Chapter 1

71.3K 1.2K 82
                                    

Tahimik na nagbabasa lamang ako ng libro ko nang biglang pumasok ang no.1 chismosa sa mga mga classmates ko. Malalaki ang ngiti nito na parang may nasagap itong magandang chismis.

"Hoy mga bakla!! Alam niyo ba may tatlong exchange students ang dadating ngayon galing Black University!! OMG!!" Biglang nagsigawan ang mga nakarinig ng balita nito. 

Black University is the best and no. 1 school here in the Philippines and in Asia. It was also the dream school for everyone. 

Kaso hindi basta basta makakapasok dito kahit na may pera ka pa. You have to pass their test bago ka nila tanggapin. Madami ang sumubok pero kakaunti at pili lang ang nakapasa. Ilang beses na din ako kinulit nina Daddy and Mommy na ilipat diyan kaso ako lang ang may ayaw. Ayos naman na ako dito sa Pink Univeristy kahit na...ako lang mag-isa. 

"Balita ko pa, sobrang gwapo nila."

"Saan mo naman narinig?"

"Don sa faculty! Kilig na kilig nga mga babaeng prof kahit na yung matatanda." 

"Hala sana sa section natin malipat! Para naman mainspired ako mag aral!"

"Kung hindi sila dito, magpapalipat na lang ako kung saang section sila. O kaya makikiseat in ako bwahaha" 

Napailing na lamang ako sa chismisan nila at binalik ang atensyon sa pagbabasa.

Maya maya lamang ay dumating na ang  prof namin at nagsimula na mag discuss. Seryoso akong nakikinig sa Prof ko nang may kumatok sa kwarto namin at sumilip na isang lalaki na kulay blonde ang buhok. Napataas ang kilay ko. Bawal may kulay ang buhok sa school. 

"Excuse me Ma'am, pasensya na po sa abala! Kami po yung tatlong exchange students. Dito kami na-assign kaso naligaw kami. Sorry. " He said in an apologetic manner. Nagsimula nang mag ingay ang buong klase nang marinig nila ang sinabi nito. 

Napakurap kurap ako nang makita ang inakto ng Prof namin. "First day niyo pa lang naman kaya ayos lang na malate kayo. Halika, pumasok na kayo at magpakilala sa klase." Mahinhin nitong sabi.

Pero nung unang araw din namin madami ang nalate, galit na galit siya kaya pinag quiz agad kami tapos-  

Biglang nagsitilian na ang mga babae at beki kong classmates nang tuluyan nang pumasok ang dalawa pa. Ang ibang mga lalaki kong classmate ay nagrereklamo dahil sa ingay pero inaabangan din nila ang itsura ng mga ito.

Halos naging hugis puso ang mga mata ng mga babae at beki ng makita nila na itsura ng mga ito. Totoo nga ang balita, they are indeed good looking. 

The first guy who has blonde hair introduced himself as Jim. He looks very friendly and when he smiles, nawawala ang mga mata nito. Cute but not my type.

Second guy is Jake. He looks very shy but good looking and i love his outfit. He's wearing an all black from head to toe. Black must be his favorite color.  

And then i look at the last guy.. Napaawang ang mga labi ko when i saw his face. 

He is definitely the most beautiful man i have ever seen in my life. Seryoso lamang ang itsura nito pero he had this mysterious and dangerous aura around him. And somehow he looked very familiar to me pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. While thinking, nagtama ang mga mata namin at biglang umangat ang labi nito. i felt my cheeks grow red because he caught me staring at him. Umiwas ako ng tingin agad sa kahihiyan.

"Luke Salvatore." Pakilala nito sa buong klase. Nagsitilian ang iba sa mga kaklase kong babae. Ang iba naman ay hinampas ang katabi. Hindi ko sila masisisi, this man is insanely gorgeous. 

"Alright. You may take the vacant seats. Pili na lang kayo kung saan niyo gusto." 

Hindi ko na ulit sila tinignan at nilaan na lamang ang aking attensyon sa librong pinapasagutan ng prof namin kanina. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na pamilyar ang itsura nito. 

Naputol ang pag-iisip ko nang may nagsalita sa tabi ko. "Mind if i seat here?" Umiling na lamang ako kahit na gusto kong umangal dahil alam ko may masasabi nanaman ang iba pero bahala na, siya naman ang may gusto umupo dito kahit na madami pang magandang bakanteng pwesto. 

He settled down beside me. At dahil bagong student siya, inexplain ko sa kanya na may sasagutan at pinahiram sa kanya ang libro ko dahil nakita kong wala namang laman ang bag nito kundi ballpaen at isang notebook lang. 

"Thank you for this, princess." I froze when i heard him call me by that name. Nakakapagtaka kung paano niya nalaman ang pangalan ko kahit na hindi ko pa binibigay. 

Also, I hate that name. Ang childish kasi pakinggan. 

At isa pa, someone used to call me that and gave me this fucking mark on my neck. Pag naalala ko siya, nanggigigil ako sa inis. 

"Don't call me that. My name is Alexa." Pero hindi na ako nito sinagot. Gusto ko pa sana magtanong kaso mukhang wala na itong balak na kausapin ako kaya binalik ko na lang din ang attensyon sa Prof ko.

Pagkatapos umalis ng Prof, nagsitayuan na ang lahat at lumapit sa tatlong Black Students. 

"Hi Luke! Gusto niyo sumabay samin sa Lunch?" 

"Itotour na rin namin kayo sa buong school para hindi na kayo maligaw."

"Kung kailangan niyo ng notes, papahiramin ko kayo."

Halos hindi na maintindihan ang sinasabi nila dahil pare pareho ang mga ito na gustong makausap ang tatlo. Napakamot na lamang sa ulo si Jake habang si Luke ay walang reaksyon. Kaya si Jim na ang nagsalita para sa kanila, "Uh, thank you ladies sa warm welcome pero may magtotour na kasi sa amin. Sa lunch naman.. hindi kasi sila sanay na may ibang kasama kaya pasensya na kung hindi kami makakasabay sa inyo." 

Malungkot man pero hindi na nila kinulit ang tatlo at nagsi alis na. Tumayo na din ako at umalis na. 

+++

Nang umalis na si Alexa, walang nagawa si Luke kung hindi ang sundan lamang ito ng tingin. 

He can hear the two laughing at him dahil first time nila nasaksihan ang Student President ng Black University na tiklop sa isang babae. 

Jake patted his shoulders. "Ngayon alam ko na bakit wala kang ni isang magustuhan na babae sa school natin."

"Hindi rin ako makapaniwala, bro. Kahit si Amanda na pinakamaganda sa school, walang wala sa Prinsesa mo." Jim added. 

Hindi niya pinansin ang dalawa. Ang nasa isip pa rin niya ay si Alexa.

Sa buong oras na magkatabi sila ay parang sasabog ang puso niya sa saya. 

After two years, he finally came back... to be with her. 

Hindi siya sigurado kung mayroon na nagmamay-ari ng puso niya pero kung meron man, wala siyang pakialam. 

She's mine. 

He has already marked her two years ago. Babawiin niya lamang ang kanya. 

A Vampire's Love BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon