Chapter 7

2.4K 75 8
                                    

Neon's POV

Nawala si Chi sa hallway, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang babaeng yun kaya bumalik na lang ako kina kuya Tungsten at kuya Xenon, kakamustahin ko na lang lagay nina Vana at Xanxan, siguro naman babalik si Chi bago maghapon.

Katulad ng sabi ko, bumalik na lang ako dun sa may emergency room.

Sina kuya Xenon lang ulit naabutan ko dun, di pa daw nabalik yung iba.

"Kuya, kamusta na yung mga bata?" tanong ko sa kanila.

"Wala pang sinasabi ang mga doctor e, teka, nakita mo si Chi?" tanong sakin ni kuya.

"Nakita ko na kanina, e bigla namang nawala. Bayae na siya." yung lang ang sabi ko, tapos, saka ako umupo dun sa waiting area. Babalik si Chi, kelangan nun ang tulong ko e. Sabi daw kasi ni San Pedro ako daw yung tutulong sa kanya.

Like, of all the people why me? =O=

"Umamin ka nga Neon, girlfriend mo yun noh?" ayan na naman sila, bakit pinagpipilitang girlfriend ko ang halimaw na yun.

"Di noh! ASA!" saka ako nagheadset. Babalik si Chi, babalik yun, kailangan ako nun.

* Insert Neon's Dreamland*

Nandito na naman ako sa lugar na palagi kong napapanaginipan.

This time, mag-isa na lang ako, wala na si girl of my dreams.

Nilibot ko yung lugar kung saan ako naroroon. Baka naman nandito lang din si Girl of My Dreams, nagtatago lang.

Sa paglibot ko, may nakita akong babae.

Babae na nakahiga sa tumpok ng mga bulaklak.

Nilapitan ko yung babae. Nagulat ako sa nakita ko.

Si Girl of My Dreams yun.

Bakit siya nakahiga sa tumpok ng mga bulaklak?

Anong nangyari?

Pilit ko siyang nilalapitan pero mula sa kinatatayuan ko, hindi na ako makagalaw.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Ano ba talagang nangyari? Bakit siya nakahiga dun?

Pilit akong umaalis sa kinatatayuan ko, gusto ko siyang lapitan pero di ko talaga magawa.

Hanggang sa pagtingin ko ulit sa kanya, wala na siya.

Wala na siya dun sa tumpok ng mga bulaklak.

Nasaan na siya?

***

"Hoooy! Neon Iron! Gising!!!" boses yan ni Khas, girlfriend nung pinsan kong si Barium.

"NEON gising!!!!" boses naman ni Ate Camella, asawa ni kuya Xenon.

"HOY NEON! PAG DI KA GUMISING TAMANG TAMA! NASA OSPITAL TAYO, IPAPA-AUTOPSY NAMIN KUNG NAMATAY KA SA BANGUNGOT O ANO?!" boses ni kuya Tungsten.

Bigla naman akong nagising.

"Ha?" yan yung nasabi ko. ano ba? bagong gising kaya ako. nakatulog na naman ako? tsss. =O=

"Wala! Ikaw e, grabe ka matulog! Naungot ka! malay namin kung sa panaginip mo, pinapatay ka na pala!" si kuya Tungsten yan, ang hyper!

"Ahhhh" oo nga pala, nakatulog nga pala ako. teka nga muna

"Dumating na si Chi?" agad kong tinanong sa kanila.

"Hindi e, baka naman umuwi na sa bahay NIYO." sabi ni Barium.

"HEH!" makaemphasize 'to ng NIYO wagas.

Teka, pano makakauwi sa amin si Chi? Alam ba niya ang daan?

"Neon, uuwi na kami, inoobserbahan pa daw kasi sina Vana at Xanxan. Ikaw ba?"  tanong ni ate Camella.

Ano nga ba? Wala pa din si Chi, iintayin ko ba o uuwi na lang?

Pssssh. Baka tama sila, baka umuwi na yun.

"Uuwi na din ako" saka ako tumayo mula dun sa pagkakaupo ko.

Wala pa din si Chi.

Sumabay na ako sa kanila pauwi. Pagdating ko sa bahay, patay ang ilaw. Imposible talagang makauwi si Chi dito ng mag-isa.

Agad kong nilibot ang bahay, wala talagang Chi at saka kung nandito yun, mag-iingay agad yun. Sisigaw agad yun ng "HUMAAAAAN!".

Pero wala namang sumigaw, walang Chi.

Binuksan ko na lang ang TV, ayoko pang matulog.

Kakatulog ko lang tapos tutulog ulit? Tulog much? =O=

Lumipas ang ilang oras, nanonood lang ako ng TV.

Wala pa ding Chi.

Talaga bang naniniwala akong makakauwi yung Chi na yun?

Pinatay ko yung TV at saka ako lumabas na lang ako ng bahay.

Nagulat na lang ako paglabas ko.

May babaeng nakatayo dun sa may gate ng bahay ko.

Nakatingin lang siya saken.

Saka siya tumakbo.

Pasaan na naman ang babaeng yun?!

"HOOOOOY! Chiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!"

MEET THE CHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon