Chapter 1: Stalking

40 1 0
                                    

"Tanya! Bilis! Ang bagal bagal mo naman eh" 

"Demanding ka teh, kitang ang hirap hirap ng suot ko eh"- Ako

Ang arte naman kase nitong si Amber eh, kelangan talaga iistalk pa namin yung crush nyang panget.

Oo siya lang nagwagwapuhan dun, ewan ko ba kung anung nakita ni friend dyan at patay na patay siya. Well, para sakin hindi ko type yung masyadong maputi, maputi kase crush nito eh. Parang bampira.

"Ayan na siya. Umayos ka nga"- pabulong na sabe sakin ni Amber.

Guess what kung anu yung suot ko? 

Naka mascot lang naman ako ng isang malaking teddy bear. Pinagsuot kase ako ng babaitang ito, tapos dapat daw maibigay ko sa kanya yung invitation na para daw sa Freshmen's night na gaganapin this Friday. 

Di ko ba alam kung bakit hindi na lang siya yung nagsuot ng mascot na to. Kesyo, mainit raw, di raw nya makikita ng malinaw yung crush niya, kesyo masisira daw beauty nya. Tsss, arte eh. 

Pee Bee Bee teens din to eh, kaka- second week lang ng college life, lumalandi na agad agad.

"Tanya, basta isipin mo yung ililibre ko sayo this whole week. Hehe. Love you talaga!"- Amber

Nako, iencourage pa daw ako, buti sana makakapagpatuyo yan sa pawis ko noh. Tsk. Ang init kaya!

"Dapat lang noh! Ang hirap kaya sa loob. Bwisit ka talaga babae, lagot ka talaga sakin" - natatawa kong sabe sakanya.

"Love you too bespren"- sabay yakap niya sa akin

"Wala pa ba sya? Ang tagal ha."- ako

"Wala pa friend, wait ka lang. Nakita ko na siya kanina eh, nawala lang ulit"- Amber, tumitingin tingin siya sa paligid namin.

Welcome week kase ng school namin this week, and like intrams, maraming booths, sport games, at kung anu anu pang nalalaman ng school namin.

By the way, I'm Autumn Dela Fuente, they call me Tanya, hindi ko rin alam kung bakit, pero mas gusto ko yung Tanya kase hindi masyadong girly. Yung Autumn kase girly eh. Pambakla ba.

Freshman pa lang ako dito sa Richmund Academy, kasama ko syempre ang annoying kong bestfriend na si Amber bungangera, de joke, mahal ko yan kahit ganyan yan. Pwe! Hahaha

Isa 'raw' sa pinakamahal at pinaka sikat na university ang Richmund, di naman kame mayaman, kaya lang ako nakapasok sa school na to kase Na-almost perfect ko yung entrance exam and scholarship exam ko dito.

Kaya ginrab ko na yung opportunity na dito na lang. Sayang naman.

Si Amber? Mayaman na yan, may dalawang mansion nga yan eh, minsan nga gusto na nya akong pag-aralin, pero I insist, tama na yung palagi siyang andyan bilang kaibigan, tsaka hindi ako humahabol sa pera noh. 

Just like I said, welcome week namin ngayon, second week na kase ng klase at nasa tradition na raw ng school na to na magwelcome sa mga freshmen na gaya namin, kaya eto, paparty party lang ang ginagawa namin.

Anyway, eto nga ako ngayon na nakamascot na malaking teddy bear na nadampot ni Amber sa dressing room ng Sports. 

Iistalk nya kase yung crush nyang bampira, kaya bampira kase masyadong maputi, at ako naman, tinutulangan tong babaitang to.

Masyadong maraming tao kaya mainit at siksikan. Nakatayo lang ako sa tapat ng isang booth at nakasandal. Inaantay ko lang kase yung cue ni Amber kung iaabot ko na ba yung invitation na ginawa nya.

Baliw tong babaeng to eh, magpapakilala lang daw siya sa crush nya sa Friday. Ewan ko ba dito, madyadong kinacareer yung pagkagusto, baka mafall na to sa susunod. Mahirap na.

Inside my Mind (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon