Start of Something New..

33 1 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok na nga si Jia.

"Jia! halika dito! tingnan mo oh!"

"Ano ba yan, Ellie?"

"Tingnan mo kilig na kilig mga babae sa baba! Grabe sila ha. Ang naparinig ko ay may bago daw student from States pa. At gwapo daw! Gosh! Sana totoo yun. Teka, asan na ba si Maki?"

"Ellieeee! wahhh! ang pogi nya!"

"Hay nako Ellie, yan na nga ba sinasabi ko ee. Confirmed! kasama nga si Maki sa mga babae sa baba."

"Ohmayyy! Ang mata niya, ang nose, ang lips at lahat na! Wahh! Mukha siyang prince. Sobrang gwapo! At balita ko talented pa daw yun."

"Calm down Maki! mamaya gwapo nga mayabang naman tapos ang sama ng ugali. Ganun naman sila di ba?"

"Grabe ka naman Jia. Di naman siguro lahat ganun. Maki sana kaklase natin no? haha"

"Oo nga Ellie. Masaya ang buhay ko neto kung ganun. Ikaw kasi may ideal man na. Yung Mr. Perfect para sayo, yan oh!"

"Ha? tumigil ka nga!"

"Hi Jia :) Hi Maki at Ellie."

"Ohmayygossh! Ikaw pala Ken. Ginitla mo ko dun ah."

"Haha. Bakit ba kayo nanjan?"

"Ito kasing si Maki at Ellie. Yung bago daw student. Gwapo daw."

"Ganun ba. May makakaagaw na pala sa aking throne. Joke lang XD"

"Alam ko naman yan Ken! kaya nga itong si Jia ay.."

"Hoy Ellie, ano yannn.. Tara na guys baka malate pa tayo."

"Sige Jia. tara na!"

-------------------------------------

Hiro's POV

Hay! Ito na naman. Susundin ko na naman si Dad. Pupunta ako ngayon sa university na papasukan ko. Sana naman ma-enjoy ko don. 

Aisstt. Bakit lahat ng tao nakatingin sa'ken ? may dumi ba ako sa mukha ? O naninibago lang sila dahil may gwapong katulad ko dito. Haha. Parang instant celebrity ahh. Saan kaya room ko ? Ayun nakita ko na. Baka naman pagkaguluhan pa nila ako dito. Makapasok na nga.

------------------------------------------------

Pumasok na ng room si Hiro.

"Ohmaayyygossshh ! Nakikita niyo ba nakikita ko!? Siya yun siya yun! yung prinsipe!"

"Ohhmayy~ Maki tama ka nga! Ang gwapo niya. Nakakatunaw. Wag mong sabihing classmate natin siya? Wahhh! Makulay na ang buhay ko!"

"Siya ba yun ? Hmmm. gwapo naman. So what naman kung kaklase natin? mamaya manggugulo lang yan ee."

"Grabe ka Jia ! anti-fan ka ba niya?"

"Hindi no! I don't hate someone. I just don't like them."

"Susss. Basta kami ay kanyang no.1 fans. Wahhh!"

"Oh, Mr. Song. Andito ka na pala. Class ito nga pala ang bago niyong classmate si Hiro Song. Ilang months lang siya dito."

"Good morning sa inyo."

"Good morningggg dinnnnn! Wahhh." "Gwapo niya!" "ang  boses niya!" "oo nga! Ideal man ko na siya!" "Please be mine Hiro."

"Class, Girls quiet. Tingnan mo nga naman Mr. Song oh! Kilig na kilig sila sayo. May vacant pang chair sa likod dun. Ayos lang ba yun sayo?"

"Okay lang po kahit saan."

"Okay, dun ka sa likod ni Jia."

"Ohmayy! Jia sa likod mo siya uupo! Ang swerte mo naman."

"Anong swerte dun Maki!? Makinig na nga tayo."

"Finee. Ikaw talaga."

"Excuse me miss, sayo ba to? Nahulog ee."

"Oo, akin yan. Salamat."

...........................

"Okay class dismiss. See you tomorrow."

"Hiro! kamusta na!?"

"Oyy Ken! dito din pala room mo. Di mo ko tinatawag."

"Kilig na kilig kasi sayo mga girls ee. Nagseselos na nga ako."

"Haha. Ganyan talaga. Loko ka. Ilang months lang naman ako dito ee. Ikaw na ulit pag umalis na ako."

"Sayang naman. Namiss pa naman kita Hiro!"

"Sige una na ako ha! Uwi na ako. Madami pa akong aasikasuhin sa ngayon."

"Sige Hiro! Ingat ka. Baka madumog ka jan. Saka na lang ako pupunta sa inyo."

"Tsss. Parang wala tayong communications ah. Lagi nga ee. Haha. Sige tawagan mo ako ha. Bye."

Umalis na si Hiro at umuwi...

"Teka lang Ken, don't tell me magkakilala kayo as in yung magkakilalang magkakilala!??"

"Haha. Kababata ko siya Ellie! Dito rin naman siya sa Seoul nung bata pa siya."

"Talaga? sayang naman di namin nakilala dati."

"Kayo talaga Maki. Haha. Teka, Jia, free ka ba ngayon? "

"Haa? Akoo? hmm. wala naman akong gagawin."

"Ee di free ka nga! Tara! Labas tayo! Guyss, pahiram muna kay Jia ah."

"Suree Ken ! Ingat kayo ha! Byee Jia enjoy!"

"Waittt langgg!"

---------------------------------------------------------------

Jia's POV

Grabe bigla na lang ako hinila ni Ken sa braso. Hayy. nabigla ako pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba to!? Ohmayy. San naman kaya kami pupunta ngayon. Sumakay kami sa kotse ni Ken. At yun. Sa Amusemet Park kami pumunta. Grabe nag-enjoy ako. Naglaro kami. Kumain ng Cotton Candy. Isa to sa pinakamasayang araw ko. Aaminin ko na more than sa kaibigan ang tingin ko kay Ken. Hayy nako! Grabe lang. Kinikilig ako.

"Jia, nag-enjoy ka ba?"

"Oo naman. sobra :) "

"Masaya ako kung ganun. Ihahatid na kita ha."

"Nakoo. Wag na."

"Ano ka ba responsibility ko yun no. Ako nagyaya sayo ee."

"Sige na nga."

Sumakay na kami sa kotse niya pauwi.

"Jia, may nagugustuhan ka na ba?"

"Ha? anong nagugustuhan?"

"Yung sa mga guys na nanliligaw sayo."

"Ah. Waalaa no"      ( Malay mo baka ikaw pala yun. )

"Ah. Mabuti naman."

"Ha?"

"Wala ! yan andito na tayo. Ingat ka. Salamat sa time mo ha. Next time ulit. Sobra akong masaya dahil kasama kita."

"Ahh. Wala yun. Salamat din. Ingat ka. Bye."

Grabe. kinilig ako dun sa sinabi niya. At yung tinanong niya. Wahhh! Grabe tong araw na to. Nakasama ko si Ken. Sobrang saya. Wait lang, kababata ni Ken yung bagong student? Kaya pala pareho silang gwapo. At siyempre mas gwapo sa puso ko si Ken. Kahit ano pa sabihn nila. Wahh. Pero sana di masama ugali nun. Dapat tumulad siya kay Ken, my ideal man! Makatulog na nga. Nasobrahan na ako. Hayyyy. Sweet dreams sa'ken :)))) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon