Chapter 55

784 43 7
                                    



Chelsea's POV

"WAAAAAA!!! NOOOOOOOOOOOO~" I screamed as i woke up.

"Espren?! Espren!!! Anong nangyari sayo?! Bakit ka sumisigaw?!" Nalolokang tanong ni Nics pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko. Hindi ko naman pinansin yung tanong niya at bumangon na.

Teka—Kwarto? Wait! (?__?)

"Bakit ako nandito?" Naguguluhang tanong k okay Nics habang kinoconfirm kung nasa kwarto ko nga ba ako. Napa-roll eyes naman si Nicole bigla sa sinabi ko.

"Duh! Obvious ba espren? Malamang kasi bahay mo 'to! Pfft! Hahaha! Ano bang nangyayari sayo espren at parang wala ka sa sarili mo?" Natatawang usisa niya. Napakunot naman yung noo ko.

"What?! Seryoso ako dito Nicole. Bakit ako nandito?! I mean—Paano ako napunta dito? Did i faint or something?" Naguguluhang tanong ko parin but this time tumawa naman ng malakas si Nics kaya napataas yung kilay ko.

"Pffft! Hahahaha! Espren naman! Malamang kaya ka napunta dito sa bahay MO ay dahil naglakad ka! Alangan namang lumipad diba? Pfft!" Pilosopong sagot niya. "Sus! Tsaka ano ka ba espren! Ikaw ha! Nakakahalata na ako! Kaya ka siguro ng aamenisia-amnesia-han dahil sa ayaw mong pumasok ngayon gawa nung nakapag-confess ka kahapon noh? Tsk tsk tsk. Kilala kita espren eh! Ano? Yun yun diba? Yun yung dahilan kaya ka nagkakaganyan!" Mahabang speech ni Nics. Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.

"Teka—ano? Kahapon? Kahapon ako nag-confess?" Ulit ko sa sinabi niya.

"Ay hindi bukas! Pfft! Bingi lang espren?! Bingi lang? Kahapon nga. K-A-H-A-P-O-N" Pagiispell niya pa.

Teka—Kahapon daw? Eh kung kahapon ako nakapag-confess eh ano yung—Wait! Hindi kaya....Hala! (O____O)

Hindi kaya panaginip lang yun?!

"Uy espren, ano ba! Tulaley ka nanaman dyan! Uyy! Papasok pa tayo oh!" Dada ni Nics. Hindi ko naman siya pinansin ulit.

Sh*t! Tama! Panaginip! Panaginip nga lang ata talaga yung—Amp! Darn that nightmare! Nakakaasar! Bakit ako ni-reject ni Muffin sa letcheng panaginip na yun?! Bakit?! Aissssh! (>O<)

Hindi naman siguro sign yun na marereject talaga ako diba?! Hindi naman siguro mangyayari talaga in real life yung nasa panaginip ko diba? Wala naman sigurong ibig sabihin yung panaginip na yun diba? Ugggh! Lychee!!!!

Mas natatakot tuloy ako na harapin si Muffin dahil sa panaginip na yun! Paano nalang kung ma-reject din ako diba? Ano nalang gagawin ko pag-nangyari rin talaga saakin yung panaginip na yun? Aaaah! Pakshit! Hindi ko ata keri yun. Ang sakit kaya ma-reject! Lalo na ma-friendzone. (TT__TT)

At isa pa, hindi naman pupwedeng maging mag-kaibigan parin kami ni Muffin after niya akong i-reject. Hindi naman ako martyr noh! Hindi ko kayang makapagkaibigan parin kay Muffin kahit pa alam niya na may one-sided na pagtingin ako sakanya. Tsaka hindi rin ako tanga! Ano yun? Makakapag-kaibigan parin ako sa taong nan-reject saakin?

Haaay~ Siguro nga talaga, kailangan ko na munang iwasan si Muffin. I really can't face him right now eh. Natatakot ako. Tsaka siguro mas maganda na rin yung ganto, yung hindi ko alam yung response niya sa confession ko. Kaysa naman masaktan lang ako diba? Haay. Oo na, duwag na kung duwag pero kasi naman diba? Anong gagawin ko pag-nakita ko siya? Shall i act na parang walang nangyari na confession? Eh paano nga kung ireject niya ako? Makakaya ko parin kaya na magpanggap na okay lang ako? Tss. Ewan. Basta, I made up my mind. Iiwasan ko muna si Muffin. Hwag na muna ngayon. Hindi ko pa talaga siya kayang harapin.

OPERATION: Patayin sa Sindak ang Girlfriend ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon