Prologue

29.4K 700 87
                                    

Just something to look forward to. Still in the process but wait for it. :)

*****

Naisip niyo ba minsan kung bakit iisa lang ang puso ng tao pero kung magmahal ito napakarami? May taong nauna niyong minahal. O kaya biglang nagmahal din kayo ng iba. Pwede ring sabay niyo silang minahal, sa kinasamangpalad.

Posible ba yun?

Na dalawa silang mahal mo?

Na pantay ang pag-mamahal mo sa kanilang dalawa?

Ang sabi nga nila, “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo yung una”. Pero paano kung takot kang iwanan yung una para sa pangalawa? Paano kung hindi ka pa talaga handang makasama yung pangalawa dahil sa una?

Paano kung pinili mo parin yung una kasi gamay mo na siya. Dahil ang tagal na ng pinag samahan niyo. Dahil subok na kayo kahit na… mas lamang na si pangalawa?

Kung itatago niyo naman ang relasyon niyo sa iba…

Sapat na ba ang pagiging secret lovers niyo?

Magiging masaya ka ba?

At kung parehong nahulog, paano na?

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon