HASHTAG // TWENTY-NINE: #BackToHisPossessiveness

167K 2.9K 57
                                    

Hashtag // Twenty-nine: #BackToHisPossessiveness

Avery's POV

Hindi ko na alam kung ilang beses na ako lumunok ng sarili kong laway. Para kasing nanunuyo ang lalamunan ko sa lapit naming dalawa! Ang init! Jusko!

Inilapat niya pa ang labi niya sa leeg ko, pati ang dila niya ay nararamdaman ko! Mas lalo itong nakadagdag sa nararamdaman kong init at kiliti.

His hands expertly caressed the side of my thighs to my hips then to my stomach. Then he entered his hand to my shirt and he cupped my right breast. I groaned in pure pleasure and I instantly closed my eyes. He kept on touching my mounds and my body shook.

Kaya lang ay bigla siyang tumawa.

"By, nanginginig ka agad. Tigang?" ABA'T TONG LALAKING ITO?! Nakuha niya pang mag-joke ha? At times like this? THE HELL.

Mabilis ko siyang itinulak dahil sa inis at sinapak-sapak ko ang mukha niya! Nakaka-beast mode eh! Ugh!

Tawang-tawa pa talaga siya. If I know, tigang rin siyang bwisit siya!

"By, by, mo mukha mo!! Magbihis ka na nga't kakain na!" Lumabas agad ako at narinig ko na lamang ang pagtawa ng mokong na 'yun. Langya 'yan.

Muntikan na 'yon ah.


***


"By, subuan mo ko." Malambing na sabi ni Raven habang nakalagay ang ulo niya sa balikat ko. Sa sofa nalang namin naisipang kumain habang nanonood ng movie.

Ginalaw ko ang balikat ko para mailayo ang mukha niya.

"Subuan mo mukha mo, bahala ka d'yan."Inismaran ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Completely ignoring him.

"Galit ka ba dahil hindi natuloy iyong—"

"'YANG BUNGANGA MO TALAGA EH NO?!" Sinapak ko na naman siya. "Hindi ako ganoon!"

Ewan, siguro malapit na akong bisitahin ni kumare kaya't medyo mainit ang ulo ko ngayon.

"Eh bakit ang sungit-sungit mo?" I seriously looked at him. Pinaningkitan ko siya ng mata at sinapak muli.

"Aray naman, Avery! Nakakarami ka na ah! Abuso na 'yan!"

"Nagrereklamo ka?"

"Eh kasi ang sakit na ng mukha ko eh!"

"So... nagrereklamo ka nga?"

"HINDI!"

"BA'T KA SUMISIGAW?!"

"Hindi ako sumisigaw, by..." Sabi niya sa maliit na boses. Haha! Tawang-tawa ako sa mukha niya. Yumuko pa talaga habang ang mga mata ay nakatingin sa akin at nagpapa-cute.

"Tse, magtigil ka. Mukha kang aso." I said after taking another bite. Nagfocus nalang uli ako sa panonood ng movie.

Moments later, he wasn't pestering me anymore. Aba, mabuti't natahimik ang loko.

Tiningnan ko siya at nakita kong hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain niya samantalang ako malapit nang matapos. Seriously?!

Hinarap ko siya. Nakasimangot ang mukha niya habang papalit-palit ang tingin niya sa TV at sa pagkain niya. Ghad. Obvious namang gutom, ayaw pang kumain!

"Hoy, Raven Lim. Kakainin mo 'yan o ako ang kakain?" Ang baboy ko talaga. Pero sayang naman diba kung di niya kakainin.

May binulong lang siya sa sarili niya tapos hindi na ulit ako pinansin. WOW, snob ah?

"Kakain ka." Mariing utos ko sa kanya. Baka mangayayat 'to eh, kasalanan ko pa. Dadaanin ko nalang sa galit-galitan, baka mapilit.

"Subo sabi." Parang bata 'tong timang na 'to. Tsk. Kung di lang talaga kita mahal.

"K." Pagsang-ayon ko at agad kinuha ang plate niya at sinubuan siya na agad niya namang tinanggap nang nakangiti. Napangiti na rin lang ako. Gutom na gutom naman pala talaga siya eh. Tiniis niya lang.

Kinintalan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

Inirapan ko lang siya kahit na kinilig ako sa simple gesture niyang iyon. Naman. "Ewan ko sa'yo, ang pangit mo."

Hinalikan niya uli ako at ngumisi. "May pangit bang pinagkakaguluhan?"

"Oo, ikaw." Sagot ko.

"That's not true! Tss." Conceited. Naku talaga.

"Raven." I called him. Seryoso na ang boses ko ngayon. "Babalik ka na ulit sa school ha? Ang dami mo ng absent eh. Sige ka, baka di na matupad iyang pangarap mong maging MVP of the year tsaka maging RN. Diba magduduty ka pa? Ayusin mo sarili mo. Magpro-proceed ka pa ng Med. diba? Mag-aral ka nga nang mabuti." I said and kissed the side of his lips.

Marami pa siyang pangarap sa buhay. We both have. And I want the both of us to succeed with our goals and aspirations. Gusto ko sabay naming aabutin lahat ng mga pangarap namin.

Gaya niya, pagkatapos niyang makagraduate as a nursing student magpoproceed siya sa Medicine. While I am an Architecture student and I also want to establish my own firm. I do hope in God's time, makamit namin ang mga pangarap namin nang magkasama.


Yes, I do believe that everything will fall into place in God's perfect time...


***


"Raven, buksan mo nga iyong pinto," I hissed. "Ikaw talaga, alam mo na ngang may nag-do-door bell, nagbibingibingihan ka pa eh."

Naman, ayoko nga tumayo. Ang ganda na kaya ng pagkakapwesto ko dito sa sofa habang nakaunan sa lap ni Raven. Kaya lang kailangan niyang tumayo eh. Ngumisi ulit ako.

"AKO NA. AKO NA ANG DAKILANG UTUSAN." Sabi nyang nakasimangot. Tumawa lang ako.

"Mwa, labyu." Pang-iinis ko pa. Inirapan niya lang ako saka tumayo na.

Minutes had passed pero hindi pa rin bumabalik si Raven. I got curious. Bakit ang tagal-tagal niya?! Hindi naman siguro iyon umalis diba?

Tumayo ako at nagpasyang sundan siya.

When I looked at Raven, he was holding the door and was talking to someone. I walked closer to him to see who he's been talking to.

Hinawakan ko ang balikat ni Raven at tiningnan kung sino ang kausap niya. He immediately looked at me, his eyes were dark and cold. Again.

Bigla akong nanlamig sa paninitig niya sa akin at tiningnan ang kausap niya.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito.

Alright.


"Archaic Luis." I said, almost whispering. When I saw his face, naalala ko agad ang pangalan niya! Screw me, I'm not good in remembering names.

"Hi, bams." He smiled. Showing his most charming smile.

I can't believe this.

I looked at Raven who was now irritated and back to Luis who was now smiling.

"Best friend, huh?" Raven said sarcastically.

OH GOD.

How in the world—?

***

Author's note:

Ipagdasal n'yo naman po na sana matapos ko ang storya'ng ito. Huhu. <3

Motivations, please? :<

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerKde žijí příběhy. Začni objevovat