Pikot (OneShot)

73.3K 1.4K 367
                                    

"Ano na naman bang problema mo Jace? Lagi ka na lang sunod ng sunod. Hindi ka na nakakatuwa ah!"

"Masama bang sundan kita Myrine? If my memory serves me right, 10 years ago, ganito din ang ginagawa mo sa akin."

"And if my memory serves me right too, ikaw na ang nagsabi sa akin na tigilan ko na kakasunod sa'yo kasi wala naman ako mapapala sa'yo di ba? Sinunod ko naman ang kagustuhan mo ah? Pero bakit ikaw, para kang aso na lagi ng buntot ng buntot!"

"Bakit ba? Eh sa gusto ko eh. Wala ka ng magagawa dun!"

"Ahhhhh! Kakairita ka na Jasper Jace Altamonte!"

"Mairita ka hanggang gusto mo pero ako hindi titigil sa kakasunod sa'yo."

"Bwisit ka!"

Pagkasabi nun ay tumakbo na lang ang dalaga para hindi na makahabol ang binata. Bumalik na lang sya sa bahay nila dahil kung tutuloy lang sya sa pupuntahan nya wala din mangyayari. Guguluhin din yun ng binata.

Bakit nga ba siya galit na galit kay Jace? Simple lang, minsan sa buhay nya ay nagustuhan nya ito. Mali, minahal nya pala. Yun nga lang binasted sya nito. Paano? Eh di flashback natin.

*FLASHBACK*

"Jace, mahal na mahal talaga kita. Please naman pansinin mo naman ako."

"Hindi nga pwede Myrine. Alin ba sa mga salitang yun ang hindi mo maintindihan?"

"Eh bakit ba hindi pwede? Dahil ba bata pa ako?"

"Oo dahil dun. At bukod dun, kapatid ka pa ng tropa ko. Ayoko masira friendship namin dahil sa'yo kaya pwede ba tigilan mo na ako?"

"What a lame excuse! Duwag ka, yun ang sabihin mo!"

Pikot (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon