Kabanata 1

26.4K 245 101
                                    

note: hindi siya connected s reckless. nagkapareho lng pangalan. nakalimutan ko kcing nag eexit pa tong story sa account ko haha

Copyright (c) penmaster

"Mahal ko siya, pero hindi niya alam."

-Amy

Kabanata 1

Halong tuwa at lungkot ang aking nadarama habang nagi-impake ng aking mga gamit. Ito kasi ang araw na tutuloy ako sa bahay ng kaibigan kong si Cindy at ang araw na aalis si mommy. Susunod siya kay daddy sa States para matulungan niya si dad dahil nabalitaan niya ngang muntikan nang bumagsak ang business namin. Bago pa lamang si dad sa pagma-manage ng business hindi katulad ni mom na beterano na sa mga ganung gawain.

"Are you sure you're alright, 'nak?" Tanong ni mommy habang nakadungaw sa pintuan.

"Yes ma'." Mahina kong tugon. Marahil dahil sa lungkot na maiiwan muli ako. Pero wala akong magagawa, andiyan na ang lahat. Tama na rin ito kaysa mangyari ang ikakabagsak ng business naming pamilya.

"If you want to come with me, its ok." Wika ni mommy at tinulungan ako sa pag-impake.

Kung susunod ako sa States, mawawala lahat ng mga pinag-hirapan ko. I already enrolled sa university na papasukan ko. Nakapag exam na ako at kompleto ko na lahat ng mga requirement na kailangan ko. Hindi ko dapat balewalain lang iyon. Kung lilisanin ko ang bansang ito, back to zero uli ako. At isa pa, gusto ko matapos ang taong ito ng walang absents at hindi kompletong semesters. So I will take that as a no.

"No mom. Ayoko po. Ayos na po ako dito." Ani ko at napayuko.

Naramdaman kong niyakap ako ni mommy kaya agad ko rin naman itong tinugunan ng mas mahigpit. Mami-missed ko ang mga yakap na ganito tuwing gabi pati na rin yung mga comforting advices ni mommy sa tuwing dina-down ko ang aking sarili. Pero sadly, lahat ng iyon ay mawawala at magiging isa na lang magandang ala ala.

"Are you sure?" Tanong ni mommy at hiniwalay ang kaniyang sarili.

Tumango tango ako. "Yes mommy. Ayoko rin po kasing ma-home sick." Napayuko ako to avoid my mom's gaze. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga mata niyang kumikisap, para tuloy gusto ko nang sumunod sa kaniya sa states.

I know naman na maiintindihan ako ni mom. At alam ko rin na tanggap niya ang desisyon ko na magpaiwan na lamang. She trust my bestfriend so much kaya okey lang naman sa kaniya na doon ako mag-stay for two months habang wala siya.

"Sige na. Mali-late na ako sa flight 'nak." Napagtanto kong umiiyak na pala si mom nang tumingala ako sa kaniya. Naging crystal-like na tuloy ang aking mga mata. Mabilis akong mahawa sa tuwing may umiiyak, lalo na kung magulang ko ang nakikita kong lumuluha.

"I-ingat 'ma." Nanginginig ang bibig ko nang ako'y magsalita. Tumulo na rin kasi ang luha kong nagbabadya pa kanina.

Pinang tukod ko ang dalawa kong kamay upang tumayo sa sahig at kinuha ang maleta ni mama upang tulungan siya. My mom smiled at me at alam kong pilit lang iyon dahil alam kong malungkot siya sa desisyon niya.

Hinatid ko si mommy pababa ng hagdan at sa tapat ng gate. Pansamantala kaming tumigil doon at humugot ng lakas para tanggapin ang mangyayari.

Nilingon ako ni mama at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Anak, babalik din ako pagkaraan ng dalawang buwan. Sana, mapagbuti mo pa ang studies mo ha? Kahit wala ako, isipin mo na lang na nasa tabi mo ako at patuloy na sumusoporta."

Sunod sunod na pumatak ang aking luha. Buong akala ko, madaling tanggapin ang lahat. Yun pala, kapag nangyayari na, mahirap pala.

"I love you mom." Niyapos ko si mom. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya dahil ito ang huling araw na gagawin 'to sa kaniya.

Until The Night CameWhere stories live. Discover now