Bawasan ang insecurity nakamamatay (On Shot STORY)

281 5 0
                                    

Bawasan ang insecurity nakamamatay (On Shot STORY)

Nagsisimula naman lahat ng story dito sa wattpad na si Ms. Perfect makikilala si Mr. Pogi or kung minsan yung mga tipong pa mysterious effect at pa cold ang peg. At dagdag pa yung bestfriend na nerd at bitch na kontrabida. Pero uunahan ko kayo walang ganoon sa storyang eto.

Hindi mala fairytale ang datingan ng buhay ko. Siguro pasok nadin sa fairytale yung mala damsel in distress kaya lang forever ng damsel in distress ang buhay ko dahil wala namang prince charming sa buhay ko. Baka shokoy meron.

Ayokong mag describe tungkol sa physical appearance ko dahil wala namang ka describe sa akin.

Tumakas ako sa bahay namin para makipag kita sa bespren ko dito sa may SM. Babae yung bespren ko at late nanaman siya. Kelan kaya magpapakita sa akin yun ng on time.

Kanina pa ako palingat lingat dito sa may SM wala parin siya. Ansama na ng tingin sa akin ng mga security guard. Ganon na ba kasama yung mukha ko para mapagkamalang holdaper?

“Rose”. May tumapik sa likuran ko. Ganda ng pangalan ko diba? Rosemarie “Rose” Flores. Pero malayo sa mukha ko ang pagiging Rose. Tinik lang siguro nakuha ko,

“S-sino ka Miss?”. Isang babaeng mukhang susyal at kulot ang buhok ang nasa harapan ko.

“Grabe ka naman Rosemarie Flores! Si Iris to”. Pinalo niya ako sa ulo. Akalain mo naabot niya ulo ko. Tiningnan ko yung sapatos niya killer heels pala kaya naabot niya ako. Pwede ng deadly weapon yung heels niya.

“Akala ko naman kung sino. Bakit ganyan suot mo?”. Naka porma kasi siya samantalang ako naka shorts at t-shirt lang na pambahay.

“May pupuntahan kasi ako later”.pagpapaliwanag niya. “Dala ko na pala yung book na hinihiram mo”. Sabay abot sa akin

“ah salamat”. Agad ko namang kinuha yung binigay niyang book sa akin. Nanghihiram lang ako ng book dahil wala akong pera na  panggastos para bumili ng book tsaka pwede namang maghiram bakit pa bibili.

“Date namin ni jowa later”. Ngayon na pala yung first date nila ng boyfriend niya. Kaya pala naka porma siya ng ganyan

“ano ka ba okay lang yan. Tingnan mo naman ang ganda ganda mo”. Yung kulot ng buhok niya yung katulad ng kay Miley Cyrus. Idol niya kasi yun. Samantalang ako laging napagkakamalang emo. Bakit emo? Hindi ko rin alam. Wala naman akong eyeliner o laslas sa pulso.

“Hay nako. Sana nga. Punta ka sa bahay mamayang gabi ha. Doon ka na mag sleep over. Sabihin mo nalang sa tita mo na sa amin ka na matutulog”.

Tumango nalang ako. Hindi ko siya mahindian. Ang dami na niya kasing nagawa para sa akin.

Nag taxi na siya papunta sa date nila ng jowa niya dahil maka daw masira yung Miley Cyrus hair niya. Umuwi ako sa bahay at nag ready na ng food hanggang gabi. Dahil nga sa sleep over ko kila Iris mamaya.

Routine ko pag gising ko magluto – maglinis – mag alaga ng anak ng pinsan ko  - kain at matulog. Hindi na ako nag aaral dahil walang perang pang aral. Nakikitira nga lang ako sa bahay ng pinsan ko kapalit yung pagiging katulong sa kanila na wala namang sweldo.

“Rosanna!”. Sigaw ng Tita ko  sa akin

“Bakit tita?”.

“linisin mo yung lahat ng electric fan baka atakihin nanaman ng asthma yung pinsan mo”. Pagbibilin niya pa sa akin.

“Okay po tita”.

Ginagwa ko na lahat ng pwedeng gawin para ready na mamaya. Mukhang masama mood ni Tita at hindi ako papayagan. Bigla namang may nag door bell sa may baba.

Bawasan ang insecurity nakamamatay (On Shot STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon