G2YO Tommy and Raven: Her Sister's Boyfriend FanFic

18K 215 14
                                    

[A/N: Dedic po uli to sayo Yam kasi kung wala ung story mo wala rin to.. haha]

Tommy's POV

*RIIIINNNNGGG RIIIINNNNGGGG RIIINN---

Yawn. Ang ingay naman ng alarm na to ang sarap pa matulog e. Alarm?! Teka hindi naman ganun tunog ng alarm ko ah? Pagmulat ko. . .

"HAPPY BIRTHDAY TOMMY!!"

Na-nandito sila lahat?!

"Teka bakit nandito kayo lahat? Saka Steve na paano yan ulo mo?" pano si Steve napansin ko nakahawak sa ulo niya parang masakit yata,

"Yan kasi Steve sabi naman sayo wag mo ng gisingin si Tommy yan tuloy napala mo" natatawang sabi ni Third,

Nandito sila para isurpise ako ngayon birthday ko? Ngayon lang ata nangyari to kaya talaga namang na suprise ako kadalasan kasi sa tambayan o sa school na lang kami magkikita kita at dun na lang kami mag cecelebrate. Ang nakakatuwa pa talagang kumpleto ang tropa, kasama sina Katie at Stacy na medyo inaantok pa, si Bryle na talagang antok na antok pa at si Nash na halata kong antok rin. Pano ba naman hindi sila aantokin 5 am palang ng umaga e mukhang kanina pa sila nag iintay na magising ako, kanino kayang plano to?

"Sabi sayo Nami masyado tayong maaga!!"

"Surprise nga diba?! Ikaw naka isip mang surprise jan tapos ikaw ang mag rereklamo!"

"Ha? A-anong ako? Hindi kaya ako. S-si Third kaya ang naka isip nito"

"Ako?" si Third na nagulat haha

"Sus Bryle tatanggi ka pa ikaw naman talaga nakaisip na isurprise si Tommy"

"Pero hindi ko naman sinabi na gani. . teka STEVE!!"

Haha halos mapatalon si Steve sa sigaw ni Bryle parusa na naman ata pero natigil si Bryle ng biglang,

"BRYLE!! Tama na nga yan!"

"Tch"

Haha so si Bryle at si Nami pala nag plano nito kaya naman pala e. Dahil nga maaga pa naisipan nila na matulog muna kaya ang nangyari nagmukhang camping site ang kwarto.

"Hoy Nami anong ginagawa mo jan sa tabi ng babae ni Third at babae ni Steve? Dito ka sa tabi ko!"

"Ha? A-ayoko nga jan sa tabi mo. Matulog ka na nga lang." Nash sabay saklob ng kumot,

"Pero Nami?"

"Bryle hayaan mo na." Malamang nahihiya si Nash na makatabi si Bryle kasi ang dami namin ngayon.

Kinaumagahan medyo maaga akong nagising. Sila tulog pa. Nakakatuwa sila tingnan hindi ko akalain na isusurpise pa talaga nila ko. Ang swerte ko at sila naging mga kaibigan ko.

GFFH 2 Years OHG FanFicWhere stories live. Discover now