Chapter Sixty

5.8K 79 0
                                    

CHAPTER 57 - EPILOGUE PO ANG INI-UPDATE KO NGAYON. 


  God. Finally. Tapos na.


Chapter 60 His wife.


Two weeks before their wedding.


Kasalukuyang kakatapos lang maghanda ni Shara ng pang tanghalian ni Blaziel at ngayon nga ay naghahanda na siya para ihatid ito. Ang mga bata naman ay kasalukuyang hihiram ng Mommy Lara niya at mamayang hapon na raw kukunin. Ngayon din kasi ang araw kung kailan ay susukatin na niya ang kaniyang wedding dress.

" Saan po tayo ma'am? " tanong ni mang Bert, ang driver nila, kay Shara.

" Sa company po ni Blaziel. " nakangiting sagot naman ni Shara rito.

" Ok po. "

Nagkwentuhan lang sila buong biyahe hanggang sa makarating na sila sa company ni Blaziel.

" Sige po, maaari na po kayong umuwi ngayon mang Bert. " sabi ni Shara rito pagkababa niya.

" Eh ma'am sino po ang magsusundo sa inyo. "

" Nah, may kotse naman yung unggoy na iyon eh. Saka may iba din pa naman kaming pupuntahan kaya sige na ho umuwi na ho kayo. "

" Naku salamat Ma'am. "

Pagkapasok naman ni Shara sa loob agad siyang nginitian at binati ng mga empleyado na binati at nginitian din naman niya.

" Hi! Rey. Nandiyan ba ang boss mo? " tanong ni Shara sa secretary ni Blaziel.

" Ah ma'am. Opo nandiyan po si Sir. "

" Ay kumain ka na ba? " tanong niya rito.

" Kakain pa lang po. Bakit po? "

" Buti naman at sakto lang ako. Heto oh. Dinalhan na din kita ng lunch. " sabay abot niya ng isang lunch box dito.

Nanlaki at agad namang namutla si Rey nang malaman ito. Agad siyang nagpalinga linga sa paligid. Mahirap na, dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng wala sa oras. Alam niyang napakabait ni Shara kaya minsan ay nagtataka siya kung paanong nainlove ito sa boss niyang mas malamig pa ata sa yelo. Pero nakikita naman niyang nag-iiba ang boss niya kapag ito ang kasama at kausap. Madalas din siyang bigyan ni Shara ng tanghalian o di kaya ay mga cookies pero nang minsang makita ito nang boss niya. Muntik na siyang mapaihi sa takot nang titigan siya nito ng masama at pinagbantaang tatanggalin siya sa trabaho oras na maulit iyon. Kaya lahat na ng palusot ay naisip na niya huwag lamang matanggap ang pagkaing dala dala ni Shara subalit ngayon, tila naubusan na siya.

Nagpalinga-linga muna siya sa paligid at nang masigurado niyang wala ang boss niya ay sa na nginginig na mga kamay ay inabot niya ang pagkaing dala ni Shara.

" Uy. Ok ka lang? Bakit na nginginig ka? " tanong ni Shara sa kaniya.

" A-ah. G-gutom lang. Opo. Gutom lang po siguro ako. "

" Hmm. Ganun ba? Ayos! Sakto lang pala ako. Saka, sabi ko naman na sa iyo, huwag mo na akong i-po. Bata pa ako noh. "

" Sige po- este. Sige Ma'a-- "

" Babe? What are you doing here? " tanong ng isang baritonong boses.

Naiwang nakanganga naman ang bibig ni Rey nang makita ang matatalim na tinging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang boss.

Possessive Love ( EDITTING )Where stories live. Discover now