Dear Crush, Crush Kita

15K 365 170
                                    

Author's note: Cliché na po 'tong one-shot kong nagawa, sorry po. Nagawa ko 'tong one-shot na 'to, dahil ayoko na ulit manghinayang sa idea na bumista sa brain cells ko. Hope you like it, and enjoy reading readers.

READ | Vote | COMMENT | Follow

Dear Crush, Crush Kita!

***

Dear Crush,

Ang gulo mo na. Hindi na kita ma-gets. Gets mo--? Wait, ikaw ba ang hindi ko ma-gets, o ang sarili ko? Nakakainis. Alam mo ba kung bakit? Malamang hindi pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. 'Yung tipong paggising sa umaga ikaw ang nasa isip, at 'yung tipong pati pagtulog ko sa gabi ikaw pa laman ng panaginip. Lagi mo na lang ginagambala ang magulo kong isipan. Alam mo ba 'yung pakiramdam na nakakabaliw? Sana alam mo rin, 'no? Para gets na gets mo 'tong nararamdaman ko. At sana, sa'kin ka na rin mabaliw para fair tayo. Okay ang landi ko.

Bakit ba ganun? Kasi-- uhg! Hindi ko kasi inaasahan 'to eh. Hindi kasi ikaw ang super gwapo, pero ikaw ang type na type ko. 'Yung tipong hindi rin ako ready na mag kagusto sa'yo. Aaay! Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Epekto yata 'to ng pagka-crush sa'yo. Ganun ba talaga 'yun? Hindi naman ikaw ang first crush ko, pero sa'yo ko lang 'to naramdaman. Ano ba 'to? Ang hirap ipaliwanag!

--

Vacant time, nakaupo lang ako sa isang sulok sa classroom; tahimik at seryosong nagsusulat lang ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Habang ang mga kaklase natin, kasama ka rin, masayang masaya at kilig na kilig sa pinag-uusap niyo.

Bigla kang lumapit sa'kin at umupo sa may bakanteng upuan sa tabi ko. Pasimple ko naman sinara ang notebook ko.

"Uy, sino crush mo? Bilis, lahat nagkakaaminan na. Ikaw na lang hindi nag sasabi." Nakangiti mong sinabi sa'kin.

"Wala eh, hindi pa uso sa'kin 'yan." Pasimpleng sagot ko sa'yo, ni hindi nga ako tumingin sa'yo.

"Oh? Bakit naman Viancis? Wala ka bang type sa mga lalaki dito?" Muli mong tanong sa'kin.

"Wala nga, bihira lang sa'kin 'yan." Bored ko pang sinabi sa'yo, nakuha ko pa nga mangalumbaba eh.

"Naku naman, grabe ka. O sige, sino na lang ang naging crush mo at bakit?"

"Wala nga, bakit ba ang kulit mo?" Medyo asar kong sagot sa tanong mo.

"Ang sungit mo naman," 'Yun lang ang nasabi mo, dahil umalis ka na agad sa tabi ko dahil tinawag ka ng mga kaibigan mo.

--

Dear Crush,

Alam mo ba? Another malamang hindi pa. 'Yung feeling na ang sarap isagot sa tanong mo ang katagang: "Ikaw ang crush ko". Pero sa totoo lang, sabi ko sa isip-isip ko, "Sige lang, pagpatuloy mo lang, konti na lang maamin ko nang ikaw ang crush ko". Badtrip, bakit sa'yo pa kasi ako nagkaganito eh? Oo na, ikaw nga ang crush ko, todo effort lang ako i-deny.

--

"Viancis!" Tawag mo sa pangalan ko, pero hindi kita nilingon.

"Viancis! Viancis! Viancis!" Paulit-ulit mong tawag sa'kin.

"Ano ba? Minsan mo na nga lang tawingin ang pangalan ko inuubos mo pa! Ano ba kasi 'yun J-joshua?" Asar kong sagot sa'yo.

"Wala lang," Nakangiti ka pang sinabi sa'kin, sabay talikod, pero lumigon ka ulit sa'kin, nakangiti. "Smile ka rin kasi kahit konti lang, ang cute mo 'pag naka-smile. Smile!"

--

Dear Crush,

Balak ko sanang 'wag kang pansinin, kaya lang pinagulit-ulit mo ang pagbanggit sa pangalan ko, kaya hindi ko tuloy naiwasang hindi ka lingonin. Oo, aaminin ko na, ang sarap pakinggan na binabanggit mo pangalan ko. Minsan mo lang kasi ako tawagin sa pangalan ko eh. Kainis, hindi ko alam kung bakit parang nailang na ako banggitin ang pangalan mo. At isa pa, alam ko pang-aasar ang ginawa mo sa'kin kanina eh. Pero, bakit hindi ako naasar? In fact, kinilig pa ako. Nakakaloka ka naman! 'Yung mga ngiti mo sa'kin hindi na maalis sa isip ko.

Dear Crush, Crush KitaWhere stories live. Discover now