Countdown

803 46 38
                                    

All Rights Reserved 2016 MAYUKIMMY

Matagal ka nang naghahanap ng pag-ibig sa ibang tao, kasi marahil kulang yung love na natatanggap mo from your family, friends? Minsan nakakapag madali ka na kasi gusto mo na talaga siya makita, yung makakapagbigay sayo ng enough love na hinahanap mo. Si the One mo.

Ganitong-ganito si Jia, at sa sobrang pilit niya, binigyan siya ng watch ng hindi niya kilalang tao.

Relo na kakaiba. Bakit? Dahil nakikita niya doon kung ilang oras nalang ang nalalabi at makakatagpo niya na ang One True Love niya.

***

Sunday morning, bagot na bagot ako sa loob ng simbahan. Sa sobrang antok ko nga muntik pa akong makaidlip. Bukod sa basag yung speaker, ang harot pa ng couple sa tabi namin nila mommy, hindi na maintindihan kung pati ba yung pari gusto pa ba yung pinaggagawa niya sa harapan namin sa sobrang lamya ng boses.

So ayun, nag-umpisa yung araw ko na iritadong-iritado ako sa paligid ko.

one message notification from Kiro

Pakiramdam ko ay nagliwanag ang paligid at umakyat lahat ng excitement hormone ko sa highest level!

Kiro
Hi, Jia. Can we meet later? May gusto sana ako sabihin. Pasensya na sa abala...

He was my boyfriend, yes ex na ngayon. Nagbreak kami dahil ang immature ko raw... oo sige aaminin ko na. Palagi kami nag aaway, kasi palagi ako tinotoyo!

"Jia, sana magmature muna tayo pareho. Baka nga hindi pa tayo ready sa isang relasyon sa ganitong edad natin,"

Yun ang huling sinabi niya sakin. At hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magkakabalikan kami. Siya ang first love ko!

Nag ayos ako ng sarili, pinaghandaan ang pag kikita namin muli ni Kiro. I was really, really expecting na sasabihin niyang he wants me back!

Pero closure na maayos ang nangyari. Dahil napansin niya raw na hindi ko pa rin siya tinitigilan sa pangungulit na baka may second chance pa ang relationship namin.

Relationship na three months lang.

Well, masakit pa rin!

"Ano ka ba naman kasi, naka-ilang boyfriend ka na ba?"

"Oo nga naman! Mapagod ka naman! Sa ating tatlong magkakaibigan—no, sa buong classroom natin nalang, ikaw yata ang may pinaka maraming ex!"

Inirapan ko silang dalawa. Kasalanan ko ba 'yon! Gusto ko lang mahanap si forever!

Excited akong makilala ang soulmate ko, excited akong magbuild ng relationship sakaniya ngayon palang!

Iniisip ko kasi na baka malay mo kaya matagal kasi hindi mo sinusundo, kaya kumilos ka at hanapin mo!

My motto in my love life.

"Eh naiinggit ako sa kuya Jek ko at dun sa girlfriend niya eh. Ilang years na sila at going strong pa, gusto ko non. Gusto ko yung tipong may ka-sweetheart ako sa tabi!!! GUSTO KO NON!!!"

"Itulog mo na 'yan."

"Di, friend, baka gutom na siya. Ikain niya nalang."

Inis na iniwan ko nalang silang dalawa at nagpahangin sa Park

Naalala ko dati, grade 6 pa lang naka-apat na boyfriend na ako tapos ayun lagi lang kaming naglilibrehan sa kung saan-saan tapos kinikilig-kilig pa ako. Nagbi-break kapag sawa na. Tapos hanap ulit.

Di nga alam 'to nila mommy eh, syempre papatayin ako non pag nalaman. Ayaw nilang doon ako nagfofocus, dapat studies muna. But I can do both! At syempre hindi ko sasabihin kasi baka palayasin pa ako sa bahay namin.

Countdown to Meet My True Love (ONESHOT STORY)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ