Tahan (OneShot)

2.9K 99 39
                                    

Habang walang patid ang ulan at walang kahit anong pwedeng pagkaabalahan..

Nagbukas ako ng radyo at narinig ko ang Tears in heaven ni Eric Clapton at tadah! Naka gawa ako ng story. Sorry kung hindi ganun ka.havey ha.

Btw, its a family story. Hindi ito love story pero promise, worth reading naman to.

Dedic sa idol ko :)) 

@JhingBaustita- First time ko magbasa ng puro third pov tapos nag-enjoy ako. 

----------------------------------

His POV

Isang buong araw na naman ng nakakapagod na trabaho. Nakakapeste na! Walang asenso.

Ang amo ko lang naman talaga ang pinapayaman ko eh. Ako? Eto, nagtya.tyaga sa isang apartment. Habang sya, nagpapakasasa sa pinagpaguran ng mga trabahador nya.

Bumaba ako ng tricycle at naglakad na papasok ng bahay.

"Papa! Nag drawing ako oh. Tignan mo, family natin yan" salubong ng anak kong lalaki.

Pitong taong gulang pero napaka isip bata.

"Tigilan mo ko, pagod ako."

Sumunod pa din ito at pilit na inilalapit ang papel sa mukha ko.

"Ano ba to ha?" kinuha ko iyon mula sa kamay nya. Ngumiti naman sya. "Hindi naman ako magkakapera dito eh! Dapat dito, ganito"

Pinilas pilas ko ang papel na pinakita nya.

Tumngin ito sa mga mata ko at pinulot ang mga papel na pinunit ko.

Alam kong habang nagpupulot ito ay tumutulo ang luha nito.

"S-sorry papa. Gagandahan ko na lang po sa susunod, sorry po."

Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretsyo ako sa kusina.

"Magandang gabi, gusto mo na bang kumain? Ipaghahain na kita." nakangiti sya habang nakatingin sa akin.

Umupo ako sa hapag at nahihintay na pagsilbihan nya ako.

Kung sinuwerte ako eh mas makakahanap pa ako ng mas maayos na asawa eh.

Nilagay nya ang pritong isda at noodles sa harapan ko.

"Pagkain ba to?!" pasigaw kong sabi.

Ngumiti ito sa akin

"Pasensya na ha, yan lang ang kumasya sa ibinigay mo. Hayaan mo, sa susunod pagkakasyahin ko maigi."

Tinabig ko ang pagkain na nasa harapan ko.

"Wala na akong gana. Lamunin nyo yan kung gusto nyo!"

Mga walang kwenta!

Mga walang silbi. Ako na nga ang nagttrabaho tapos hindi pa nya ako mapagsilbihan ng maayos.

Naligo muna ako bago magpunta sa kama. Pero hindi agad ako nakatulog kaya lumabas ako sa kwarto para kumuha ng tubig sa kusina.

"Mama, sapalagay mo magugustuhan na ito ni Papa? Inayos ko na kasi yung kulay. Baka kasi ayaw nya ng blue na damit eh."

Kinuha naman ito ng tanga kong asawa at pinaasa na naman ang anak nyang tanga din.

"Ay anak ang ganda nga. Magugustuhan nya na yan panigurado. Pagod lang siguro yun kanina" hinaplos pa nito ang buhok ng anak nya.

"Kung pera pa yan baka matuwa pa ako sa inyo. Tumigil na kayo jan," sigaw ko sakanila.

Binuhat naman nito ang bata at ipinasok sa kwarto nito.

Kumuha ako ng tubig at bumalik sa kwarto. Humiga na ako at maya maya ay naramdaman ko na humiga na din sa tabi ko ang asawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tahan (OneShot)Where stories live. Discover now