Virgin no. 38

63.2K 861 84
                                    

Kaunting UPDATE lang po. Nigaganahan ako magUPDATE :) Kasi umuulan saka.. Parang REWARD ko sa sarili ko kapag nakakatapos ako ng isang CHAPTER sa Libro ko, sa NURSING ah :)

Dedicated to YvettePaula, Parehas pa kayo ng pinsan ko ng Name, and yes, malapit na matapos ang TVW :)

*****

Virgin no. 38

"Parang di ko ata kaya.."

Tinaasan ako ng kilay ni Colyn. Nasa malapit ng Coffee shop kami ng school ngayon. Pinatawag kasi ako ng Principal at Board Members nito para malaman kung ano ang napagusapan sa conference tungkol sa mga nalaman nila tungkol sa akin. Malaking bagay ito sa kanila dahil nakasalalay dito ang pangalan ng School pati na rin yung nagkalat na balita na Sex Education RAW ang tinuturo nila kaya nagkaroon ako ng mga Idea tungkol sa mga sinusukat ko.

Mga siraulo talaga yung press na iyan! Nagbabasa ba sila ng Magazine ko? May sinabi ba akong tinuturuan kasi kami ng mga teacher namin kaya nalaman ko yung mga tungkol sa ganyan.

Siguro gusto lang talaga ako palabasin sa lungga ko. 1week na kasi akong di nagpapakita sa kanila. Nung nagusap kami ni Mint, kinabukasan bumalik agad ako ng bahay pero hindi ako tumuloy sa kwarto ko, dahil alam kong pupunta si Mint hindi pa ako handa na makita siya. Kaya pansamantalang nasa kuwarto ako nila Nanay.

"Ngayon ka pa ba susuko kung kailan nandito ka na?" Mataray na sagot ni Colyn. "Ako nga di sumusuko sa Kuya mo!"

"Iba kasi yun Colyn." Inayos ko yung Hood ng sweater ko at salamin.

"Eh di sana hindi ka na lang naging Writer para hindi ka napunta sa ganitong sitwasyon. Hirap sayo eh."

Ngumuso ako. Kundi lang ito buntis, dadakdakan ko ito. Kaso baka maapektuhan yung Emotional Status niya. Hirap na. Emosyonal ang mga buntis.

"Nakakainis ka, Alam mo iyon?" Napatingin ako dito. Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganito si Colyn. "Para kang takot na takot sa lahat samantalang dati ginigera mo lang lahat ng masalubong mo sa Hallway. Nasaan na ba yung ugali mong ganon? Tyaka sana inisip mo muna ang kalalabasan ng pagtatago mo bilang SooHee bago ka gumawa ng decision. Tapos ngayon, magtatago ka. Parang sinabi mo ng nanalo si Kelly. Anyway, pupunta din siya ngayon. So kung ako sayo wag kang magtago sa Hood at Salamin mo. Be Proud! You're SooHee, the most sought after BS Writer and You're Polly Garcia, Student Council President, kinatatakutan, mapababae man, o mapalalaki! Diba?" Uminom ito ng Orange Juice saka kunwaring nag punas ng pawis. "Hirap sa mga bata ngayon. Hirap pakiusapan!"

Parang biglang akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga pinagsasabi nito. Akalain mo itong si Colyn, may serious Side na rin? Akala ko, loloko loko lang itong babaeng ito.

Oo nga, dapat maging Proud pa ako at magpasalamat kasi may ganito akong Talent.. Magsulat at Manakot.

Lihim akong napangiti saka tinanggal yung Hood ko at salamin. Ngumiti sa akin si Colyn. Yun lang pala yung kailangan kong mga salita.

Be Proud.

Lumapit ako dito tyaka ko siya niyakap, yung mahigpit.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon