Bespren! Yung totoo? (One Shot.)

1.1K 27 40
                                    

Bespren! Yung totoo? (One Shot.)

© Haponessa (07/02/13)

Plagiarism is a crime.

**

"Oy. Mata mo bespren! Manyak ka talaga." Anong manyak? Sinong manyak? Inirapan ko lang siya. Isa pa talagang salita nitong kasama ko, babatukan ko na. Akmang itatakip niya pa ang mga kamay niya sa mata ko, tinabig ko lang. Para kasing tanga. Ano tingin niya sakin, Manyak? May dumaan lang na babae, maganda at maputi.. Well, oo sexy. Tapos.. Oh ano nanaman? Yung legs? Hindi ako insecure, maganda talaga siya.

"Andaming chix ano bespren?" Heto nanaman tayo. Akala ko ba, kapag nagsmirk pangpa-sexy daw? Well, you got it wrong. Nakaka-asar. Kanina pa kami naka-upo netong lalaking to sa bench malapit sa park, para magsketch ng lugar na ipapasa namin sa arts kaso hindi sketch ang ginagawa. Alam niyo kung ano? Nagrarate ng mga babae. Boys code daw. Kesyo, kung may hinaharap, 8 daw. Kapag naman, kinabukasan lang, 9 daw. Tas kapag pareho, Perfect ten daw?! Pabanat nga ng isang mura, yung malutong. Iplastik mo narin! Bwiset, bat ba kasi ako nagkaroon ng bestfriend na ganito?

"Yea, whatever." Sagot ko nalang. Dalawang linggo narin kaming di masyadong nagkikita at nag-uusap. Sabi niya, busy daw e? E wala namang ginawa kundi dota at gala.

"Uy, shet. Bespren, 5 lang yon o! Wala na ngang hinaharap at kinabukasan, wala pang mukha! Wahaha." Seriously, nakakahiya na po. Sa lakas ba naman ng tawa ng kasama mo, hindi ka maririnig ng mga tao sa paligid niyo? Masyadong madaldal para sa isang lalaki.

"Makalait ka naman kala mo ang gwapo gwapo mo." Duh..

"Bakit hindi b- Aray! Bat moko sinapok a?"

"Ang gwapo mo kasi. Sa sobrang gwapo mo, ang sarap mong ihampas sa pader. Parang yelo." note the sarcasm. Gwapo naman talaga siya, Hindi lang may itsura, kundi gwapo. Mukha lang ang gwapo, ugali hindi. Kita niyo yung kanina? Mukha daw pokwang yung babae, di daw niya type. As if naman na type rin siya nung girl? Grabe diba? Kung gwapo't maganda ka, wag mo ng ipagyabang. Ako nga tahimik lang e.

"Yosh! Ang panget mo bespren! Per-"

"Excuse me, di ako salamin." What the fvck?

"Sabi ko na nga ba bespren, di ka tibs e-"

"Mukha mo." Aakbay ka pa e, tinabig ko yung mukha niya gamit ang kamay ko. Para naman madungisan kahit papaano. Ang labo kung bakit ko naging bespren yan e. But somehow, I consider him as a friend. Siya lang naman kaibigan ko e. Haha.

Ilang minuto na ang lumipas, halos matatapos ko narin ang inii-sketch ko sa drawing paper. Tapos ko narin ang outlines, shading nalang. Hindi kasi siya nagdala ng mga gamit niya e, kaya wala siyang ginagawa. Sabi niya, ang bakla daw tignan. Ang labo talaga nun.

Tinignan ko siya, sa kabilang direksyon siya nakatingin. Mula rito, nakikita ko ang kalahati ng mukha niya. Ang matangos na ilong, ang pantay na kulay niyang puti, at ang buhok niyang kahit gulo-gulo bumabagay parin sakanya. Yung mata niyang maliit na halos pikit na pagngumingiti siya. Minahal ko ang lahat ng iyon, pati narin ugali niya kaso nawala din nung nakilala ko siya.

Yung mga labi niyang maninipis at mapupula. Minsan inaasar ko siyang mangkukulam pero tumatawa lang siya, sa sobrang nipis kasi ng labi niya, nagpapacurve na ang gawi nito. Sa unang tingin, mabilis kang mabibighani, pero sa pangalawa kasama ugali, sige. Next! Haha.

Crush ko rin naman yan dati, kaso nung naging seatmate ko yan. At nakilala siya ng husto, naturn off ako. Simple lang, katabi ko siya, may katabi siyang babae sa klase. Nasa bandang gitna namin siya. Inamin ni girl yung feelings niya sakanya kaso pinahiya niya lang yung girl. Simula nun, Naisip ko.. Hindi siya ang gusto ko. Simula nun, nawala ang pagtingin ko sakanya, hindi ko narin siya madalas na kinakausap at tinitignan, tho, napakahirap dahil seatmate ko siya. Pero nakakapagtaka hindi ba't naging bestfriend ko yan? Simple lang, iniisip niya kasi..Tomboy daw ako, bigla niya nalang akong tinawag na 'bespren' kuno at madalas sumusulpot-sulpot nalang bigla na parang kabute. Na kahit ilang beses kong ideny sakanya, pinipilit niya. Kaasar diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bespren! Yung totoo? (One Shot.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon