Chapter 16

2.1M 78.3K 31.7K
                                    

Chapter 16: Behind The Mask

Zein's Point of View

Kakahuyan. Masukal. Sa likod ng HU nila ako dinala. Iginapos sa nag-iisang silya sa gitna ng kagubatan na ito. Dapit-hapon na.

Nakatakip ang aking bibig ng tela. Hindi naman na ako nag-abalang sumigaw, nakatali ang bibig ko at wala ring makakarinig sa akin at kung meron man ay alam kong magdadalawang isip silang tulungan ako lalo na at hawak ako ng DGW.

Nag-uusap ang dalawang lalaking dumukot sa akin na nakamaskara pa rin hanggang ngayon.

"Sinaktan nya si Queen, tingin mo? Anong gagawin sa kanya ni boss?"

"Kamatayan. Malamang doon na ang bagsak nya."

Dinig ko ang bulungan nila. Bakit ganon? Hindi ako makaramdam ng takot sa mga sandaling ito, totoo nga ba ang sinabi nila? Na hindi ako takot mamatay?

"Wala pa kasing nagtangkang saktan si Queen, and this newbie just slapped her hard. Merciless."

Seryoso? Sinusubukan ba nila talagang iparinig sa akin para matakot ako? Well, sorry but I already accepted my death, matagal na, simula nang nalaman ko ang sikreto ng HU.

Napayuko na lang ako dahil nangangawit na ako. Darating pa ba ang boss 'kuno' nila? Nangangawit na ako, kung papatayin na lang din niya ako, dapat ay kanina pa.

"Why so selfish, Zein? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag nawala ka, napakamakasarili mo!"

Bigla kong naalala ang litanya ni Vanessa. Siguradong malulungkot na naman sila kapag may nangyaring masama sa akin, andami ko ng nagawang hindi maganda. Hindi pa ako nakakabawi sa kanila.

Hindi pa ako maaaring mamatay. Not now, not unless, sila mismo ang tumalikod sa akin.

Isang pares ng sapatos ang nakita ko sa lupa dahil nakayuko ako. Iniangat ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang addict. Maraming earings, tattoo sa katawan at namumula ang mata nya. Is this Raze Silvenia? For real?

"Siya na ba?" Tanong nito.

Kumunot ang noo ko. Bakit ganon? Wala akong kahit na anong mabakas sa boses nya? I must be trembling in fear! He is a demon but how come? There is something wrong here!

"Yes boss," sagot ng isa sa dalawang lalaking dumukot sa akin.

Ngumisi ito sa akin at tinanggal ang telang nakatali sa aking bibig. Hinawakan nya ang panga ko na animo'y babasagin nya na ito. Nanginginig pa ang kanyang kamay.

May mali talaga rito. Ramdam ko, isang malaking mali.

"Bitch."

Napayuko ako nang sampalin nya ako. Nalasan ko ang kalawang sa aking labi na sa tingin ko ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nya. I must say it fucking hurts.

"How dare you?!"

Muli akong napapikit nang sampalin nya ako. Ang hapdi na ng aking pisngi, namamanhid na rin ata ito dahil sa lakas ng pagsampal nya.

"You are just a newbie! I am the King here! Dala ko si Kamatayan, parating na rin sya," aniya.

Hindi ko alam pero natawa ako. Matagal ko ng kakampi si kamatayan, hindi nya ako pwedeng sunduin dahil magkakampi kami. Magpapatayan kami bago nya ako makuha.

"Anong nakakatawa?!"

Lumabas na ang ugat nya sa noo. Ang mata nya ay lalong pumula. Nagngingitngit din ang kanyang ngipin. Kahit na anong gawin nya, hindi ko makita ang demonyo. Pero bakit? Asan na ito?

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon