Right Time For Love

16 0 0
                                    

When is the right time for love?

When is the right time to be in a relationship?

When is the right time you'll met your "The one"?

Is it when you're in your 30's? But why are there some couples started their love story at their early age but they're still together?

I think there's no right time because you or no one can't exactly tell your future. Only God knows and he is the best writer of our world. He writes the story of our lives, our love stories. He is the one who knows who is the best for us and what is the best for us. He also makes our lives wonderful and challenging. He's responsible for giving us problems that will surely make us stronger as an individual. Some people might think that god doesn't love them and He only make their lives more miserable but they misinterpret Him. They don't know that God gives problems because He wants us to stand on our own and He wouldn't dare to give us challenge that He knows we can't solve. And the best reason, why He is giving us problems is because He wants us to remember him and thank him.

Note: Ang format ng on-going story na ito ay medyo diary style at in filipino-english language  para mas maintindihan ng marami. As much as possible walang point-of-view ng mga characters na mababasa para maiba, sana basahin niyo at suportahan niyo. Salamat :)

Sa isang bahay, pinaglilinis ng nanay ang kanyang 15 year old na anak sa sarili nitong kwarto. Winalis niya muna ang maruming sahig at saka pinunasan. Inayos niya ang kanyang mga papeles sa kanyang study table at book shelf. Inihiwalay niya rin ang kanyang mga lumang gamit na pwede ng itapon. Sunod naman na kanyang inayos ay ang kanyang napakagulong cabinet. Makikita mo na halo-halo ang kanyang damit na para bang bundok ito ng basura sa gulo. Inalis niya muna lahat ang kanyang mga damit at inilagay ito sa kanyang kama. Magsisimula na sana siyang tiklupin ang mga ito ngunit may napansin siyang notebook at kanya itong binasa.

June 22, 2013 - St. Jude High School

Bagong school year, bagong gamit, bagong classmates, bagong teachers, bagong subjects na paghihirapan, and i guess bagong buhay ang school year na ito. Bakit bagong buhay? Dahil wala na ang dating nanakit sakin, grumaduate na. Syempre obviously, graduating na ako this school year. Usually sa mga graduating students, ayaw pa nila isipin na malapit na sila grumaduate, at ang dahilan? Syempre dalawa lang yan, ayaw pa nila mawalay sa kanilang mga kaibigan o kalandian, at pangalawa hindi pa handa pumasok sa college at hindi pa handa iwanan ang kanilang pagkabata. Kung laging ganito na lang sila mag-isip, never sila magiging successful someday dahil ayaw pa nila mag move-on. Well, masakit nga rin kasi ang mahiwalay sayo ang mga taong mahahalaga sayo at magsasabihan ng "good-bye" sa isa't isa. Pero sa buhay, kailangan mo magpatuloy para makasurvive ka sa mundong ito. Kailangan mong harapin ang mga pagsubok na may buong tapang at lakas. Pero kung ako ang tatanungin, kating-kati na ako grumaduate. Gusto ko na ng new environment. Gusto ko na may makilalang bago kaibigan. Sawang sawa na kasi ako sa pagmumukha ng mga tao sa school na ito. Simula kasi ng grumaduate sila, nag-iba na ang ihip ng hangin. Hindi ka sanay na ikaw ung pumalit sa posisyon nila. Hindi ka sanay na ikaw yung napag-iwanan. Naaalala mo ung mga bagay o moments ng alumni sa bawat sulok ng school. At the same time, hinihiling mo na sana kasabay mo na lang sila grumaduate dahil may isang dahilan. Pero kagaya ng nasabi ko, kailangan ipagpatuloy ang buhay.

Ako si Zoe Lou 4th yr high school ng St. Jude High School at nasa class A-shit ako. Bakit shit? Kasi mas gusto ko yung section last year, united. Pero sa section ko kasi ngayon mararamdaman mo na nasa isang bansa ka na archipelago. In short, may divisions sa klase. Masaya naman siguro ang last year ko dito, kasi nagkakasama pa rin naman kami ng mga kaibigan ko at mga classmate ko dati. Nagkwekwentuhan pa rin tulad ng dati. Ang hindi lang maganda sa school year na ito, ay ung mga natirang batch, lalo na ang batch ng isang taong pinaka-aayawan ko. Sa kanya ko lang nararamdaman ang inis na ito, yung kumukulo ang dugo mo sa tuwing nakikita mo siya, pinupuna mo ang bawat galaw niya, at higit sa lahat ang pag-dadalawang isip na umattend sa last promenade niyo dahil kasama ang batch nila sa party. Siguro sa iniisip niya wala akong karapatan na magalit sa kanya, pero doon siya nagkakamali, may karapatan ako. Karapatan bilang isang babaeng nagmahal.

-Zoe.

July 3, 2013

Bawat araw, nasasanay na ako na wala na ang kanilang presensya. Siguro tama nga ito dahil tumahimik naman ng konti ang aking mundo at medyo bumabalik na ang aking dignidad. Pero hindi ko pa rin maiwasan magalit sa kanya... sa babaeng iyon. Dahil nalaman ko na section niya pala ang section ko last year. Siguro ganito talaga kalupit ang buhay, dahil pati ba naman sa club ng isang mandatory elective (Spanish) subject ay siya ang president, at student ako ng subject na yun. Siguro ganito talaga ang destiny ko ngayong taon, ang pag-tiisan ang pagmumukha niya. Bakit ba naman kasi daig ng malandi ang maganda. Syempre ako yung maganda, totoo. Ako kasi yung napagiwanan. Siya yung medyo lumandi. Bakit medyo? Kasi wala naman kaming commitment ng nilandi niya. Pero alam naman niyang may gusto ako dun sa nilandi niya. Siguro respeto naman ng konti bilang mas matanda sa kanya. Pero bakit ba binabalikan ko pa ang mga nakaraan? Eh kung iisipin, hindi naman bagay sa akin yung lalaki dahil hindi naman siya ganun kagwapuhan, kasi ako maganda. At higit na mas maganda sa pinagpalit niya. Tsaka isa pa, bagay na bagay sila, perfect match pa nga kasi parehas silang malandi. Medyo bitter man ang dating, pero yun ang totoo dahil sa pagkakaaalam ko, alam nung lalaki na malandi yung babae dahil doon kilala ang babae sa school, sa pagiging malandi. Siya mismo ang pumoporma sa mga lalaki kahit meron ng girlfriend o nililigawan. Siya ang unang sumusuyo sa lalaki, kaparehas ng ginawa niya sa taong gusto ko. Umabot nga sa pustahan ang kalandian niya, pinagpustahan siya ng isang grupo ng mga lalaki sa school namin. Pustahan nilang mapasagot ung babae, at ang pusta... fifty pesos lang naman. Medyo masaklap diba? Pero kahit na napagpustahan na siya, di niya pa rin binabago ang ugali niya, at naaawa ako sa kaluluwa niya. Sana lang hindi siya mabuntis ng maaga at wag sanang tambay lang sa ang makabuntis sa kanya.

Ano nga ba kasi ang buong istorya ng pagkainis ko sa kanya at sino siya?

-Zoe

=end of Prologue=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Time For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon