Letter #24

212 5 0
                                    

Sept. 9, 2013

Boo,

         Ito na yata ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Akala ko sa mga pelikula at sa mga kwento lang nangyayari 'yung nangyari kanina... Sobra akong na surprise sa ginawa ni Renz, binigyan nya ako ng bulaklak sa room tapos kinantahan nya ako ng "Beautiful in my eyes." Nakakapang-hina 'yung titig nya, 'yung pag ngiti nya sa'kin kanina... At mas lalo akong nanghihina dahil ikaw ang nag gigitara.

Napapatitig din ako sayo, pansin mo ba 'yon? May gusto kasi akong marealize kanina. Oo masaya ako sa mga nangyayari... Pero may gusto pa rin akong mapatunayan.

PS: Yes, I'm inlove with Renz...

P.PS: Siguro nga hanggang crush na lang kita.

B.

30 Days LettersWhere stories live. Discover now