Hi Crush (One shot)

17K 379 77
                                    

Copyright © 2013 Hi Crush by littlemissselle | One shot story |

All Rights Reserved.

Credits to the owner of the picture used as the cover photo.

***

Pag dadaan ka sa tapat ng room, susundan na kita ng tingin at wala na sa teacher ang attention ko.

Pag break time, pupunta ako ng canteen magbabakasakaling makita kita don at mabuo na ang araw ko.

Pag wala ka naman o pag hindi kita nakita the whole day sa school agad agad papasok sa isip ko na, "Hala absent kaya siya? Baka naman may sakit!" Matataranta akong parang tanga.

Pag umaga naman syempre dadaan ako ng simbahan para magdasal, para humingi ng guidance, mag-sorry sa nagawa kong kasalanan at higit sa lahat, magpasalamat. Salamat na din kasi nakita kitang nagdadasal din kaya ayan kumpleto na araw ko.

It all started when I saw you sa organization meeting. Pag Friday may ganun kasi eh yung pupunta ka sa mga org o club na sinalihan mo. Required yon na pumili ng isang org kaya napilitan na lang ako sumali sa Vocation Ministry kasi ang moderator non ay ang adviser ko na madre dun na lang din sumali yung kaibigan ko kapit tuko kami non eh.

Nakaupo lang ako. Wag mo na tanungin kung nakikinig ba ko ng mga oras na yon. Pa-bilog ang ayos ng mga upuan kaya naisip ko din i-iikot ang mga mata ko wala lang gusto ko lang mag-observe.

Hanggang sa nakita ko na ang target at ikaw yon. Chos! I saw you laughing with your friends. Siraulo ka baka mapagalitan ka dyan tawa ka pa ng tawa. Syempre instant siko na agad kay friend,

"Uy Ness.. ang cute non oh." bulong ko.

"Asan? Asan?" palingon lingon siya.

"Ayun oh, yung malapit sa may pinto yung maputi na payat." pasimple kong pagturo sayo.

"Ah oo nga may itsura pero ang payat eh."

"Okay na yan. Papatabain ko na lang, lagi ko bibigyan ng pagkain."

Siguro yun nga, dahil sa pagtawa mo naging interesado ako sayo. Maputi ka, matangos, makinis, matangkad, malinis ka tignan di tulad ng ibang lalaki, pero siguro yung isang bagay lang na medyo di ko trip sayo eh yang kapayatan mo. Hehehe. Kain kain din pag may time ha.

Dati pag Friday na-e-excite lang ako kasi walang pasok kinabukasan pero mula nung nakita kita na-e-excite na ko mag organization meeting. Tae lang, ang landi ko knowing na Vocation Ministry pa ang club na sinalihan ko which happens to be religious. Ahehehehe. Lord, patawad.

Nung sumunod na meeting nakita kong kinakausap mo yung isa kong classmate. Kaya ayan nagka-bright idea naman ako.

Nang mag-Monday tinanong ko agad yung classmate ko na kausap mo nung Friday.

Hi Crush (One shot)Where stories live. Discover now