Chapter 2

57.5K 1.1K 64
                                    

Hawak hawak ang food tray, nilibot ko ng tingin ang cafeteria hanggang sa makakita ako ng bakanteng upuan. Papalapit na sana ako sa upuan nang biglang may malakas na bumangga sa gilid ko at natapon ang food tray na hawak ko sa katabing table. Namilog ang mga mata ko sa nangyari. 

"Oh my ghad!! Look at what you did to my favorite dress!" Tumahimik ang buong paligid nang marinig ang matining na sigaw ng isang babae.

Pag minamalas ka nga naman, sa lahat ng pwede, yung taong ayaw mo pa makita ang matatapunan mo. 

"uh-I'm sorry. Hindi ko sinasadya, i swear. May bumangga sa akin-" Naputol ang sinasabi ko nang bigla nitong kinuha ang inumin niya at binuhos sa ulo ko. 

Everyone gasped. Maging ang lalaki na tahimik lang kanina pa ay napatayo sa ginawa nito. 

"Oops! Hindi ko rin sinasadya." Wika nito habang nakangisi sa akin. She was waiting for my reaction. She wants to see me cry and curse at her or make a big scene. Pero hinding hindi mangyayari ang gusto niya. Hindi na ulit ako iiyak. 

Ramdam ko ang mga titig ng tao na nag-aabang din sa gagawin ko. Huminga ako ng malalim bago yumuko at pinulot ang nahulog na tray, plato at utensils. Naglakad ako papunta sa pinagbilhan ko ng pagkain. Binalik ko dito ang lalagyan at yumuko. 

"Sorry po, nasayang yung pagkain." Nagulat ang nagtitinda sa sinabi ko, maging ang mga nanonood. Halatang hindi inaasahan ang ginawa ko.

"Ayos lang iha. Hindi mo naman sinasadya na mahulog. Akin na palitan ko nang bago." Napangiti ako. "Salamat po. Kaso hindi na po ako gutom." 

Pagkatapos kong ibalik ang tray, umalis na ako doon at nagpunta sa locker para kunin ang extra kong damit. 



After Luke saw the scene where a woman pour her drink to Alexa, his eyes changed color. He was ready to kill that woman.

Jake and Jim was also shock to what happened. Nagising lang sila sa pagkagulat nang maramdaman nila ang nakakatakot na aura ng kaibigan nila. Napalunok ang dalawa.

Alam nila kung gaano kahalaga si Alexa rito kaya hindi nila pipigilan ang kaibigan sa gusto nitong gawin. At kahit gustuhin man nila pigilan ito, hindi sapat ang lakas nilang dalawa kung ikukumpara sa lakas si Luke. 

But when Luke heard Alexa apologizes to the food seller, his heart melted. Bumalik sa pagiging brown ang mga mata nito. Nakahinga rin ng maluwag ang dalawa dahil akala nila katapusan na nang babae. Nag-iisip na sila ng magandang palusot sa biglang pagkamatay nito, mabuti na lamang hindi natuloy dahil kung hindi, paano nila ipapaliwanag sa Head Mistress ang nangyari. 

Pagkatapos umalis ni Alexa, sumunod si Luke dito. Pero bago ito umalis may binilin ito sa dalawa. 

"Find out everything about that girl." 



Nakaupo lamang si Alexa sa isa sa mga cubicle, hawak  ang hamburger. Ayos na ang pakiramdam niya dahil nakakain na siya ng pagkain. Natigil siya sa pagnguya nang marinig na may mga pumasok na babae. 

"Grabe yung nangyari sa cafeteria no?"

"Sinabi mo pa. Bagay lang kay Alexa yung nangyari sa kanya. Hindi pa rin niya siguro matanggap na wala na sila ni Alvin kaya hanggang ngayon, ginugulo niya pa rin si Tiffany."

"Ano ka ba naman girl. Halata namang hindi sinasadya ni Alexa yung nangyari. Oa lang tlga yang si Tiffany."

"Gaga, hinaan mo boses mo. Gusto mo bang ikaw pag initan non?"

"Oo nga girl. Pero team Alexa ka pala?" pabulong pa nitong sabi.

"Ha- hindi ko alam eh. Pero ang cool niya kanina. Saka mukhang nakamove on na siya. Etong si T lang naman ang mukhang hindi. Dalawang taon na din ang nakalipas." 

Kahit na siya ang pinagtsitsimisan ng tatlong babae, hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa narinig. She don't know the girl's face, pero gusto niya magpasalamat dahil hindi siya nito hinusgahan tulad ng iba. 

Inantay niya lamang umalis ang mga ito bago lumabas sa cubicle. She smiled when she saw  herself in the mirror. 

I'm proud of you. 

Pagkalabas niya ng restroom, nagulat siya nang makita sa labas ang taong hindi niya inaasahan. Nakatayo lamang ito pero halos lahat ng babae ay napapatingin dito, nagtataka kung anong ginawa niya sa tapat ng cr ng mga babae. Nang magtama ang paningin nila, lalapit na sana ito sa kanya nang may tumawag bigla sa pangalan niya.

"Alexa." Napatingin sila pareho sa bagong dating.

"Alvin." 

Hindi na agad maganda ang pakiramdam ni Luke sa lalaking ito na bagong sulpot. Lalong sumama ang mood niya sa dahil sa paraan ng pagtitig nito kay Alexa. 

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Alexa rito. 

"Binilhan kita ng paborito mong pagkain at damit pamalit." Iniabot niya ang paper bag na hawak hawak niya kay Alexa. Pero walang reaksyon ito sa kanya. 

"Gusto ko lang din mag sorry sa ginawa ni Tiffany kanina." 

"Salamat pero hindi ko kailangan nyan at hindi ko rin kailangan ng sorry mo kaya pwede ka nang umalis." Aalis na sana si Alexa nang higitin nito ang braso niya. "Wait, Alexa, can we please talk?" 

"Ayaw kitang makausap. Bitawan mo ako!" Pero hindi pa rin siya nito binibitawan. SInubukan niyang higitin ang kaliwang braso niya pero mahigpit ang pagkakahawak nito. "Ano ba-" 

"Let her go or do you want me to break your fucking arm?" 

"Luke?" Gulat na sabi ni Alexa. Lumapit sa tabi niya si Luke at hinila ang kanang braso niya papalapit dito. 

"At sino ka naman?" Nanghahamon na tanong ni Alvin. 

"Her boyfriend." Namilog ang mga mata ni Alexa sa narinig niya. Maging sa Alvin ay nagulat din sa sinabi nito kaya napabitaw siya sa braso ni Alexa. 

Gusto niyang umangal sa sinabi nito pero bigla pumasok sa isip niya na baka ito na yung way para tigilan na siya sa wakas netong Ex niya at baliw nitong girlfriend kapag nalaman nila na may boyfriend na siya. 

"Sweetheart! Nandito kana pala." Lumapit siya dito at niyakap ang braso ng tagapagligtas niya. Nakakahiya man dahil ngayon araw lang niya nakilala ito pero dahil siya na mismo ang nagpresenta, susulitin na niya ang tulong nito. 

Alexa looked at him and smiled very sweetly. "Let's go, sweetheart" She took his hand and dragged him away. Parang bata ito na hila hila nang kanyang nanay. 

He was smiling while looking at their hands. Huminto siya kaya napahinto rin si Alexa dahil nagtataka ito kung bakit siya tumigil sa paglalakad.

Hinawakan ni Luke ang kamay nito at inayos ang magkahawak nilang kamay. Pagkatapos, naglakad na itong muli. Nagkabaliktad ang sitwasyon. Siya naman ngayon ang parang bata na hila hila ni Luke. Bigla siya namula sa ginawa ito. 

 At halos ng madadaanan nila na tao ay napapanganga nang makita ang magkahawak nilang kamay. Sinubukan niyang alisin pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Nagyuko na lamang siya ng ulo at sinubukan takpan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang buhok.

Oh god, ano ba tong pinasok niya? 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Vampire's Love BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon