Chapter 1: Cowardice

135 7 47
                                    

C H A P T E R I

C O W A R D I C E

*Renz

Tamad kong hinahakbang ang aking mga paa habang walang ganang pinagmamasdan ang tuyo at napakainit na bayang napuntahan ko.
Napakawalang kwenta naman ng araw na 'to. Ni isang bayan na napuntahan ko ay wala ni isang tao ang nagtangkang lumapit sa'kin.

Sininghot ko pa ang aking kili-kili. Hindi naman ako mabaho. Sinuri ko naman ang aking suot. Maganda naman at hindi marumi, kakanakaw ko lang nito eh.

Kanina pa talaga ako nababagabag sa mga kilos ng mga tao. Para bang takot na takot at may halong galit sila kung makatingin sa'kin? Bahala na nga! Wala naman akong ginagawang masama.

Kailangan ko lang naman makakalap ng impormasyon tungkol sa mga kapatid ko. Mahigit limang taon na akong naghahanap sa kanila ngunit kahit anino nila'y di ko mahagilap.

Ayaw kong maniwala sa sinabi ng lalake na patay na nga ang mga kapatid ko dahil alam ko't nararamdaman kong buhay pa sila.

Noong araw na sinalakay kami ng mga kalaban, nagsakripisyo si ama para lang mailigtas kami. Nagpaiwan siya't hinarap ang grupo ng mga sumalakay sa amin.

Ilang araw ang lumipas ay narinig ko ang balitang nasawi si ama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig noon. Hindi ako makapaniwalang ang pinakamalakas na nilalang sa buong Vastryl ay natalo lang ng grupo ng mga bandido!

Pero yun pala ay hindi sila mga pipitsuging bandido lamang. Sila ay grupo na galing sa Dark Continent. Ito ang lugar na kung saan pinapatapon ang mga delikadong kriminal sa kasaysayan ng iba't ibang mga bansa. At nalaman ko rin na ang pinuno nila ay ang pinaka kinakatakutang nilalang sa buong Vastryl, ang pinsan ng aking ama, si Atris.

Noon pa man ay naging banta na sa aming mga buhay si Atris. Gusto niyang mapasakanya ang trono at kapangyarihan ng Vastryl. Ang kapangyarihan niya ay delikado. Kapag ikaw ay kanyang nahawakan, sisipsipin niya ang iyong kabataan hanggang sa maging lantang gulay ang iyong katawan. Ganoon ka delikado ang isang tulad niya kaya siya ipinatapon sa isla ng mga kriminal.

Ngayon ay nagbabalik siya't hinahanap ang mga batong nagtataglay ng malakas na kapangyarihan. Mga batong nasa pangangalaga naming mga magkakapatid. Muntik na niyang mapasakamay ang dalawang bato, buti nalang ay nabawi ko ito bago pa man maibigay sa kanya.

Sa aking kakaisip, hindi ko na namalayan na umabot na pala ako sa kabilang dulo ng bayan. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko bayan, naalerto ako sa aking nakita. Nagtago ako sa likod ng batong bahay at sumilip. Grupo ng limang lalakeng naka-itim ang mga dumating sa bayan na nambubulabog sa mga kabahayan. Kumunot ang noo ko sa kanilang ginawa. Kinaladkad nila ang isang babae papalabas ng kanilang bahay, tumakbo ang anak nito papunta sa kanya pero isang sipa ang sumalubong sa bata.

Kumuyom ang aking kamao dahil sa ginawa ng lalake. Nagtawanan pa sila habang ang nanay ng bata ay pilit na nanlaban para makawala at malapitan ang anak. Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Isang lalake na hula ko'y nakatira sa bayang ito ang sumugod sa lalakeng nakaitim at may hawak sa ginang. Humalik ang binti ng lalake sa kalaban dahilan para matumba ito't mabitawan ang bihag.

Bigla nalang nagpalit ng anyo ang nasipang kalaban, naging isang mabangis at dambuhalang aso ang anyo nito. Ganun din ang ginawa ng apat pang lalake. Pansin ko namang hindi natinag ang lalakeng kanilang kaharap. Bagkus ay pinalagitik lang nito ang kanyang mga daliri hanggang sa unti-unti na itong kumikislap.

Sinugod siya ng isang aso na agad niyang nailagan. Hindi ko makita ang lahat ng mga nangyayari sa kanilang labanan hanggang sa nangisay na lamang ang limang dambuhalang aso pabalik sa kanilang orihinal na anyo. Hindi ko maipaliwanag ang nangyari pero isa lang ang sigurado ako, nanalo ang lalake laban sa mga dambuhalang nilalang na kaharap niya.

"Sino ka?" Napabalikwas ako nang may nagsalita sa likod ko. Isang babae ang masamang nakatingin sa akin at kinilatis ang aking suot.

****

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na ninakaw ko nga itong suot ko ngayon. Nakasampay kasi ito sa may malapit sa gubat ng una kong dinaanan na bayan. Malay ko bang kasuotan pala ito ng mga kalaban? Ng mga bandido?" Pagpapaliwanag ko ulit. Napagkamalan kasi nila akong kasamahan noong mga lalakeng naging dambuhalang aso. Kaya pala iba kung makatingin sa 'kin ang mga tao sa mga bayan na nadaanan ko, dahil pala sa lintek na damit na 'to!

"Hindi parin ako naniniwala." Sabi ng babae na unti-unti nang nagpapainit sa ulo ko. Kung hindi lang ako nakagapos ay kanina ko pa siya sinuntok.

"Krylix.." Tawag ng lalake sa kanya.

"Hindi talaga ako naniniwala! Nakakalimutan mo na ba kung ga'no tayo naghirap dahil sa kanila? Tapos ngayon, nagsisitaguan lang yung mga may responsibilidad dito. Mga duwag!" Napayuko ako sa kanyang sinabi. Hindi niya man sinabi kung sino-sino ang mga ito, alam ko parin na kami ang kanyang tinutukoy. Siguro nga ay naduduwag akong lumaban at harapin ang responsibilidad ko bilang prinsesa, hindi ko parin tinatalikuran ng kaharian, hinahanap ko parin hanggang ngayon ang natitira naming pag-asa. Ngunit dahil naniniwala nga ang mga tao na patay na nga kami, wala akong naisip na gawin kundi ang itago ang tunay kong katauhan.

Biglang pumagitna ang lalake sa aming dalawa at hinarap si Krylix. "Ako na bahala dito, Krylix. Puntahan mo muna yung isa doon na kasama ang mga shapeshifter." Sa simula ay di pa sana siya papayag pero wala rin siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito.

Sa pag-alis niya ay humarap naman ngayon ang lalakeng tumalo sa limang shapeshifters sa akin. Magulo ang kanyang buhok at may mga asul siyang mga mata. Napabuntong hininga siya at umupo sa sahig at tinignan ako. "Naniniwala ka bang buhay pa sila?" Bigla akong nakaramdam ng kaba mula sa tanong niya ngunit pinanatili kong matatag ang ekspresyon sa aking mukha.

"Sino'ng sila?" Painosente kong tanong sa kanya na sinuklian niya lang ng titig.

"Ang mga responsable sa lahat ng mga nangyari. Ang dating hari at ang kaniyang pamilya." Sagot niya sa tanong ko na parang nababagot.

"Yun ang sabi nila," wika ko at nagkibit-balikat nalang.

Lumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti ng malapad. "Gano'n ba? Ako rin kasi, narinig ko lang din iyon sa iba. Hehe. Ako nga pala si Ean!" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.

Nahihiya akong nginitian siya at pinakita ang nakagapos kong mga kamay. "Ay! Oo nga pala! Teka, kakalagan muna kita." Bulalas niya at pinutol ang tali.

"Hoy, Ean! Pinapunta mo lang ako doon para pakawalan 'tong bihag natin 'no?!" Singhal ni Krylix kay Ean. Akala ko ba nakaalis na 'tong babaeng 'to? Tsk.

"Hayaan mo na, eh mukha naman siyang mabait." Wika ni Ean na ikinahiya ko. Kapag nalaman niya sigurong ako ang prinsesang nagtatago at nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari sa dati niyang kaharian, papatayin niya talaga ako dahil nalinlang siya sa mukha ko. Mas lalong dapat kong itago ang tunay kong katauhan sa kanila ngayong nalaman kong malaki pala ang galit nila sa amin na iniwan namin sila noong mga panahong sila'y naghihirap.

"Sus! Madali ka kasing magtiwala kaya lahat ng nakikilala mo tinatraydor ka!" Naiinis siya kay Ean pero ngiting ngiti parin si Ean sa kanya na parang di siya iniinsulto nito.

"Di mo naman ako tatraydorin diba?" Natigilan ako sa tanong niya. Ngiting-ngiti parin siyang nakaharap sa akin at parang hinihintay ang sagot ko. Di ako makapaniwala sa katangahan ng isang 'to! Ibang klase!

Umiling ako na mas ikinalapad ng ngiti niya. "Sab--" Di na niya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang yumanig ang buong paligid.

Kita kong naalarma ang dalawa kong kasama. Nagkatinginan silang dalawa na parang nag-uusap sa kanilang mga isip. Sabay silang tumakbo papalabas ng gusaling aming tinitigilan kaya agad naman akong sumunod.

Pagkalabas ko ay akala ko, normal na lindol lang ang nagyayari, yun pala ay sobra pa doon.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ganoon din ang dalawa kong kasama habang tinitingala ang nilalang sa aming harapan.

------------

Alam niyo yung pabago-bago ng isip? Ako yun eh. Imbis na okay na sana yung nabuo kong mga chaps, binago ko ulit. Hahahahahahahaha. Sorry. Lol.

-Shun/Renz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dix Royale: VastrylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon