Chase and Hearts by: Jonaxx

1K 12 1
                                    

COMPLETED

"With you, I can do anything..." Hinawakan ni Yuan ang malalamig kong kamay.

Nasa loob kami ng sasakyan niya. Kinakabahan ako, umiiyak at nanginginig. Walang preno ang pagmamaneho niya. Mukhang matagal talagang pinag-isipan ang pagtakas naming dalawa.

"Kaya natin 'to, Eliana." Aniya.

May nakasunod saming mga tao ng kanyang mga magulang. Gusto niyang umalis ng Pilipinas kasama ako... tumakas kasama ko.

Hindi ako prepared. Wala akong dalang gamit. Hindi ako nakapagpaalam sa mga magulang ko o kahit kanino, kahit kay Bench na pinsan ko o kay Denise na bestfriend ko. Nasa bahay ang passport ko at siguradong di ako papayagan ni Daddy na kunin yun.

Simula pa lang, alam kong hindi kami pwede ni Yuan dahil sa tradisyon ng pamilya niya pero umasa parin ako na kahit paano, papayag ang kanyang pamilya sa relasyon naming dalawa. Chinese decent siya at akala ng pamilya niyang illegitimate child ako kaya ayaw nila sa akin. Kaya ngayon, desperado na siyang isama ako.

"Mahal na mahal kita." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

Hindi ko parin mapigilang mag-isip sa pamilya ko. Iiwan ko si Dad? Sasama ako sa kanya. Mahal ko rin siya pero alam kong hindi tama 'tong ginagawa namin o kung handa akong iwan ang pamilya ko. All my life, I've always been with my family.

Namatay si mama nung pinanganak ako. Apat na buwang buntis siya sakin nung na comatose. Limang buwan pagkatapos ay ipinanganak ako at siya naman, after one year, namatay. Dad was convinced he'll never find someone else to love but he was wrong. He met my step mom. She's kind and beautiful like my mother. Pero dahil mahal na mahal at iningatan ako ng lubos ni daddy, homeschooled ako simula Kindergarten hanggang highschool. Sa resthouse ng farm namin ako nakatira at paminsan-minsan dinadalaw ng mga pinsan ko at ni Denise na anak ng lawyer ni daddy.

College nung una ako nakatapak sa isang eskwelahan at naranasan ang mamuhay na parang isang simpleng teenager lang. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari in less than a year. I fell in love with Yuan. Crazily in love with him that I sneak out at night, disobeyed dad and lied to my friends... all of it just to be with him. Pero masaklap sakin ang katotohanan. His parents dislike...no...hate me. Nagawa nila akong ipagtabuyan sa bahay nila. I was outside their house begging to please hear me. Hindi ako anak ng kabit (that's what they think). Intsik sila kaya gusto nila ng isang intsik din para kay Yuan, at ang pangalang Eliana Chaves Jimenez ay malayo sa pagiging intsik.

"Stop the car." 

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. Para bang hiningi ko sa kanya ang pakawalan ako.

"Stop the car, Yuan. I don't want this..." Sabi ko.

Masakit. Masakit sabihin yun sa taong pinakamamahal mo. Masakit tanggihan ang alok niya. Mahal ko siya pero this past few months masyado na akong nasaktan. Ipinagtabuyan ako ng parang aso sa bahay nila nung huli ko siyang nakita at nakausap. Hindi siya nakipagcommunicate sakin ng halos anim na buwan pagkatapos nun, tapos ngayong nagkita ulit kami bibiglain niya ako ng ganito.

Imbis na sinunod niya ang gusto ko, humarurot ang sasakyan at mukhang di niya namalayang pula na ang traffic light. Agad siyang nagbreak. Hindi kami tuluyang nabangga sa isang sasakyan pero dahil sa bilis ng takbo at sa biglaang break, lumabas yung airbag sa harapan pero nakita kong sumalpok ang ulo niya sa salamin at dumugo.

"GET OUT! GET OUT!!! NOW!" Sigaw nang sigaw ang mommy ni Yuan sa loob ng ospital. "This is all your fault!" Sinampal niya ako pero tinanggap ko na lang ang lahat.

Inawat siya ng mga kapatid ni Yuan.

"Eli! Eli!" Kakarating lang ni Denise at ni Bench. "What happened?"

Umiling na lang ako at naglakad paalis ng ospital kasama si Bench at Denise.

I have to stop this. I have to start a new life and stop all this. Nagsimula ito sa mali pero tatapusin ko 'to sa tamang paraan. I have to stay away. Stay away from all of these.

Click the external Link - - - - - ->

Stories that I recommend...Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt