March 18, 2016

1K 21 8
                                    

March 18, 2016.

Araw ng kasal. Nagising ako ng may ngiti sa labi. Naisip ko ang babaeng pinakamamahal ko at kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon. Siguro inaantok pa siya dahil alam kong napuyat siya kagabi. Siguro habang nilalagyan siya ng makeup at nakapikit ang kanyang nga mata baka nakatulog yun, antukin yun eh. Naalala ko, nong college palang kami, nakatulog siya sa gitna ng field ng grandstand kahit katirikan ng araw Siguro habang kinukuhaan siya ng litrato nakasimangot na yun, ayaw na ayaw niya kasi na pinapangiti siya ng ibang tao maliban sa akin. Kahit sa graduation photo niya hindi siya nakabgiti. O siguro naman namomoblema na yun ngayon isuot ang gown niya na masikip daw at nagrereklamo na mataba na daw siya kahit na hindi naman. Hindi na bale, kelangan ko na din maghanda. Excited na kong makita siya mamaya.

Lalaki ako kaya hindi ko na kelangan ng mabusisi na paghahanda katulad ng mga babae lalo na kapag kinakasal. Agad akong natapos at kinakabahan na sumakay ng kotse papuntang simbahan.

Pagdating ko sa UST church ay binati ako ng mga tao. Mga ilang kaibigan ang aking namukhaan at nginitian. Saksi ang ilan sa aming pagmamahalan. Sinuklian nila ang aking ngiti, ang iba ay alanganin. Bakit kaya? May masama bang nangyari sa kanya?

Pumunta ako sa puwesto ko sa harap ng altar. Nilagay ang dalawang kamay sa aking bulsa at palakad lakad habang wala pa siya. Manaka naka ay sinusulyapan ko ang relo para tignan ang oras at nakikiramdam sa mga tao sa paligid. Hindi na ko nakatiis at naglakad ako palabas ng saktong dating ng bridal car. Nakahinga ako ng maluwag at inannounce na dumating na ang bride. Bumalik ako sa pwesto ko kung saan kitang kita ko ang nakasaradong pintuan ng simbahan. Ng bumukas ito ay nasulyapan ko ang pinakamagandang babae sa tanan ng buhay ko. Naisip ko kung gaano ko siya kamahal at lahat ng aming pinagdaanan. Nakangiti siya at ang mga mata niya ay nakatutok lang sa harap. Dahan dahan siyang naglalakad habang tumutugtog ang kanta na napagkasunduan namin noon na siyang tugtog kapag naglakad siya papuntang altar. Ng makarating siya sa dulo ay niyakap niya ang kanyang mapapangasawa at sabay silang humarap sa akin. Ngumiti ako at nagsalita:

"Family and friends, we are all gathered here today to celebrate this joyous union of..."

Hindi Totoo Ang Happy EndingWhere stories live. Discover now