MBH: Meet Ms. Bitter

361 12 3
                                    

Oy ate! Tsk. Ang aga aga parang may sunog sa baba, sa lakas ba naman ng boses ng kapatid ko eh, parang naka- megaphone.

Oy ate gumising ka na daw at malelate na tayo, first day of school pa naman tapos malelate ka.

Oo na eto na magbibihis na ko tumahimik ka lang jan, nakakahiya sa mga kapitbahay.

At bakit ka naman mahihiya?

Malamang sa alamang sa lakas ba naman ng Boses parang araw araw may gera dito sa loob ng bahay.

Nakakainis ka ate! I Hate You

I Love You too.

                            * Stanford Academy *

Good morning, Ms, Bitter

Good Morning, Bitter girl

Good morning, Ate bitter

Oo tama kayo ng mga nababasa niyo! Kilala ako dito bilang Isang dakilang bitter, BITTER ako dahil niloko, sinaktan, PINAGLARUAN, at GINAGO ako ng isang lalaking MINAHAL ko ng todo todo.

Bawat salita ng mga tao nakakasalubong ko, nakakahalubiro ko ay Hinuhugutan ko katulad ng ginawa ko sa teacher ko noon.

                               * FLASHBACK *

Tapos na kami ng mag lesson sa English subject namin at ang susunod naming subject ay Math.

Math! Ang pinaka ayokong subject sa buong buhay ko, bakit? Simple lang pampasakit lang yung mga numero sa ulo ko.

Pumasok na ang guro namin sa classroom namen, makalipas ang kalahating oras ay hindi pa kami nagsisimula.

Abala kasi ang guro ko sa pagtanggal ng pentalpen mark sa kanyang whiteboard,  dahil nasasayang ang oras ko ay kinuha ko ang backpack ko at papalapit ako sa guro ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

Sir, kahit anong gawin mo hinding hindi na yan matatanggal dahil nagiwan na ng marka jan, parang sa pagibig kahit anong gawin mo maiiwan at maiiwan parin yung sakit at marka jan sa puso.

                              * END OF FLASHBACK *

Ako nga pala si Nicole Asuncion, isang dakilang Bitter, isang tao na nagmahal ng sobra sobra pero niloko lang siya.
Highschool na ako ngayon at magse second year highschool na ako sa susunod na pasukan. Oo tama kayo ng nababasa niyo! Highschool pa lamang lumalandi na ako, elementary ako nung nagkaroon ako ng boyfriend, 5 months lang itinagal namin dahil nalaman kong ipinagpalit niya ako.

Ang pangalan ng EX ko ay si John Kenneth Adona. Siya lang naman ang dahilan kung bat ako nagluluksa ngayon 1 year na ang nakaraan simula ng niloko niya ako, pero ito ako ngayon hindi pa rin nakaka Move-On.

Sino ba naman ang makaka Move-On kung lagi niya pinapaalala sayo ang nakaraan niyo, lahat ng sweet messages niya sayo. Makaka Move-On ka ba sa lagay na yon? Paano ka makaka Move-On kung lagi ka niya sinusundan, kapag lagi siya nagpapakita sayo, nagpaparamdam? Paano ka makaka Move-On kung palagi ka niya ibinabalik sa nakaraan niyo.

Isa na siya sa mga nakaraan ko!

EX. Nakaraan. Noon. Nakalipas.
    
                           

~~~~~~~~~~~~~~~~
Fb: Nics Asuncion
Insta: Hopeless_DarkPrincess
Twitter: Hopeless_Nics

Ms. Bitter HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon