Chapter 9- Lovers? in Cebu

385 8 3
                                    

Chapter 9

Lumipas ang dalawang buwan at mas lalong naging malapit sila sa isa’t-isa , hindi niya alam kung ano ang matatawag sa kung ano man ang meron sa kanilang dalawa ni Andrew . Basta ang alam niya lang is habang tumatagal ay mas lalo niyang minamahal ito , may madiskubre man siya na kahinaan ng binata ay wala lang sa kanya ang mahalaga is ipinagkatiwala nito sa kanya na kahit ang mga pinakapribadong mga bagay ay hindi nito itinatago sa kanya . Napatingin siya sa kanyang work table at napangiti dahil sa mga picture frames na gawa ng pamangkin ni Andrew na si Hera , may mga pictures nilang tatlo everytime na namamasyal sila. May mga larawan din na sila lang dalawa ni Andrew at ganun din sa opisina ng binata , may mga nakadisplay din na pictures nilang dalawa. Hindi nadin nito masyadong sinusungitan ang mga empleyado at sa wakas ay may nagtatagal na din na sekretarya para sa binata. Naputol lang ang pag-iisip niya ng sumungaw sa pintuan si Eleanor .

“ Maam si Mr. Zheng po nasa labas “

“ Huh ? Nasa labas siya ngayon ? Walang lokohan Eleanor ?”

“ Maam naman ehh , anong mapapala ko kung pagtripan kita ? Andun nga sa labas ehh “

Nang lumabas nga siya ng opisina ay nakita niya ito na nakasandig sa sasakyan nito . Agad niya naman itong nilapitan sa pag-aalalang may problema ito at biglang napasugod sa kanya.

“ Diba may flight ka ngayon ? Why are you still here ?” reklamo niya sa binata habang yakap niya ito

“ You don’t want to see me ? “ may himig na pagtatampo sa tinig nito

“ Ano ka ba , ofcourse I want to see you , but yun nga why are you still here ?”

“ Ahmmm gusto ko kasing magpahatid sa yo sa airport “ may lambing na sa boses nito “ Si Joselito kasi , sinundo siya ng girlfriend number 33 niya para ihatid sa airport , si Lourd naman sasama si Sierra sa kanya dahil sa resort ng pinsan niya kami magstastay, si Winter din kasama ang pinsan mo na si Artemis , ako lang yata ang pinabayaan ng mahal ko ehh “

Kinurot niya ito sa tagiliran bago nagsalita “ Ang corny mo mahal , hahaha , sige na nga ihahatid na kita , kukunin ko lang ang things ko inside “

“ Hindi ka ba sasama sakin sa Cebu ?”

“ Diba exclusive lang yun para sa inyong magpinsan ? “

“ Yun nga ang pagkakaalam ko , pero kasama naman sila Artemis and Sierra, so I assume na pwede din kitang dalhin “

“ Hindi pwede , malalate ka na , kasi maghahanda pa ako ng gamit ko “

“ I invaded your walk-in closet kanina and prepared your things and besides charter flight kaya yun , so okay lang , they can wait for atleast an hour maybe if may gusto ka pang ihanda”

“ You know right from the start that I can’t say no to you , so let’s go? “

“ Yes , thank you my dear gorgeous Georgette “ at iginiya na siya nito papasok sa loob ng kotse

“ Hey , pag narinig ka ni Hera magtatampo yun , never use her title daw sa iba diba .”

“ Hahaha , she can’t hear it , she’s not here “

“ Oo nga pala kamusta na kaya yun , baka pagbalik nun ni Hera maging tabachingching at spoiled brat na yung bata . Alam mo naman ang magkapatid na Yun , lalong-lalo na si Lexus , mahilig yung magluto at bawat luto niya kailangan mong kumain . Si Kuya Clive naman kung anong hingin mo sa kanya binibigay and lastly ang bunso nila Kuya Artemis na si Aricia , kikay yun , baka gawing Barbie doll nun si Hera.”

Natawa lamang ang binata sa pinagsasabi niya , mas nag-aalala pa kasi siya kay Hera kaysa sa ina nito na excited pa ngang umalis papuntang Cebu kasama ang nobyo nito na si Artemis , gusto pa nilang sundan ng isa pa si Hera.

Chasing the Mighty ZhengWhere stories live. Discover now