*Chapter 04: Jealous*

102 14 6
                                    

*Chapter 04: Jealous*

Ella’s POV:

“Uyyy, sorry na kasi.”  Nagmamakaawang sabi sakin ni Keith. Dere deretso lang ako sa paglalakad animo’y walang naririnig.

“Uyyyy~! Ellaaaa~! Pleaassee!”

“Elllaaaaaaa!”

“Huyyyyyy!”

“Psssssssttttt!”

“Heyyyy!”

“BLABLABLA! WALA AKONG NARIRINIG!”

“Ella.”  Sabi nya na parang suko na. Dun pa lang ako tumingin sa kanya habang walang emosyon ang mukha. Nakatungo sya na animo’y may napakalaking problema. Napabuntong hininga ako bago nagsalita sa kanya ng harapan.

“Ba’t mo ba ginawa yun?”

“Alam kong mahalaga yun sayo kaya pasensya na,” sabi nya sabay titig sa mata ko, “You know what? Nabigla lang ako Kanina dahil… uhmm.” Sabi nya na parang nag-iisip. Napataas naman ako ng kilay.

“Ano?! Iisip ka na naman ng dahilan?! Baka sabihin mong namumula rin kasi!” sigaw ko sa kanya. Napangiwi naman sya sa sigaw ko. Yung ibang dumadaan sa hallway ay pinagtitinginan kami.

“A-ano ehh.”  Napakamot sya ng ulo. Bumuntong hininga ako… ulit.

Nagtataka ba kayo kung bakit ganto ang usapan namin. Oh, eto Flashback… ulit =_=

Flashback:

“Yahh! Bat mo ginawa yun ha?!” inis na sabi ko sa kanya. Nandito kami sa garden kung saan naganap ang una naming nakakahiyang pagkikita. Teka, ang lalim ah? =_=

“Sabi ko, kapalit. Sabi mo, ano. Ang unang pumasok sa isip ko ay i-kiss ka sa pisngi kasi namumula. At yun na. the end.” Sabi nya na parang bale-wala.

“Yun lang?!” asar na sabi ko. Gulat naman syang tumingin sakin habang nakanganga.

“Don’t tell me, nag-eexpect ka ng iba?! Y-you like me?!” sabi nya. Saglit lamang ay bigla syang namula at umiling iling. An…yare? -_-

“Yahhh! Wag ka ngang assuming! Ang ibig kong sabihin… i-kikiss mo ko ng ganun lang?! Dahil lang sa mapula ang pisngi ko?!” sigaw ko. Napapikit naman sya na animo’y rinding rindi sakin. Napatigil sya saglit.

Maya maya, lumapit sya sakin habang may mala-demonyong ngiti sa mga labi. Napalunok naman ako.

“Kaya ikaw, wag kang maglilipstick ha?! Kundi hahalikan talaga kita dyan ohh…” sabay nguso nya sakin at pikit.

Gulat na gulat ko naman syang tiningnan, I mean, gulat na gulat ko namang tiningnan yung labi nya.

Bakit parang sya yung nag-lilipstick? Napalunok ako ng nakita kong palapit ng palapit yung mukha nya sakin. Parang may nag-uutos na pumikit ako kaya pumikit ako…

Nararamdaman ko na yung hininga nya. Shet! Ang bango! >///<

*Someone calling you! Answer your phone! If you don’t like it, just pretend that you didn’t hear me. Someone calling you! Answer your phone! If you don’t like it, just pretend that you didn’t hear me.*

Past, Present, or Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon