Challenge #3

19 1 0
                                    

CHALLENGE #3 - SCORE: FOUNDATION DAY PT. 1

(NOT EDITED)

TODAY is our foundation day. Tatlong araw ang foundation day namin at may ibat ibang events and activities. Meron ring mga booths. Like dedication booth, marriage booth, cafe booth and many more.

"Friend, saan tayo?" Sabi ni Analie. Nahagip ng mata ko ang Picture Booth. "Doon tayo!" Hinila ko ang bestfriend ko at lumapir dun.

"Magkano?" Tanong ko. "20 po. Four shots po siya" Inabot ko ang bente pesos at pumasok kami ni Analie sa parang studio nito.

Nakita ko ang photographer na si... Xyron pala. Nakaka badtrip naman ang mukha niyan! Tsk.

"Sige, magpose kayo ng kahit ano at icacapture ko" Niready niya na ang camera. Nag pout ako at nag v sign.

Second pose ay naka pameywang ako habang nakasuot ng dorky eyeglass.

Third pose, magkatabi kami ni Analir habang hawak ang paypay. Mukha kaming mga senyorita. Hahaha.

And for the last pose ay nag wink ako at nag heart sign.

"Okay, hintay na lang po tayo ng 5 minutes para sa picture" Tumayo si Xyron at pumasok sa isang kwarto.

"Himala atang hindi kayo nag aaway friend. Hahaha" Hinampas ko sa balikat si Analie.

"Atsaka hindi ka rin nag cocolor switch." Napairap na lang ako. "Ewan ko dun sa lalaking yun. Atsaka lowbat yung cellphone ko eh" Napasimangot ako.

"Ito na po" Inabot na saakin ni Xyron ang picture. "Di ba pwedeng two copies?" Tanong ko. Tinignan niya naman ako at nagsalita.

"If you want an another copy, you should pay 10 pesos" Seryosong sabi niya. May inabot namang pera si Analie. "Here!" Tumalikod ulit siya at pumasok dun sa kwarto kwarto.

Pagkatapos naming nakuha ang pangalawang copy ay pumunta kami sa ibat ibang booths.

"Kain muna tayo, Friend" Suggest ni Analie. Tumango ako pumasok kami sa Cafe Booth.

"Hi Maam, here's the menu." Inabot saamin ni Angelika yung classmate ko. Ang cute ng cute outfit nila.

"Gara nitong Cafe ah. Sinong nag organize?" Tanong ni Bestfriend kay Angelika.

"Ah, ang SSG President po" Napatango na lang kami. Infairness same attitude. Magaling talaga siyang leader.

"1 slice of moist cake at isang caramel ice cream" Sabi ko. "Ikaw Friend?" Tanong ko.

"Ah isang strawberry cake at mango shake." Tumango si Angelika. "Right away, Maam"

HABANG wala pa ang order namin ay nag chikachika muna kami.

"Ang bait bait ata ni Xyron ngayon friend! Atsaka pansin ko ang lungkot niya." Napaisip naman ako agad. Naalala ko na.

Its Xyril's Death Anniversary.

Napa buntong hininga ako. Dumating na yung order namin pero tahimik lang akong kumakain.

Moist Cake. Caramel Ice Cream.

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.

FLASHBACK

"Hi Bata!" May batang lalaking lumapit saakin.

"H--hi?" Nahihiya kong sabi. Napangiti naman yung bata.

"Gusto mo?" Inilahad niya ang dalwang slice ng cake at may hawak rin siyang caramel ice cream na binili niya ata sa McDo.

"Ilang taon ka na?" Tanong nito saakin. "Im 10 years old" Nakangiti kong sabi. "Ahh parehas tayo. haHA HA" Taka akong tumingin sakanya.

"Bat bata ang tinawag mo saakin?" Kumuha ako ng ice cream gamit ang maliit na kutsara.

"Trip lang. Hahaha"

Simula nun ay lagi na kaming magkasama at naging favorite food na namin ang moist cake at caramel ice cream.

END OF FLASHBACK

"F--friend, bat ka umiiyak" Inaalo ako ni Analie. Buti na lang at nasa tagong side kami na part umupo dito sa cafe.

"Xyril.." Yan lang ang nasabi ko. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Analie.

"Oh?! Ngayon pala?! Bakit di ka bumisita sa sementeryo, Friend?" Umiling iling lang ako.

"Because I cant. Kahit pilitin ko. Hindi talaga pwede" Naluluhang sabi ko. Niyakap lang ako ni Analie ng mahigpit.

3rd Death Anniversary.
I miss you, Xyril.

UWIAN na namin ng mapadpad ako sa sementeryo. Naiisip ko si Xyron, bumisita kaya siya?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko si Xyron Sa harap ng puntod ni Xyril.

Xyril Dave Alvarez
BORN: April 15, 1996
DIED: December 24, 2014

Nakatayo lang ako habang nakatago sa puno. Hindi ko kayang makita ang puntod ni Xyril. KASI HANGGANG NGAYON MAHAL KO PARIN SIYA.

"I know you are there, Ianice" Dama ko yung lungkot sa boses niya. Alam kong nasasaktan din siya.

-to be continue-

AN:

VOTE.COMMENT.VOTE
THANKS FOR READING.

-RS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Color Switch Lovestory *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon