Kabanata 39

1.4M 32.2K 12.3K
                                    

Kabanata 39

Take Over

Naging mahirap saking mag concentrate sa pag-aaral. Ilang beses akong nasabihang walang talento dahil masyadong dull at mediocre ang designs na nagagawa ko. Naiinggit ako sa dating mga sketch ko kasi magaganda at creative. Maging ang style ko ay naapektuhan. Yung pagpapares-pares ng mga pieces. Yung mga sapatos, yung aesthetic sense ko parang nagbabago ng paunti-unti.

Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, nacha-challenge ako at nagsisikap. Tuwing gabi, hindi ko maiwasang mapatunganga. Maybe it's time for me to make a new Facebook account?

Nangangati ang mga kamay ko habang tinitignan ang homepage ng Facebook. Nung umalis ako ng Manila 6 months ago, deactivated agad ang Facebook ko. Kaya ngayon mas lalo akong naging walang clue kung anong nangyayari kay Wade. Not that he opens his Facebook to update his status everyday. Halos kalawangin yung Facebook niya dahil di niya binibisita noon. Kaya wala rin akong interes sa Facebook.

Pero ngayong malayo kami at ilang buwan na ang nakalipas, gustong-gusto kong balikan lahat. Kahit na walang laman yung Facebook niya, gusto kong makita. Anything about him. Please!

"Reina!?" Kinalabit ako ni Liam.

Sinarado ko agad yung Facebook sa laptop ko.

"Nakakabigla ka naman." Sabay hawak ko sa puso ko.

Nagkasundo kaming magmeet ngayon dito sa isang coffee shop. Napahawak ako sa malaking sumbrero ko dahil lumakas ang ihip ng hangin. Umupo siya sa tabi ko at dumungaw sa laptop.

"You want to sign up?" Tumaas ang kilay niya.

Umiling ako, "Nope. Napadpad lang."

"Bakit ba kasi ayaw mo? I mean, may pinagtataguan ka ba? Iniiwasan?"

"W-Wala. Ayaw ko lang ng mga... uhm... temptations." Kinagat ko ang labi ko.

Temptations. Pag nakita kong wasak na wasak parin si Wade hanggang ngayon, baka mag alsabalutan ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako makarecover sa lahat ng nangyari.

At sa totoo lang, nang nag dalawang taon na ako dito sa Paris, hindi ko parin malubayan ang pag iisip sa nangyari noon. Lalo na dahil mag isa na lang ako sa condo. Umuwi na si Rozen at iniwan ako ditong mag isa. Thank God for Liam. Hindi naman sa wala akong naging kaibigan sa school, kaso masyado akong nag no-nosebleed sa French. May alam na akong konti pero hindi ako marunong umintindi sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam ang grammar. Konting salita lang talaga ang alam ko. May mga marunong din namang mag english, sila yung nakakaclose ko. Lima lang din kami at mayayaman pa yung dalawa. Anak yata ng hari yung isa at hindi man lang siya tumitingin sa mga mata namin kaya di ako sigurado kung tama bang makihalubilo sa kanila.

"Reina, I missed you so much... Hindi ka parin ba babalik? Dinig ko you're doing well. Tapos natapos mo na daw yung isang course. Ano na?" Tanong ni Coreen.

"I missed you, too, Coreen." Suminghap ako. "Pero hindi pa pwede. Kailangan ko pa ng specialty. I mean, hindi na naman talaga kailangan pero tingin ko mas mabuting itake ito."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon