(Oneshot) UPCAT deja vu

58.4K 2.4K 327
                                    

Oneshot: UPCAT deja vu

 © Filipina Wattpad 2013

UPCAT 2007

Siguradong sigurado akong makakapasa ako. Bakit? Eh sa halos lahat ata ng mga tanong doon ay alam kong tama yung sinagot ko. Ewan ko na lang, baka yung machine na magchecheck ang may problema kung hindi ako nakapasa.

"Aray!" narinig kong sigaw ni Ateng nadapa sa harapan ko.

Natigilan talaga ako sa kanya. Tanga lang? /harsh

Agad s'yang tumayo. Nakita ko na may dugo yung tuhod n'ya pero hindi ko pinansin. Bakit ko naman s'ya tutulungan eh hindi ko s'ya kilala?

"Kuya!" tawag n'ya sa'kin nung akmang aalis na ako.

Natigilan ako nung lumingon ako sa kanya. Ewan ko ba pero yung mata n'ya kasi, kakaiba. Nakaramdam rin ako ng kakaiba sa may puso ko. Tila ba hindi ako makahinga dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako nagkape?

"Tapos na po ba yung UPCAT?" tanong n'ya na parang naiiyak.

Tiningnan ko yung orasan.

"Ano bang oras ng test mo?" tanong ko sa kanya.

"Umaga po" sagot n'ya.

Tiningnan ko ulit yung orasan. Kasabay ko pala s'ya dapat pero bakit ngangayon lang s'ya dumating?

"Mukhang tapos na" sagot ko sa kanya sabay tingin sa likod ko para tingnan yung naglalabasan na mga UPCAT examinees na tulad ko.

Lumuhod s'ya sa harapan ko na para bang nanghina yung tuhod n'ya. At nagsimula nang umiyak doon. Dahil sa ginawa n'ya, pinagtinginan tuloy ako ng mga tao!

"Wala na... wala na yung pangarap ko.." narinig kong sabi n'ya habang umiiyak.

Umiyak pa s'ya ng umiyak habang nakatayo naman ako sa harapan n'ya at pinagmamasdan s'ya.

Ano bang dapat na sabihin ko? Bakit parang gusto ko s'yang i-comfort pero dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, na-istatwa lang ako sa kinatatayuan ko.

Pero, ayaw ko s'yang makitang umiiyak.

Hindi ko alam pero luhod ako sa harap n'ya para magkapantay kami.

"Hayaan mo na yun.. Hindi nga rin ako nakapag exam eh" sabi ko sa kanya kaya napatingin s'ya sa'kin. Nakaramdam tuloy ulit ako ng malakas na tibok ng puso ko nung makita kong tumingin s'ya sa mga mata ko.

"Talaga?" sabi pa n'ya sa'kin. Tumigil yung pag iyak n'ya ng konti kaya napangiti ako at umuo sa kanya.

"Bakit di ka nakapag exam?" tanong n'ya pa sa'kin na medyo ikinabigla ko. Anong sasabihin ko? Eh nakapag exam naman ako?

"Na-late ako ng gising eh.." pagsisinungaling ko. Nakita kong napatingin s'ya sa hawak ko. Brown envelope.

"Sinungaling!" nainig kong sabi n'ya at nagtatakbo palayo sa'kin nung hindi ako nakapag isip ng dahilan. Gusto ko man s'yang habulin pero naglaho na s'ya sa paningin ko... na ikinalungkot ko.

Maraming taon ang nakalipas, nalaman ko na lamang na nakatayo ako ngayon sa harap ng mga maraming estudyanteng kabadong kabado para sa UPCAT. Oo, na-assigned akong mag proctor kahit fresh graduate pa lang ako.

At matapos ang UPCAT nila, lumabas na akong room. Bumaba agad ako para makauwi. Pero sa hindi ko malamang dahilan, napatigil ako sa kung saan ako nakatayo noong natapos ko ang UPCAT noon. Bigla ko ring narinig ang bilis ng tibok ng puso ko. Deja vu?

"Aray!" narinig kong sigaw nung babaeng naka-dress at may kasamang nag UPCAT(?)

"Ano ka ba ate! Consistent na ata pagkadapa mo dito ha!" narinig kong sabi nung kasama n'yang bata.

"Tahimik ka na lang! Tulungan mo na lang ako aba! H'wag mong sabihing gagaya ka pa doon sa taong hindi ako tinulungan many years ago?" may pagkainis sa boses n'yang sabi habang inaabot yung kamay nung kasama n'ya.

"Sus, gusto mo lang s'ya makita ulit---"

Hindi ko alam kung anong naisip ko para tumakbo at kunin yung kamay n'yang inaabot yung kamay nung kasama n'ya. Nakita ko rin sa mata n'ya ang pagkabigla sa ginawa ko. Syempre, ako rin, nabigla ako sa ginawa ko.

Pinagmasdan n'ya ako. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Pero alam kong s'ya yun... yung tanging babaeng nasa isip ko simula nung pumasok akong UP hanggang sa lumabas ako doon. Tumayo s'ya at agad na inalis yung hawak ng kamay ko sa kanya at aalis na nung, "Ate, s'ya yung proctor ko nga pala kanina! Yung sinasabi kong gwapo!" rinig kong bulong nung kasama n'ya.

Liningon n'ya ulit ako. Nagtama mga mata namin.

"Maaga ka atang nagising ngayon" sabi n'ya sabay tingin ng masama sa'kin. Napakamot ako ng batok sa sinabi n'ya. "Mukha nga" mahina kong sabi.

"Di pala nag UPCAT ha" rinig kong sabi n'ya. Di ako nagsalita.

"On time ka pala, ako hindi eh... nag transfer kasi ako" rinig kong sabi pa n'ya kaya napatingin ako sa kanya nung may ilabas s'ya. UP ID n'ya na may student number na year 2009.

"Pero this sem, candidate na ako for graduating" sabi pa n'ya.

"Ah.. edi matutupad na pangarap mo?" sabi ko sa kanya dahil gusto ko pa s'yang makausap.

"Hm? Mukha nga. Nakita ulit kita eh" sagot n'ya kaya nagkaron ng katahimikan sa'min.

"Makapag asawa ng taga UP... yun yung pangarap ko" rinig ko pang dagdag n'ya na medyo nahihiya.

Sumunod doon ang makabuluhang tinginan namin sa isa't isa.

(Oneshot) UPCAT deja vuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon