Chapter 4

1.9K 19 1
                                    

NOTE: EDITED AND REVISED. Kindly bear with the typos. Gonna edit typos after the whole revision. Thanks!

---

Pagpasok ko pa lang kinabukasan ay mukha agad ni Louie ang sumalubong sa akin. Agad bumusangot ang mukha ko samantalang ngiting ngiti naman ito. May sapak talaga sa utak .

"Goodmorning babe." Bati nito ng tuluyan na akong makaupo. May kasama pa 'yong flying kiss na sinalo ko sabay umaktong hinagis iyon sa labas.

Umarte naman itong nasasaktan habang nakahawak sa dibdib. Exaggerated na exaggerated pa ang itsura nito.

"Ang pangit mo. Magtigil ka nga." Iritado kong utas dito.

Umayos namsn ito ng tayo at ngumiti ulit. "Asus! Alam ng lahat kung gaano ako kagwapo. Buti nga ikaw yung target ko eh samantalang 'di ka naman maganda."

Talagang napataas ang kilay ko at kusang gumalaw ang kamay ko para lumukot ng papel sabay hagis dito. Agad naman itong tumakbo papalayo.

Saktong dumating si Dhane at tinanaw lang si Louie na tuluyang naglaho. Umupo ito sa tabi ko at agad akong hinarap.

"Anong itsura 'yan? Mukha kang constipated."

"May peste kasi kanina rito." Natatawa naman na ito ngayon.

"Girl naku! Pagkayo nagkatuluyan ni Louie." Napasign of the cross naman ako bigla .

"Dhane don't say bad words!" Tawang tawa naman ito.

Nagpasalamat ako na dumating iyong Professor namin kaya lahat sa klase ay umayos na ng upo. First subject namin ay Algebra. Matalino naman ako eh, numbers lang talaga ang weakness ko.

"Class as you remembered annually we have students from special class to join with us, and now is the day." Nagsimula naman ang bulungan. Isang block kasi kami kaya hindi malabong buong araw namin kaklase iyong taga special class.

Ang course ng mga tagaspecial class karamihan ay management kaya hindi nakakapagtakang anak ng may malalaking kumpanya ang mga nandoon. Unlike sa regular class, iba ang kompetisyon doon. Sabugan ng utak.

Napabaling ang lahat sa pintuan ng may pumasok mula roon. My mouth hanged open as I looked at the man. Harvey! Sobrnag stoic na naman ng mukha nito. Mukha tuloy siyang nagmomodel ng pinto.

Lumapit ito sa professor namin.

"May I introduce to you Mr Harvey Doiminguez. He'll be with your block for the whole day so I'm hoping for your cooperation." Parang manika namang napatango-tango ang lahat.

Hindi maalis ang mangha sa mukha ng mga kababaihan. Hindi ko sasabihing hindi ako nagseselos pero parte 'to ng relasyon na pinili ko. Hindi ko pwedeng sisihin si Harvey na sobrang gwapo niya. Tapos ang talino niya pa. Ang sporty niya pa. Ang full package!

Napalingon siya sa akin. Ngumiti ito bago nagpakilala ulit sa lahat. Napangiti din tuloy ako rito. At kung minamalas ka nga din naman, kay Shane demonyita lang ang available na upuan. Ngiting tagumpay naman ito.

At dahil ayoko nga sa numbers ay nakatunganga lang ako sa klase. Nangingiti ngiti pa ako habang nagdedaydream. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa akin lahat.

"Care to share your daydream with us Ms. Benitez?" Bumalik ako sa tamang wisyo ng marinig ko iyong boses ng professor namin.

Namula ang mukha ko. Napalingon ako sa paligid. Nakatingin din si Harvey. Nakita kong pinipigilan nitong matawa dahil nakatikom na ang bibig nito.

"Share! Share!" Inirapan ko naman si Louie. Nagawa pang mangasar.

"Sorry Sir." Ayoko ng magcause ng scene if idedefend ko iyong sarili ko. At hindi rin naman kadefend defend iyong pagdedaydream ko.

Status: In a Relationship but it's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon