1. Malling

372K 6.7K 1.5K
                                    

Chapter 1: MALLING

SANDY'S POV

"Sandy, hindi pa ba tayo kakain?" Tumabi si Lovely sa akin sa papag. Nasa harapan kami ngayon ng bahay namin. Nag-hihintay ng grasya mula sa langit. "Lafang na lafang na ako eh!"

Inungusan ko ang aking coushin. "Eh sa wala pa tayong lulutuin, e!"

"Eh! Mag-aalas dose na pero hindi pa tayo nag-aalmusal at nanananghalian! Tomguts na ako, e."

"Osya! Mag-adobo nalang tayo," sabi ko nalang.

"Wow! Adobong porchap!"

Hinampas ko siya sa braso. "Shunga! Wala nga tayong ipang-puklong, pang-porchap pa kaya?" Humawak ako sa tiyan kong nag-aalburoto na. "Madaming kangkong sa likod-bahay. Sa poso! Yun ang i-adobo natin!"

"Ay? Oh sige." Tumayo siya sa harap ko. "Sandy, paano ang bigas? Wala tayong isasaing?"

Napakamot na ako sa ulo ko. Bukod kasi sa makati dahil kinapos ako kanina sa shampoo e, namomroblema pa ako.

"Huwag na tayong magkanin, Lovely. Sa mga mayayaman nga, hindi na sila nagkakanin. Lagi silang diet!"

"Okie!" Sabi niya sabay takbo papuntang likod-bahay.

Sandy Macapuno ang pangalan ko. Okay, uunahan ko na kayo sa pagtawa sa apelyido ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Okay, tapos na. Happy? Sanay na kasi akong pinagtatawanan ang apelyido namin. You know, our apelyido is so very weirdo. I can't do this bully no more. But, lucky me mami, we're living alive in our house with my coushin— Lovely Macapuno.

Magtatagalog na nga ako. Baka manosebleeding kayo sa akin! You know and I know, we all know that I am very better luck speaking English everytime and anywhere I talk. OMG! I'm so believing myself. I love myself so very much.

17 years old na kami ni Lovely and we're coushins.

Obyus naman na nakatira kami sa iisang bahay. Kaming dalawa lang ang magkasama. Wala na kaming pamilya. Lumayas kasi kami eh! Paano kasi wala na akong magulang kaya naman kinupkop ako ng madrasta ni Lovely. Mangyari naman na minamaltrato kami ng madrasta ni Lovely kaya ayun naglayas kami at napunta kami dito sa Sitio Maligaya.

Mahirap ang buhay pero kinakaya namin. Masaya naman kami palagi ni Lovely. Basta, magkasama kami, ayos na ayos na sa akin. Pero mas sumaya nang biglang may anim na lalaki ang dumating sa bahay namin. Uwaaaaaah~ Talagaaaaaa~ Lagi kaming naka-karne ang ulam. At eto pa ah! Naka-debote kami! Softdrinks! Minsan pa nga, nagjo-Jollibee kami eh! Hindi namin alam kung bakit nalang sila biglang tumulong sa amin. Hanggang isang araw, nalaman namin na may binabantayan pala silang dalawang babae. Napagkamalan kaming dalawa ni Lovely na kami yung binabantayan nila! Sa kadahilanang ayaw namin silang umalis at iwan kami eh nagpanggap kami na kami talaga ang binabantayan nila. Ang kaso hindi nagtagal, nalaman din nila na hindi kami ang tunay nilang binabantayan. Ang masaklap pa eh yung kapit-bahay pala namin! Waaaah! Nagalit sa amin si Kurt my loves... Oo, naging kami ni Kurt! Kapoging nilalang! Wala na! Ex ko na yun!

Kaya eto kami ngayon, nagugutom na naman. Nagtatrabaho naman kami ni Lovely eh. Nangangahoy kami sa bundok saka namin ginagawang uling. Yun nga lang eh, dalawang araw nang umuulan kaya hindi kami makapagpatuyo ng kahoy. GUTOM NA AKO!

Nagtaka ako nang may pumarada na magarang itim na kotse sa harapan ng bakuran namin. Ang ganda ng kotse! Pang-mayaman!

May lumabas na lalaki mula doon tapos kumaway sa akin. Kumaway rin ako syempre. Hohoho! Sino kaya siya? Mukha siyang artista! O pwede ring pulitikong nangangampanya? Kumakaway e.

"Sandy!"

Uwaah! Kilala niya ako? Tinawag niya ako sa pangalan ko eh!

Tumayo na ako at nilapitan siya sa bakuran. Mukhang pamilyar itong lalaking ito. Baka nga artista siya! Shemay naman kasi eh! Bat pa nasira ang TV namin? Hindi ko tuloy kilala mga artista ngayon.

Don't Say You Love Me [EDITING]Where stories live. Discover now