung hindi tayo magbabago magiging ganito na talaga ang ating mundong tinitirahan tuluyan na itong masisira.Sana maging aral ito sa lahat upang ang ating kaalaman tungkol sa ating mundo ay mas malawak para sa ating magandang kinabukasan.Kaya, TANDAAN: "Nasa huli ang pagsisi" 

PANAHON NA para TAYO ay MAGBAGO at KUMILOS para sa ISANG MAGANDANG MUNDO na ating TINITIRAHAN

"HALIKA NA, KILOS NA, MAGBAGO NA!!!"

 

 

 

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended