Chapter 9: Selfishness

1.6K 4 0
                                    

Nung narinig nila Kuya Jin at Micky kay Papa na boyfriend ko si Peter, biglang nanlaki yung mga mata nila. Di sila gumagalaw, nakatingin lang sila kay Papa na para bang hinde sila makapaniwala sa narinig nila. Para silang naging istatwa dahil lang sa ‘hinde, boyfriend siya ni Yumi’ na linya.

Tumayo bigla si Peter, “Good evening po.” Sabi niya habang nakatungo.

“Good… evening.” Sabay na sinabi nung dalawa.

“Tara na sa may hapagkainan. Masyado na natin pinagantay ng matagal ang pagkain.” Sabi ni Papa sa amin.

Nauna ng umupo si Papa tapos saka kami nag siupuan. Sa bahay na to, kailangan maunang kumain ang matatanda. Dapat siya unang gagalaw sa bawat pagkain na nakahain. Hinde ko alam kung bakit ganun, pero naging ritual na sa bahay na to yun ganung set up. Pero dahil may bisita kami, hinde muna mag aapply yun.

“Kumain ka lang, iho. Wag kang mahiya.” Sabi ni Papa kay Peter

“Opo.” Sagot naman ni Peter.

Habang kumakain kami bigla na lang nagsalita si Kuya Micky, “Pagkatapos nating kumain, wag ka na munang umuwi. Ngayon lang nag uwi si Yumi ng lalaki dito sa bahay kaya sigurado akong espesyal ka sa kanya.”

“Sa bagay. Si Miguel kasi kaibigan ni Yuki, kaya ibig sabihin, si Yuki nag uuwi kay Miguel dito sa bahay.” Sabay tawa ni Kuya Jin.

Napatingin ako kay Peter at tinanong kung ok lang ba sa kanya na wag na muna siya umuwi, tumango siya habang nakangiti. Pagkatapos naming kumain niyaya kaagad si Peter nila kuya sa labas. Kaming dalawa ni Kuya Yuki ang naghugas ng mga pinagkainan.

“Yumi,” napatingin ako kay Kuya Yuki. “Dahil ba may hawig sila ni Miguel, kaya mo siya nagustuhan? Hinde diba? Hinde ka ganun kasama diba?”

“Nung una siguro, pero nung tumagal-tagal hinde na si Miguel yung nakikita ko sa kanya, kung hinde si Peter. Ganun ba tingin mo sakin? Ha??”

Ngumiti siya, “Malamang hinde! Gutso ko lang makasigurado noh.” Napatingin siya ulit sa akin, “Teka, siya ba yung tinutukoy mo na lalaki nung isang araw?”

Tumango ako, “Wala na talaga kami nung araw na yun, pero nung gabi nun nag kaayos kaming dalawa. Basta magulo.”

“Mabuti naman at ok ka na~ hinde ko alam gagawin ko pag hanggang ngayon malungkot ka parin~”

“Tss. Kaya ikaw, mag hanap ka na ng girlfriend! Para hinde ako yung kinukulit mo!!” sabi ko sa kanya

“Tsaka na. Pag may anak ka na.” sagot niya naman sa akin habang nag pupunas ng kamay.

Nung natapos na kaming maghugas ay lumabas na kami para sumali sa kanila. Mukhang ok na sila kuya kay Peter dahil nagtatawanan na sila. Lumabas rin si Papa para makisali sa amin. Clean fun daw dahil may matanda kaming kasama.

“Peter~~~ ingatan mo si Yumi okay~~?” sabi ni Kuya Jin kay Peter

“Oo nga~~” sabi ni Kuya Micky pagtapos uminom ng beer, “Matagal naging malungkot si Yumi~ ayoko na siyang makita pang malungkot~~”

“Hinde naman ako ganun~~ kung gusto niyo ngayon pa lang ikontrata niyo na kami ni Yumi eh! Para nakatali na ko sa kanya~” tapos bigla silang nag tawanan.

Usapang lasing na to. Pati si Papa nakikihirit na rin eh. Pero Masaya parin ako at maganda yung naging resulta ng pagpapakilala k okay Peter sa pamilya ko. Alam ko naman na magiging maganda yung pag trato nila kay Peter, pero hinde ko aakalain na ganito kaganda yung kalalabasan.

-------------------------------------

“Yumi, O.T. ako ngayon, mauna ka ng umuwi ok? Usap na lang tayo paguwi ko. Miss na kita~!” sabi ni Peter sa kabilang linya.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon