Rain, Rain, Please Don't Go Away (one shot story)

3.4K 110 23
                                    

Rain, Rain, Please don't go away.

(a one shot story written by aenjiee)

"Ooooy! Pasukooooob!"

"Tara dito!"

Labasan na ng mga kapwa ko estudyante. Tiningnan ko ang langit, madilim, mukhang uulan. Nilabas ko ang payong ko mula sa bag ko at binuksan ito. Umihip ang malamig na hangin. Napapikit ako pero agad akong napadilat nang may umakbay sakin. May naamoy agad akong matapang na pabango.

"Uy, pasukob naman. Hanggang kanto lang." nilingon ko sya. Sino ang lalaking to?

"Kilala ba kita para akbayan mo ko? Feeling ka ah. Ayoko, maliit lang payong ko, sa iba ka na---"

"Dito na, jan lang naman ako sa kanto eh! Dali tara na!" panghihila nya sakin.

"Mababasa ako----"

"Ayan, di ka na mababasa. Akin'a rin yan." kinuha nya ang payong sa kamay ko. Ang braso nya ang naka-yakap sakin habang hawak ng kaliwang kamay nya ang bag nya at ang kanang kamay ay nakahawak sa payong ko. Peste. Naiirita na talaga ako. Pero hinayaan ko na lang, kesa mabasa pa ko at magkasakit.

Inirapan ko sya. Oo, medyo mataray ako pero sa mga di ko lang kakilala at feeling close. Katulad nitong lecheng to.

Tahimik kaming naglalakad sa gitna ng malakas na ulan. Ni isa samin ay hindi nagtangkang magsalita, siguro dahil hindi namin kilala ang isa't isa. Tanging ulan lang ang naririnig ko at ang mga kotseng dumadaan sa gilid namin.

"Anong pangalan mo?" pagbasag nya sa katahimikan. Tinalikod ko ang i.d ko.

"Wala kang pakielam. Nakikisukob ka lang. Di mo na kailangang malaman kung sino ko." huminto sya---kami sa isang kanto na may malaking bahay. Nagdoorbell sya dito at maya-maya'y may nagbukas ng pinto. Lumabas ang isang matandang babae na may dalang malaking payong.

"Ang sungit mo naman, sige na dito na lang ako. Salamat sa pagpapasukob ah. Sa susunod ulit ah?" sinukbit nya sa likod nya ang bag nya. Kapal ng mukha nito. Binigay nya sakin ang payong ko.

"Asa." tangi kong sagot sa kanya. Sumukob na sya dun sa matandang babae. Nginitian nya ko, nang dahil dun nawala ang mga mata nya. Pero inirapan ko lang sya at tumalikod. Bago ako maglakad may kumalabit sa likod ko. Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Salamat ah."

"Paulit ulit ka. Mukha kang tanga."

"Haha! Ang cute mo. Patila ka muna? Tara muna sa loob."

"Uuwi na ko."

"Sige, ikaw bahala. Babye! Ingat ka." inirapan ko sya ulit at umalis na.

Habang nasa daan ako ay may naalala ako, nahagip nga pala ng mata ko ang i.d nya kanina.

"Rain Matthew Villaluz." bulong ko sa hangin. Anong pakielam ko sa pangalan nya?

-

Sometimes, going outside when raining is good. When you're about to cry, and it's raining, go outside and rain will wipe your tears.

-

"Shet! Umuulan nanaman! Pasukooooob!!"

"Neknek mo! Mag-isa ka! Mababasa ako!"

Rain, Rain, Please Don't Go Away (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon