Nasaktan- 2

259 8 3
                                    


Nasaktan.

Chapter 2.

"Congrats Tay" Bati ni Jhiele kay Harry pagtapos ng laro. Sila kasi ang panalo sa 1st game.

"Salamat Nay! papalit lang ako tapos kain tayo." Harry. Tumango si Jhiele.

"Congrats By!" Bati ko naman kay Ken na syang kalalabas lang ng banyo at katatapos lang maligo. Halata naman kasi sa buhok nitong basa pa.

"Thanks!"

"Uhh"

"Can we talk?" Tanong nito sakin, na siyang kinabigla ko. Para saan? May problema kaya?

"Aren't We?" Saka ako mapaklang tumawa.

"Sa kotse ko Yanyan tara." Saka nauna siyang mag lakad. sinenyasan ko lang si Jhiele na susundan ko si Ken.

Nang makarating kami sa kotse nya ay agad akong pumasok sa passenger seat. kinabahan ako dahil bago siya pumasok ay isang buntong hininga ang pinakawalan niya. ilang minuto pa bago siya nag salita.

"Let's break up." Cliche man pero, sa totoo lang parang tumigil ng ilang segundo ang buhay ko, Hindi ako nag salita. Hinayaan kong tumulo ng tumulo yung luha ko, pero pinohipigilan kong humikbi. Darn! Bat ganon kasing sakit nung naramdaman ko nung naghiwalay si mama at papa.

"W-wwhy?" Dama ko ang sakit sa aking lalamunan dahil sa pigil kong hikbi.

"I-Im just tired." Anong rason yon? gusto ko siyang murahin. sumuko dahil pagod? San sya napagod? umiling ako.

"Just tired!? What the fvck! anong rason yan Ken? San ka napagod? Pano ka napagod! Tell me!? "

"Yanyan. dont make this hard for us." umiling iling muli ako at isang mapait nangiti ang naibigay ko.

"You! You make this hard for us Ken! Sana naman pinabayaan mo muna akong makausad sa sakit na binigay ng parents ko sakin. ngayon pa? Kung kailan kailangan ko ng makakasama, kung kalian kailangan ko ng mag cocomfort sakin!" Saka ako bumaba ng kotse nya at naglakad palabas ng building.

Hindi ako papayag, Bibigyan lang kita ng space at oras. Mahal na mahal kita.

---

"Yanyan! Kumain ka na!" Jhiele

"Yanyan girl naman! Eat your foods na. tignan mo your so payat na." Chea.

"Sige lang, Wala akong gana." sagot ko naman. katatapos ko lang ikwento ang lahat sa kanila ngayon ko lang naikwento dahil nagkulong lang ako sa condo ko, dalawang araw palang ang nakalipas, pero stressed na stressed na ko. nangyayat na nga din daw ako e. buti nalang at wala kaming pasok ngayon, pahinga sa katatapos lang na U Week.

"Girl, magkakasakit ka sa ginagawa mo nyan, eh di kana ata kumakain e, ang tamlay mo, ang laki ng eyebags mo mga 5 kilos tapos maga pa! " Chea. bahagya pa akong natawa.

"Bar tayo mamaya?" Ewan ko anong pumasok sa isip ko at niyaya ko sila usually kasi si Chea ang madalas mag yaya saamin.

"Wit ako teh! Family dinner later e." Chea.

"Ako din yan e aalis din kami." Jhiele. Hay. so ako lang mag isa?

"Ok lang! Ako nalang mag isa."

"Ay nako girl! Bukas nalang! baka mag lasing ka. atleast pag kasama mo kami makaka uwi ka ng ligtas ang buhay nako" Si Chea, na may halong pag aalala.

"Ano kaba Chea. wag kayong mag alala di ako masyadong iinom no! tsaka wala din nga akong kasama diba? Gusto ko lang talaga mawala tong ahhh! basta."

"Hindi pa rin! Kokotongan kita." Chea.

"Okok! Tomorrow na." Pag suko ko.

--

Alas sais ng gabi, at wala akong ginagawa hindi naman siguro malalaman nila Chea at Jhiele na aalis ako e. Sorry girls! kailangan ko tong gawin.

Pagpasok ko palang ng Bar, hindi na kaagad kaaya ayang amoy at hangin ang nalanghap ko, Hindi ako nag bar sa usual na bar na pinupuntahan namin, dito ako sa mga raak talaga. mga bigatin kung tawagin nila.

Kinuha ko sa pouch ko ang isang stick ng sigarilyo, Dati na akong nanigarilyo Pero dahil sinabihan ako ni Ken na itigil tinigil ko, pero minsan pag sobrang stressed, Naninigarilyo ako ng 1 stick. Nang masindihan ko ito, ay agad ko itong ginamit, 9 Months ago last kong sigarilyo, nakakapanibago...

"Beer lang!" Sigaw ko sa lalaking nasa counter, nang maibigay nya ito ay agad ko itong nilagok, gumuhit ang pait sa aking lalamunan. Nakailang Shots nako nararamdaman ko na din ang epekto ng beer, 'Beer palang ito, tsk! Di na talaga ako sanay'. Sisindihan ko na sana ang pang pitong sigarilyo ng may humigit nito.

"Tama na." Ma awtoridad nyang wika. Nilagok ko muna ang isang shot pa ng beer bago humarap sa kaniya, nag unahan nanamang tumo ang luha ko, Darn!

"Ken."

"Halikana, iuuwi na kita." Ma awtoridad nyang usal.

"Baby, sino siya?" Tanong ng isang maganda, maputi, mahinhin na babae kay Ken. Ah. siya pala yung rason. May bagong girlfriend si Ken. Naramdaman ko nanaman ang bato sa aking lalamunan.

"Klyt si Yanyan schoolmate ko." Schoolmate nalang. "Medyo nakainom na kasi, baka di makauwi." paliwag pa nito.

"Kaya k-ko, salamat nalang." Konti nalang bibigay na yung luha ko. "I enjoy nyo nalang yung gabi nyong dalawa." Ngumiti yung Klyt saakin.

"Sure ka? By the way , Im Klyt Girlfriend ni Ken nicemeeting you"

Nang makaalis sila ay tinukod ko ang braso sa bar counter at doon umiyak.

---

Kanina pa ako nandito sa bar, tumigil na din yung luha ko sa pag tulo, Tinignan yung mga taong sumasayaw, napangiti ako buti pa sila walang problema. Parang nawala din yung alcohol sa katawan ko dahil sa pag iyak, Sinindihan ko ang isa
pang stick, tsaka nagpatuloy sa pag tingin sa mga tao.

Maya maya lang ay biglang nag ring ang cellphone ko, kaagad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Omyghad. Yanyan diba sinabihan ka nanamin na wag ka munang mag babar ngayon? at ang lakas pa talaga ng loob mo sa ibang lugar pa. napaka kulit mo talaga Yanairah! Hintayin mo kami ni Chea jan. susunduin ka namin." Yun lang ang sinabi ni Jhiele at binaba nya na ang tawag.

Nilagok ko ulit ang isang shot ng hard liquor, Gumuhit ang pait sa lalamunan ko.

"Yanyan!" Galit na boses ni Jhiele ang nakita ko sa pagbukas ng mata ko.

"Iuuwi ka nanamin girl! Muka ka ng hampas lupa sa itsura mo Yan!" Chea.

"Wait. last nalang to. kayo ayaw nyo?" Kumuha sila ng tig isang basong wine.

"Para sa nagluluksa kong puso! cheers!" Tsaka ko tinungga ang alak.

"Tara na girl! Di pa talaga tapos yung dinner namin e. buti nalang talaga mahal kita nako!" Chea.

--

HAHHA. bali kada buwan isang update. char lang. HAHAH. Thankyou po! XOXO.

Nasaktan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon