Rent A Gentleman - 11

18.7K 440 100
                                    

SEBASTIAN'S POV

While looking at these so many documents in front of me, mukhang wala akong matatapos nito. Hindi ko alam saan at paano ako mag-uumpisa. At isa pang bumabagabag sa akin ay si Kelley, kung kumusta na ba siya? anong ginagawa niya ngayon? Hindi rin ba siya makatulog? Kinuha ko ang cellphone ko at nag-umpisang mag type ng texts message. 

How are you?

Kelley: Busy ka? Nandito ako sa MOA, umiinom.

Umiinom siya? 

Bakit ka umiinom?

Can I call you?

Napatayo ako at pabalik-balik na naglakad sa harap ng gabundok na mga dokumento. 

Kelley: Go ahead.

"Hello?" mahina niyang sagot sa cellphone.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Kung tungkol kanina, medyo okay na ako. Hindi ko na iniisip. Anyway, maraming salamat sa pagpapahiram mo ng coat mo, Sir. I'll give it back to you pag napa-dry clean ko na iyon" masaya niyang pagpapaliwanag at pasasalamat sa akin.

Napangiti niya ako doon. 

"Don't drink too much, I know how low your alcohol tolerance" natatawa kong sabi sa kanya.  

May gusto pa sana akong itanong kay Kelley ngunit bigla na lamang itong sumigaw ng "Kleo" hinihintay ko siyang magsalita pero ang tanging narinig ko na lamang ay parang may kaaway sila. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at sumakay, hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nandito ako ngayon at nagmamadaling makarating sa kinaroroonan nila Kelley. 

Pagdating ko sa MOA, nakita ko ang mga security na tila mga nagkukwentuhan isa lang ang naisip ko mukhang dito naganap ang alitan nila Kelley. Agad ko naman silang tinanong kung nasaan na ang mga taong involve sa away. 

"Sir dinala na po namin diyan sa may temporary police station, diyan lang po sa may tabi ng MOA Eye" mahinahon na paliwanag sa akin ng isang security. Agad naman akong nagpasalamat at tumakbo papunta sa temporary police station na nabanggit niya. Pagdating ko doon nakita ko agad si Kelley na may kasamang isang lalaki at isang babae, nakita ko din doon si Carl at di ako nagkakamali na ang kasama niyang babae ay si Yeona.  

Dahan-dahan akong pumasok at pinakinggan kung anong pinag-aawayan nila. 

"Sis, look? she bitten my shoulder!" umiiyak na kwento ng isang babae. Nanglaki naman ang mata ni Yeona at tuminging muli kay Kelley. Lumapit siya at akma niyang sasampalin ito, niyakap siya bigla ng kasama niyang babae pero di ko hinayaang tumama ang mga kamay nito sa kanila. 

"Sebastian?" gulat na banggit ni Yeona sa pangalan ko. 

"Yeona" mahinahon kong banggit sa pangalan niya. 

Binitiwan ko agad ang mga kamay nito at tumingin kay Kelley. Nagulat din si Kelley ng makita ako sa harap niya. At paniguradong iisipin niya na naman na iniligtas ko nanaman siya sa ganitong sitwasyon. 

"Se-sebastian? I mean, Mr. President, anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ni Kelley. Ngumiti naman ako at umupo sa tabi niya. 

"You hang my call, at narinig ko lahat kaya, I'm here" nakangiti kong paliwanag sa kanya. 

"Okay, so may dadating pa bang iba?" nakakunot na tanong ng Pulis. 

"Ikulong niyo sila, for what they did to my friend!" sigaw ng isang babae. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now