One Summer Night

25.6K 125 48
                                    

ONE SUMMER NIGHT

IT was another hot summer for me. As the heat of the rising sun burns my skin—but of course I don’t mean it literally, I saw him. Actually more of I noticed him. He’s talking to someone over his cellphone.  I know it’s rude to stare but you can’t blame me, swear! My cheesecake, ang gwapo!

Naglakad ako palapit sa kanya purposefully crashing into his lean arms. “Whoah, Lady!” he exclaimed. Nagawa pa niyang mahagip ang braso ko enough para hindi maramdaman ng lovely butt ko ang mainit na white sand ng Bora. Tumingala ako upang titigan mabuti ang mukha nito and my oh my muntik ng malaglag ang puso ko palabas ng ribcage. “You better hire a good lawyer,” out of nowhere ay naibulaslas ko.

“Ha?” sa gulat marahil sa sinabi ko ay nabitawan nito ang pagkakahawak sa akin. Napasimangot ako ng tuluyang mapasalampak ako sa buhanginan. “Aray ah!” He squat in front of me.

Sinalubong ko ang mapanuri niyang tingin. “Miss, nabangga lang kita kakasuhan mo na ako. Wala ka namang kasong maisasampa sa akin.” I pout. “Meron, stealing! You stole my heart!”

“Ha?” nangunot ang noo ko’t napapalatak. Wala bang alam na sabihing ibang word ang lalaking ito?

“Are you that naïve? I am flirting with you!” We both heard a faint laugh from the other line. Tila noon lang nito naalalang may kausap ito sa cellphone. “Excuse me!” anito bago tumayo sa pagkaka-squat at tinalikuran ako.

Inis na tumayo na rin ako sa pagkakasalampak sa buhanginan. Wala akong mapapala roon, masasayang lamang ang oras ko. Ahh… I allowed myself to breathe the scent of summer. Yeah, I’m here to have fun, hiding from all the pressure and stress of my city life. A perfect summer vacation, that’s what I thought I would have. Drinks, parties, and flings.

Kung minsan iba rin ang trip ko kapag tinamaan ng topak like today, I decided na ang unang lalaking gwapong makikita ko ay gagawin kong boyfriend habang nagbabakasyon sa sikat na white beach.

Kalahati na ng katawan ko ang nakasulong sa tubig dagat ng may kung sinong humablot sa braso ko. It was the man that I had been trying to seduce awhile ago.

Saglit akong muling natulala sa pagsilay sa gwapong mukha nito. Kahit pangalawang beses ko ng nakita ang mukha nito ay hindi ko mapigilan nag sariling humanga rito.

“Yes?” I thoughtfully smiled at him.

“Akala mo ba ganoon lang kadaling tumakas mula sa kagwapuhan ko,” ako naman ang napangannga sa sinabi nito. “itutuloy mo pa rin ba ang pagdedemanda sa akin? Kasi gusto ko lang malaman mo na willing akong magpakulong dyan sa loob ng puso mo,” lalo akong napanganga sa sinabi niya. Oh my patatas, this guy is flirting back at me. It seems like hindi lang ako ang baliw na nagbabaksyon sa white beach.

I giggled like a teenage girl and winked at him, Grab the opportunity na! Tumawa ito ng mahina. “Got a name, mademoiselle?”  Pati husky voice nito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang feeling.

“Ana in your mercy, signor!” I curtsied and offered my right hand. Nakayukod na hinalikan niya ang iyon imbes na kamayan. “Dave at your service, me Cheri!”  Nagtitigan kami saka sabay na tumawa.

NAPATALON ako sa tuwa ng sumabog sa kalawakan ang panghuling fireworks. It’s so beautiful that it almost made me out of breath. Sa tabi ko ay panay ang kuha ng litrato ni Dave. He does not entirely trust me with his whereabouts, tanging tatlong bagay lamang ang nalaman ko rito simula ng hapon na iyon na magkasama’t magkausap kami. Una, ang pangalan nito. Pangalawa ay ang pagiging business man nito at ang huli ay ang hilig nito sa photography. 

Mga Kasaysayan ng Pag-ibig (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon