CHAPTER 1: Rooftop

84 2 0
                                    


"May isang bagay na hindi kailanman mawawala

May isang bagay na 'di kailanman maglalaho

At yun ang isang bagay na 'di maunawaan ng kahit na sino"

BUGTONG HININGA

-Ating Pablo

April 20, 2010

x=x=x

March 21, 2016 / 10:16 am

Sa balkonahe ng rooftop ng isang school sa Seoul, naroroon at nakatungong pinagmamasdan ni Andrew (age/18), isang junior high student, ang tanawin sa ibaba kung saan may mga estudyanteng masaya at nagkukulitan pa habang nagbe-break-time. Tanaw din niya ang mga guro na nagku-kwentuhan habang naglalakad-lakad at bitbit ang kani-kanyang mga textbooks at test questioners. Parang isang ordinaryong araw lang. Napabuntong-hininga si Andrew.

x=ROOFTOP=X

Starring: Yook Sung Jae as Andrew Kwon

and Kim Yoo Jung as Allen Kim

"Tatalon ka ba?", wika ng isang babae sa kanyang likuran. Kaya agad siyang napalingon. Ang babaeng nagtanong pala sa kanya ay ang class president ng section niya, si Allen (age/17).

Andrew: Ha?

Andrew: Hindi. Nagpapahangin lang.

Allen: Nagpapahangin ka lang habang nakatayo sa ibabaw ng balkonahe na konting galaw mo lang pwede kang mahulog? Pinagloloko mo ba 'ko?

Casual lang ang pagkakasabi nito.   

{Andrew's Naration}: Yun palang yata ang unang beses na kausapin ako ng class president namin na si Allen Kim, madalas kasi itong tahimik at palaging kong nakikitang nagbabasa ng libro para mag-review, sa bus man sa loob ng classroom kahit walang teacher.

Maingat na bumaba sa ibabaw ng balkonahe si Andrew at dali-daling kinuha ang kanyang bag sa sahig.  

Andrew: Pasensya na. Nagpapahangin lang talaga ako at---

Allen: Maupo ka.

Ma-awtoridad na sambit nito sabay turo sa bangkong kanina'y tinutungtungan ni Andrew. Agad na sumunod ang binata. Lumikot ang mata ni Allen at nang makakita ito ng isang nakatumbang bangko sa paligid ng rooftop, dali-dali niya itong dinampot at paharap na tumabi ng upo kay Andrew.

Allen: Umamin ka sa akin. Anong naisip mo't muntik ka nang magpatihulog?

Pang-uusisa nito.

{Andrew's Naration}: Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Allen. Pinagpipilitan niya na mag-su-suicide daw ako. At tama siya ng hinala. Ang totoo namumublema ako. Pini-pressure ako ng mga magulang ko pagdating sa mga grado ko. Ang mama't papa ko ay parehong abogado. Gusto nilang kunin ko ang kursong abogasya pagtungtong ko ng kolehiyo pero hindi yun ang gusto ko. Alam ko ang kakayahan ko at hindi ko kayang makipagsabayan sa talino ng mga 'bookworm' kong kaklase kabilang na ang class president.

Allen: Ang babaw mo.

Walang kagatol-gatol na reaksyon nito sa paliwanag ni Andrew.

Allen: Ang babaw ng dahilan mo. Ilang beses ko na yan napapanood sa mga drama sa TV. Lalo na dun sa School 2013 at Who Are You: School 2015. Magtatangkang tumalon sa rooftop yung estudyante, malalaman ng mga magulang, yayakapin ang anak habang umiiyak, iintindihin ang anak at hahayaan na sa kung anumang gustong kurso o gustong buhay ng anak.

BREATHE (한숨)Where stories live. Discover now