Chapter 3: The Novice

56.2K 1.9K 47
                                    

Chapter 3: The Novice


Kasalukuyan akong nakaupo uli sa couch at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Tanging kami na lang ni Professor George ang nasa silid.

Mamatay o magiging estudyante? Iyon ang tanong niya at natural, ang maging estudyante ang pinili ko.

Sino bang pipiling mamatay na lang? At isa pa, mukhang hindi rin naman nila masisipsip ang dugo ko dahil hindi nga nila maamoy iyon. Isa 'yung malaking advantage. Maliban na lang kay Zynon.

Pero, 'yun nga ba ang dahilan kung bakit sabi ni mama ay bawal akong masugatan? Ibig sabihin, may alam si mama sa pagkatao ko na hindi niya sinabi sa akin.

Nabalik na lang ako uli sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Professor George.

"Miss Corpuz, kailangan mong pumirma rito and now you'll be an official student here." sabi niya at ibinigay sa akin ang isang papel.

"Ano po ba 'to?" tanong ko.

"Iyan ang student record mo na may kasamang contract. Simula ngayon, anuman ang mangyari sa'yo ay ang school ang mananagot. Maniwala ka sana, Miss Corpuz. Huwag kang mag-alala. Ibibilin ko na rin sa lahat ang tungkol sa 'yo. At paniguradong malalaman din natin kung ano ka ba talaga at kung gaano ka-espesyal ang dugo mo. Just act like a normal student here and there'll be no problem."

Napahugot ako ng hininga at napatango na lang saka pinirmahan na 'yung papel. Wala ng atrasan 'to. At wala rin naman akong choice.

"Nasa student record mo na ang lahat ng information, including your class section and other informations. You just need to read them." sabi pa niya at napatango uli.

"Maraming salamat po."

"Oh and by the way, you'll start your first day tommorow. For now, tinawag ko ang isa sa class representative mula sa magiging klase mo para i-tour ka sa buong school for familiarization. Don't worry, she's a good vampire."

Napangiwi na lang ako. Hindi parin ako sanay na isiping hindi tao ang magiging kasalamuha ko simula ngayon.

"You can go now. Siguradong naghihintay na siya sa labas ng pinto. Pwede kang pumunta uli rito kapag may kailangan ka. Take your time to adjust yourself here, Miss Corpuz."

Nginitian ko na lang siya ng tipid at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Thank you, Professor." sabi ko saka naglakad na palabas.

Pagkabukas ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat.

"Ay pusang gala!"

"Hello!" masiglang bati sa akin ng isang magandang babae. May bangs siya at kulot kulot ang buhok. Siya yata 'yung sinasabi ni Professor George.

"Hmm, for a novice, you're beautiful! I like you na! Oh, by the way, I'm Ulvia Riechzvelt. I'm one of the class rep nga pala. Nice to meet you, novice." walang prenong sabi niya habang malapad paring nakangiti.

Napatikhim naman ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko nang maaalala ko na bampira pa rin siya. "Ah, nice to meet you rin. Xhiena na lang." sabi ko at tipid na ngumiti.

"Okay then, Xhiena! Now, punta muna tayo sa infirmary ng school, para magamot 'yang sugat mo." sabi niya kaya napatingin ako sa braso ko. May sugat nga pala ako.

"Tara?"

Napatango ako at nagulat pa ako nang ipulupot niya yung braso niya sa akin at hinila ako patakbo. Oh my God! Ang hyper niya!

Naglakad kami sa isang hallway at huminto kami sa isang pinto, kung saan may nakaukit na mga letra, Infirmary.

Binuksan ni Ulvia 'yung pinto at pumasok.

Vampire HighWhere stories live. Discover now