Chapter 3- Mataray na Chinita

243 6 0
                                    

Joyce POV

Papasok na ako ng school ngayon. Iniwan ko na si Barbie, sobrang tagal niyang kumilos eh. Maaga pa naman kaya hindi na muna ako nagpahatid sa driver namin, naglakad na lang ako tutal walking distance lang naman ang layo ng school namin.

Lakad…….

Lakad…….

Lakad…….

Lakad…….

Joyce: Shet!!!!

Paano ba naman may dumaan na kotse at eksaktong sa tapat ng dinadaanan ko eh may tubig at tumilamsik sa akin yung tubig na may kasamang putik, so ngayon sobrang dumi ng uniform ko at medyo basa ako.

Joyce: Kainis naman!! Ang dumi-dumi na tuloy ng uniform ko.

Guy: Miss, okay ka lang ba???

Nagulat ako sa nagsalita, bumaba pala yung nakasakay sa kotse.

Joyce: Sa tingin mo okay ako???

Pasensya na inis na talaga ako eh, ikaw ba naman ang madumi ang uniform at medyo basa na papasok.

Guy: I’m sorry.

Joyce: May magagawa pa ba yang sorry mo eh kita mong ang dumi-dumi ko na. Ang bilis kasing magpatakbo ng sasakyan akala mo may ari ng kalsada.

Oo na, ako na ang mataray. Kainis lang talaga eh.

Will you Say that you Love me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon