CHAPTER 1.2 - BitterSweet

1 0 0
                                    

"Hoy Daniel! Ito na yung ipinapakuha mong libro sakin." Iniabot ni Kath yung recipe book na ipikuha ko sa kanya.

"Uy! Salamat ha!" kailangan ko ito para sa club meeting sa friday.

"Sa Friday ang deadline niyan, ibalik mo before yung deadline! Nakapangalan sakin ang libro na yan!" Paalala niya.

"Opo manang." kahit naman lumampas sa deadline eh ako naman ang bumabayad ng fines.

Kung hindi ko lang talaga nawala yung isang librong hiniram ko, hindi ko na sana aabalahin si Kath.

"Mukha mo!" Sabay irap at bumalik na siya sa classroom nila.

Napapatawa nalang ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit palagi siyang galit sakin. Pagtatyagaan ko nalang siya para makahiram pa ako ng libro sa library.

***
Kath's POV

"HOOO!" nakahinga na ako ng maluwag ng maibigay ko na kay Daniel yung librong hiniram niya.

Ang hirap talaga kung kaharap mo yung crush mo noh?

Kahit alam ko na ginagamit niya lang ako para makahiram siya ng libro sa library, masaya parin ako.

Kasi sa paraang ito, nakakausap ko siya. Lumalapit siya sakin. Nakikita ko siyang tumatawa. Naririnig ko siyang nagpapasalamat sakin.

Buti nalang nawala niya yung hiniram niyang libro.

Pagkatapos ng last subject, dumaan ako sa canteen. Nagiging routine ko na ang pag daan sa Canteen.

As usual, nakita ko na naman si Daniel kasama ang mga kaibigan niya nag kukwentuhan, tumatawa at nakikipag harutan sa babaeng kaibigan nilang si Nadine.

Nag seselos ako.

Pero ano naman ang karapatan kong mag selos. I'm just no one.

Nagulat ako ng lumingon sakin si Daniel. Totoo ba talaga yung kapag tinititigan mo yung isang tao, makakapansin ito?

"hi Kath!" Sabay kaway ng kamay niya. Napatingin din sakin yung mga kaibigan niya, pati si Nadine. Mukhang naiinis siya sakin? Or assuming lang ako?

Inirapan ko na naman siya kahit gusto kong mag 'hello Daniel! Tara hatid mo ako samin. Mag HHWW tayo!' Haaaaay. If only I can.

Binilisan ko ang paglalakad at hindi ko na sila tiningnan, ramdam ko kasi yung mga masasamang titig nila sakin.

Baka sa isip nila, 'Ang arte naman! Siya pa tong pinapansin ni Daniel tapos iirapan lang niya.'

Bakit ba kasi hindi ko kayang magpaka plastic nalang. Yung ngingitian ko sila pabalik. Yung magpapa as if akong hindi nasasaktan, hindi naiinis, at yung hindi nagseselos.

Pagka labas ko ng gate, nakita ko na si James.

Isa sa mga hunks ng SVA. Sa pagkaka-alam ko, nililigawan niya si Nadine, pero si Daniel ang gusto ni Nadine.

Nagulat ako ng may nakita akong isang magandang babae! Lumapit kay James.

Hindi ko narinig ang pinag usapan nila pero ang mga sumunod na pangyayari ay, pumasok yung babae sa kotse ni James.

Suko na kaya siya kay Nadine?

Nakuu! Wag naman sana! Para may chance pa kami ni Daniel.

CLASH of CLUBSWhere stories live. Discover now