Kabanata 14

232K 5.1K 588
                                    

Kabanata 14

Pumayag na akong sumama kay Derek sa lugar ng mga magulang niya. Sabi niya kasi, may annual party daw talaga na ginaganap sa ancestral house nila at kailangan daw niya ng isasama. Ako lang naman daw ang kaibigan niyang babae kaya kung okay lang daw ba na sumama ako. Dahil wala din naman akong gagawin, pumayag na ako. Kakatapos nga lang din kasi ng midterms exam at karamihan sa mga klase ko, nagbigay ng break. Halos wala akong pasok ngayong linggo.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Binilhan ako ni Derek ng damit. Nakalimutan niya sigurong tanggalin ang presyo o talagang sinadya niya lang na ipakita sa akin na mahal ang damit na ito? Bahala na. 

"Looking good," narinig kong komento niya ng nakatayo siya sa gilid ng pinto ko. Nakasuot siya ng tuxedo at maayos na maayos ang kanyang buhok. Ako naman ay nakasuot ng kulay creme na dress na lagpas sa paanan ko ngunit may slit sa gilid na umaabot hanggang sa gitna ng hita ko. Mabuti naman at walang kita sa hinaharap ko pero yung likod ko, kitang kita. Itinago ko na lang sa pamamagitan ng paglulugay ng buhok ko.

Inayos ko ang buhok kong mabuti para hindi mapansin na walang katakip takip ang buong likuran ko. "Hindi kaya magkaroon ako ng pulmunya dito sa pinapasoot mo?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko. 

Pumasok siya sa silid ko at tinignan ang kabuuan ng itsura ko. "Sabihin mo na lang sa akin kapag nilalamig ka. Available naman ang coat ko," sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likuran ko.

Nagtataksil ba ako kay Clyde? Wala naman kaming ginagawang masama ni Derek. Yung halik? Isang beses lang 'yun. Isang beses lang. Pero... pero yung mga yakap sa akin ni Derek, padalas ng padalas. Minsan, naiisip ko na sana totoong nagtataksil nga sa akin si Clyde dahil hindi ko alam kung kakayanin ba ng konsensya ko na malaman na ako ang unang nagtaksil.

Ilang minuto din akong nagsuklay at pagkatapos ay bumaba na kami ni Derek. Nagpadala din ng sasakyan ang kanyang Papa para daw masiguro na aattend ng party si Derek. Ngayon ko lang napag alaman na anak pala siya ng Gobernador. Kaya naman pala palagi niya akong inililibre, madami pala siyang pera. Ngayon ko lang nahalata kasi hindi naman maarte sa pagkain si Derek. Kahit nga pakainin ko ng kwek kwek yan, wala lang siyang pakielam.

"Good evening, Sir."

Tinanguan niya lang yung lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan. "Pasok ka na, Annika," sabi niya sa akin sabay alalay sa aking braso.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at nagulat ako dahil kumpleto sa champagne at wine glass ang loob ng sasakyan. Nakita ko din sina Key at Dale sa loob.

"Dale! Key!" sabi ko sabay usod sa kanila at yakap, lalo na kay Dale.

Niyakap ako ng mahigpit ni Dale. "Hi, Annie Bear! Long time no see!" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Saglit ko ding niyakap si Key na tahimik na may tinetext. Siguro may girlfriend na 'to? Mayroon kasi akong nakikita na babae na palaging naghihintay sa kanya sa labas ng practice room. Ayoko namang magtanong dahil nakakahiya.

"Absent ka naman kasi ng ilang araw," sabi ko kay Dale. Si Key at Derek at nagtabi sa isang gilid habang kami naman ni Dale ay nagkkwentuhan. Nakakamiss yung ganito. Bakit naman kasi wala pa din sina Gelene at Clyde. Nagustuhan na ba talaga nila yung pagtataksil nila sa akin? Ganoon ba yun kasayang gawin?

Nagkibit balikat si Dale at nginitian na lang ako. Ang gagwapo nga nila. Walang duda na nababaliw sa kanila ang mga babae sa eskwelahan. Tuwing tinitignan ko sila, mas lalo silang guma-gwapo sa aking paningin. Dati naman kasi, hindi ko masyadong pinapansin ang mukha nila. Basta ang alam ko, kaibigan sila ni Clyde. Iyon lang. Pero ngayon, mas nakikita ko na kung ano ang nakikita ng iba sa kanila.

Hindi Ko Inakala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon