16. Unexpected..

287K 1.4K 475
                                    

"What?" naiinip na tanong ni Paul kay savanna na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya na may pagtataka. 

Sino nga ba naman ang hindi mabibigla sa tanong ng binata kung nung nakaraang araw ay halos isuka na sya nito. Napailing lamang sya at agad na umayos ng pagkakaupo.

"H-hindi ko alam. "

Nangunot ang noo nito. "You mean, hindi  ka pa nagdedecide? " binitawan nito ang kutsilyo. 

Nagkibit balikat sya. "Hindi ko pa naman natin alam kung babae o lalake diba? A-ang totoo, Hindi pa ako nakakapunta sa OB nitong nakaraang araw. "  sagot nya. 

Talaga namang hindi pa sya nakakapunta sa OB. Ang huli nyang punta ay noong pupunta sila sa batangas ni Paul. Hindi nya rin maalis sa sarili na hindi mag-alala sa kalagayan ng anak nya. Bukod sa malaki na ang tiyan nya ay halos maubos na ang gamot na nireseta ng doctor.

"What? " halos pabulong na tanong ng binata. Hindi nawala ang pag-aalala sa mukha nito. Napapikit sya at hinintay ang susunod na pagsigaw nito pero sa halip ay isang mahinahon na boses ang narinig nya.

"Wait.. "

Tumayo ito  at agad na nagtungo sa maleta ni savanna. Binuklat nito ang bawat damit at kinuha nito ang isang maternity dress. Agad na lumapit ang binata sa kanya.

"Wear this. We're going somewhere. "

Wala syang nagawa kundi ang kuhanin ang damit. Akmang papasok sya sa kwarto ng  tawagin nito ang pangalan nya. Hindi nya nagawang humakbang o lumingon dito. Naramdaman nya ang unti unting paglapit nito sa kanya.

"Savanna. Wait.. "

Napapikit sya hanggang sa  may mainit na katawan ang bumalot sa kanya mula sa likod. Pumulupot ang braso ng binata hanggang sa maabot ng palad nito ang umbok niyang tiyan. Halos hindi sya makahinga sa bawat haplos nito.

Pinatong ng binata ang baba sa balikat ng dalaga at marahang dumampi ang labi sa leeg. Mabilis ang tibok ng puso ng dalawa. 

Hindi maintindihan ni Paul kung ano ang nararamdaman nya. Kanina, halos sumabog sya sa pag-aalala sa mag'ina pero ngayon parang gusto na lamang nyang yakapin ang asawa nya. 

"God.. "

Nabigla ang binata ng biglang magtubig ang mata nya. Nanlaki ang mata nya ng maramdaman ang paninikip ng dibdib nya at ang unti unti pag-agos ng luha nya pababa sa pisngi.

The Lust Marriage (Published by BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon